CHAPTER 24 THIRD PERSON POV Tahimik ang buong mansyon nang hapon na iyon masyadong tahimik para sa isang araw na puno sana ng kasiyahan. Pero sa loob ng private office ni Bakikong Güler, unti-unting kumikirot ang isang tensyon na hindi dapat nag-e-exist. Abala si Bakikong sa pagbabasa ng financial reports na ipinasok ng kanyang secretary mula sa main company. Nakasuot siya ng simpleng white shirt, nakatupi ang sleeves hanggang sa siko, at bahagyang nakakunot ang noo habang binabasa ang mga numero sa laptop. Komportable, relaxed, pero seryosong-seryoso. Hanggang sa bumukas ang pinto nang hindi kumakatok. Mabagal. Parang may gustong manindigan ang balahibo ng sinumang nakakarinig. At doon, pumasok si Aennaiah. “Sir…” malambing, mababa, halos bulong. Hindi agad kumibo si Bakikong. Sa

