CHAPTER 27 AENNAIAH POV “Kakainis talaga ang babaeng ’yon.” Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko habang naglalakad ako sa gilid ng mansion, hawak ang tray na kunwari’y may ginagawa ako. Si Hasra. Anak ni Sir Bakikong. Kung hindi lang talaga siya anak ng amo ko, matagal ko na sigurong nasampal ang babaeng ’yon. Ang taas ng tingin sa sarili, parang siya ang may-ari ng mundo. Puro roll eyes lang ang sagot ko tuwing makakasalubong ko siya, kahit sa loob-loob ko, gusto ko nang pumutok. Pero hindi ko puwedeng ipakita. Hindi pa. Huminga ako nang malalim, inayos ang suot kong damit simple lang sa mata ng iba, pero alam kong eksakto ang dating. Hindi bastos. Hindi rin inosente. Sakto lang para mapansin. Sakto lang para makaramdam. At doon ko siya nakita. Sa likod ng mansion. Tahimik. Malay

