HARUTAN

1073 Words
CHAPTER 4 THIRD PERSON POV Bandang alas-singko ng hapon nang umuwi na ang mag-ama mula sa SALSAL Company. Pagkapasok nila sa malawak at mamahaling entrance hall ng mansion, agad sumigaw si Jhonax: “Mommy! Daddy nang-away na naman ang pangalan ng company namin sa utak ko! Hahaha!” “Tumigil ka nga, anak. Wala kang respeto sa branding ng tatay mo,” sagot ni Bakikong na parang CEO na pagod pero mayabang pa rin ang lakad. Natatawa lang si Jhonax habang umaakyat si Bakikong sa second floor. Nakasunod ang anak pero biglang huminto nang napansin ang bagong delivered na giant portrait ng parents niya na super sweet si Bakikong naka-backhug kay Rara at mukha silang K-drama couple. “Ewwww Mommy and Daddy! PDA much!” sigaw ni Jhonax. "Hoy! Wag ka nga basta-basta nang-eeww d’yan!" sigaw ni Bakikong mula sa taas. "Natural lang magpakita ng pagmamahal ang Daddy sa Mommy mo! Mas masarap magmahal pag legal!" Natawa si Jhonax habang inirorolyo ang mata, sabay “Whatever, Dad!” bago tumakbo papunta sa arcade room nila. Pagdating ni Bakikong sa kwarto nila, bigla siyang natigilan. Para siyang estatwa. Para siyang ipinako sa sahig. Para siyang nawalan ng oxygen. Dahil ang asawa niya… Hubot. Hubad. At hindi ‘yung pa-cute na hubad. Hindi rin sensual na hubad. Kundi yung tipong kakapaligo lang, nag-patong-towel, tapos biglang nalaglag kasi nagpunas siya ng buhok at hindi niya namalayan. Tumambad kay Bakikong ang mala-diyosang katawan ni Rara, fresh na fresh at parang nananadyang uwian siya ng heart attack. Literal na napa-nganga ang CEO. “Y-y-y… Yummy mo naman, mahal… Freshy mo naman,” bulong niya, halos walang boses. “Kainin kita…” At doon na nagsimulang mag-unbutton ng polo si Bakikong. Isa, dalawa, tatlo parang may background music na sexy saxophone. Si Rara naman, na parang dalagang nagulat, biglang sumigaw. “Ano ba ‘yan, mahal?! Sinong nagsabi kakainin mo ako at maghuhubad ka? STOP! May regla ako ngayon!” Parang may nag-crash sa kaluluwa ni Bakikong. “Ha?” Parang may narinig na game over sound effect si Bakikong sa utak niya. Pero hindi siya nagpatalo. Tumayo siya nang mayabang kahit nagmumukha nang kawawang puppy. “Okay lang yan, mahal,” sabi niya habang naka-smirk. “Kahit… red tide.” “TANGINA KA!” sigaw ni Rara sabay bato ng throw pillow sa kanya. Tinamaan sa mukha si Bakikong. Pero imbes magalit… Ngumiti pa. Ang ngiting tila nagsasabing: I will survive the red sea just for you. Napalakas ang tawa ni Rara. Para siyang nawalan ng lakas habang namimilipit sa kama. “Isa kang manyak na walang preno!” Si Bakikong, na naka-unbutton na ang kalahati ng polo, biglang napakamot ng ulo at bumuntong-hininga nang malalim. “Hala, sayang naman ang pag-unbutton ko,” bulong niya. “Pawis effort ko pa sa office, oh…” Tuwang-tuwa si Rara. Pagkatapos niyang magbihis naglagay ng comfy cotton shorts at maluwag na oversized shirt lumapit siya kay Bakikong. Nilapitan niya ang asawa. Tinitigan. Tapos inasar nang mahina. “Ayaw mo namang umintindi, no? Feeling sexy ka masyado. Ikaw