CHAPTER 5
HASRA POV
Nakaupo ako sa LIVING ROOM oo, dito talaga, hindi sa kwarto legs crossed, may hawak na throw pillow, at nakaharap sa malaking TV na naka-pause. Pero hindi naman talaga ako nanonood. I was doing something WAY more important.
Naka-zoom sa phone ko ang stolen pic ni Crush.
Yes.
Stolen pic talaga.
Taken during school event last week.
At bilang certified dalagang marupok, tinatakpan ko pa ng throw pillow ang phone ko para kunwari innocent akong nanonood ng TV.
Pero sa totoo lang…
“OH MY GOSH ANG GWAPOOOO,” bulong ko, halos mapasigaw pero pinigil ko.
As in yung tipong kinikilig ako nang todo, nanginginig yung daliri ko habang tine-trace yung jawline niya sa screen.
Kung puwede ko lang kainin yung phone sa sobrang kilig, baka nakagat ko na.
Habang nakaupo ako sa sofa, naka-tuck ang paa ko sa gilid, biglang…
SSSHHHKKK!
May lumabas na ulo sa gilid ng sofa.
Si. Jhonax.
Parang demonyitong lumitaw sa horror movie.
“Ate…” ngising aso siya. “Whatchu doin’? Hmm?”
Napatalon ako.
Literal.
Parang lumipad yung kaluluwa ko.
“Hoy Jhonax! Don’t scare me like that!”
Tinakpan ko agad phone ko ng unan, pero huli na.
Lumapit siya at sumilip nang sobrang lapit sa mukha ko, nakangisi nang parang may nalaman siyang sekreto.
At bago pa ako makapagsalita…
“MOOOOOM!!! DAAAAD!!!”
Sinigaw niya nang ubod lakas.
“SI ATE PUMAPAG-IBIG NAAAA!! MAY CRUSH SI ATEEEE!!”
Nawalan ako ng oxygen.
Literal na parang nahigop kaluluwa ko papunta sa kabilang dimensyon.
“PUTANG JHONAX TUMIGIL KA!”
Nahablot ko throw pillow ko at pinukpok siya pero tumakbo na siya pa-center ng living room, sumisigaw pa rin like may sunog.
“MOMMMMM DAAAAAAD!!! SI ATE NAGKAKA-LOVE LIFE NA!!!”
At ayun na.
Narinig ko ang tunog ng dalawang taong pang-Olympics ang bilis bumaba sa hagdan.
BOOM BOOM BOOM!
(hakbang ni Daddy)
TAK TAK TAK!
(hakbang ni Mommy)
Pagdating nila sa living room, pareho silang malaki mata, parang investigative team na may bagong case.
Si Mommy naka-pajama pa, hawak pa ang towel sa buhok.
Si Daddy naka-boxers and shirt, mukhang bagong gising sa harutan nila eh.
“Ano daw yun?!” tanong ni Mommy, nakatingin sakin.
“Ano? Sinong lalaki yan? Huy! Bata ka pa! Sino yan???” Daddy agad, parang lumalakas yung boses every second.
Si Jhonax?
Parang reporter sa gitna ng crime scene.
“Ayan po Mommy, Daddy oh!” turo niya sa phone ko.
“NAKA-STOLEN PIC PA OMG HAHAHAHAA!”
“JHONAX, PUTANG HALIKA DITO!”
Tumayo ako, pero ako yung halos maiyak sa hiya.
Lumapit si Mommy, nanginginig ang labi niya between kilig at gulat.
“Anak… totoo ba ‘to? May crush ka na??”
Si Daddy naman, dumiretso sa harap ko.
“HASRA… SINO. YUNG. LALAKI. NA. YAN.”
Para siyang si Liam Neeson sa Taken.
“Daddy… wag naman kayong OA,” nanginginig kong sagot.
“OA? ANAK, MAY STOLEN PIC KAAAA!”
Sabi niya na halos matumba.
“Hoy Mahal,” singit ni Mommy. “Calm down, crush lang yan.”
“CRUSH?!” sabi ni Daddy.
“Crush leads to love! Love leads to boyfriend! Boyfriend leads to apo! APO LEADS TO-”
“MAHAL!” sigaw ni Mommy. “Tumigil ka, parang tanga.”
Pero hindi pa tapos ang demonyito.
Si Jhonax tumayo sa center ng living room, nag-pose parang host ng game show.
“Ate Hasraaaa…”
“May apo na si Mommy at Daddy! HAHAHAHA!”
Umikot ikot pa yung gago sa gitna ng sala.
At doon na…
Na-trigger ang waterworks ko.
Bigla akong napaiyak.
Hindi cute.
As in YUNG MALAKAS NA HIKBI.
“Bakit ka umiiyak???”
Si Mommy agad yakap sakin.
Si Daddy nagpanic.
“OH MY GOD HUMIHIKBI! ANO GINAWA MO JHONAX?!”
“H-ha?? Ako??”
Si Jhonax natigilan bigla.
“ANO PA?! PINAHIYA MO ATE MO!” sigaw ni Daddy habang tinuturo siya.
“T-teka!! Hindi ko”
“UMIYAK SI ATE TINGNAN MO!!” sabay palo ni Mommy sa braso niya.
Ako?
Umiiyak talaga.
Sobrang hiya.
Mukha kong tomato na may sipon.
“Mommy… Daddy… nakakahiya na kayo…” hikbi ko.
“Awwww anak…”
Si Daddy agad lumuhod sa harap ko.
“Ako na bahala. Sino manyang lalaking yan, papuntahin mo dito. Kakausapin ko. Gusto mo ipakulong ko?”
“Mahal!!!” sabay palo ni Mommy sa ulo niya. “Hindi kriminal yung crush ng anak mo!”
“EH UMIIYAK E!”
“Baka niloko agad!”
“DADDY!!!” sigaw ko. “Hindi naman kami wala pa CRUSH KO LANG!!!”
“OH MY GOD!” sabi ni Daddy, nag panic lalo.
“FIRST STAGE NA YUN! DELIKADO NA!”
“MAHAL, you're being too much,” Mommy said, facepalming.
At doon biglang huminga si Jhonax ng malalim.
Tumayo siya sa gitna ng sala.
At sabi niya…
“Mom… Dad… Ate…
It’s a prank.”
Then he smirked.
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!”
Parang tumigil ang mundo.
Nakita ko yung mukha ni Daddy dumilim.
Si Mommy nanigas.
Ako hindi makahinga.
“PRANK???” bulalas ni Daddy.
“PRANK?!”
“HAHAHA oo! Nakakatawa kayo, grabe!” tumakbo si Jhonax pa-gitna ng sala.
Mali yun.
Napakagrabeng mali.
BOOOOOOM!
Hinabol siya ni Daddy.
“BUMALIK KA DITO BATANG KULUGO KA!!!”
“AHAHAHAHA SORRY MOMMY DADDY WAAAAG!!”
Hinabol ko rin.
Hinahampas siya ng throw pillow.
“JHOOONAAAAX!!! I’LL KILL YOU!!!”
Si Mommy tumayo sa sofa, sumigaw:
“AKIN YANG PHONE MO MAMAYAAA!!!”
At ayun nagkaroon ng riot sa living room.
Si Daddy humahabol kay Jhonax na parang sasapakin niya.
Ako umiiyak pero tumatakbo rin.
Si Mommy nagwawala.
Si Jhonax tumatalon-talon at tumatawa.
Eventually, nagsiksikan kaming apat sa malaking sofa, hingal lahat.
Ako naka-sandal kay Mommy.
Si Daddy hinahabol pa rin hininga.
Si Jhonax grounded.
As in TOTALLY.
Pero kahit gulo…
Kahit riot…
Ang saya pa rin ng pamilya namin.
Magulo.
Maingay.
Puro asaran.
Puro kilig.
Puro tawa.
At hindi ko mapigilang mapangiti sa huli.
Kahit umiiyak ako kanina…
Masaya ako.
Kasi ganito kami.
Ganito ka-chaotic.
Ganito ka-loving.