na, CEO ng Red Tide Disaster.” Napangiwi si Bakikong. “HUY!” protesta niya. “Ako pa ba ang tinawag mong disaster? Mahal naman kita kaya kahit ano gagawin ko, promise kahit lumusong pa ako sa baha!” “Kadiri ka, Daddy!” biglang sigaw ni Hasra mula sa pinto. Pareho silang nagulat. “Anak, bawal ka dito basta-basta pumapasok…” sabi ni Bakikong na biglang nagpull-down ng polo dahil naka-unbutton pa. “Mommy, Daddy, please ha?” sabi ni Hasra habang naka-krus ang mga braso. “Pag may regla si Mommy, wag mo nang kinukulit! Nakikita ko na ‘yang mukha mong nagmamaktol, Daddy! Hindi bagay sa edad!” “Aba’t-!” sabay-sabay silang natawa. Si Rara napaluhod kakatawa dahil sa expression ni Bakikong na parang batang naagawan ng laruan. “Mommy… Daddy…” dagdag pa ni Hasra, “mag-behave naman kayo. At Daddy, next time, kumatok. Please. May anak ka na, HELLO.” “OMG!” sabat ni Jhonax, dumating din sa pinto. “Tama si ate! Daddy, wag kang greenminded! Hahaha!” “Sinabi ko na nga ba susunod ka!” sabi ni Bakikong. “Eh narinig ko kasi yung ‘kakainin kita’ mo, Dad!” tawa ni Jhonax. “Bastos mo talaga!” “HOY! Hindi ‘yun bastos! Romantic ‘yun!” sagot ni Bakikong habang nakakunot-noo pero pulang-pula ang tenga. “Romantic daw ohhhh!!” sabay tili ng dalawang bata habang nagtatawanan at tumatakbo pababa. Naiwan si Bakikong sa kwarto, nakahawak sa dibdib, nag-a-attitude. “Tsk. Grabe naman tong pamilya ko. Ako, ang CEO ng SALSAL Company, inaasar lang!” Lumapit si Rara, hinila ang polo niya para i-button isa-isa pabalik. “Ayan na,” sabi niya habang nakangiti. “Ginulo mo pa itsura mo. Wala kang napala.” Si Bakikong napapout. “Pero… pero…” “Pero ano?” “Gusto ko sana ng sexy time…” “HA! Oo na, Daddy. Next time na. Promise. Pero hindi ngayon, kasi mag-aaway tayo ng dugo.” “Pwede naman ako mag-” “HINDI.” “Pwede naman tayo mag-” “HINDING-HINDI.” Napayuko si Bakikong, parang aso na nalungkot at dinapuan ng ulan. Rara pinisil ang pisngi niya. “Ay nako. Mahal, magbaba ka na nga. Magdinner tayo. Para ka namang hindi pinagbigyan kagabi.” Biglang lumiwanag ang mukha ni Bakikong. “AY! Oo nga pala! Pagbigyan mo ulit ako bukas ha?” “Tingnan natin,” sagot ni Rara sabay talikod at alis. “Ang sagot mo naman laging ‘tingnan natin’!” reklamo niya habang sumusunod pababa. “Para ka namang BIR na pinapaasa ako sa processing time!” “Bwisit ka!” tawa ni Rara. Habang bumababa sila ng hagdan, bigla na namang sumigaw ang dalawang anak: “DADDYYYY! MOMMYYYY! WAG NA MAG-HARUTAN SA HAGDAN! BAKA MA-DISGRASYA KAYOOO!” “OMG!” sigaw ni Jhonax. “Oo nga Daddy, mag-hold hands na lang, wag yung kalandian!” sigaw ni Hasra. “Naku!” tawa ni Rara habang hinahawakan ang railing. “Pinagtabuyan tayo ng mga anak mo!” “Hindi naman nila ako iniintindi,” reklamo ni Bakikong. “CEO ako ng malaking company pero dito sa bahay, feeling ko ako yung intern.” “Kasi manyak ka,” sagot ni Rara, sabay kurot sa tagiliran niya. “ARAY MAHAL!” Pero ngumiti siya… yung ngiting sobrang kilig na parang teenager.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD