CHAPTER 25 BAKIKONG POV “PUTCHA naman, Bakikong… ano ba ‘yan?!” bulong ko sa sarili ko habang pabalik-balik sa loob ng office ko, hawak ang ulo, pawis-pawis ang sentido. “Konting gapang lang muntik ka nang matumba? HA? Anong klaseng kahinaan ‘yon, ha?!” Naglakad ako papunta sa mesa, bumalik sa pinto, bumalik na naman sa mesa. Para akong umiikot na electric fan na nawalan ng wiring. “Hindi pwede ‘yung ganon! Hindi ka pwedeng matinag sa-sa… sa halos walang damit na babaeng ‘yon!” kinurot ko sarili ko sa braso. “Hoy Bakikong, may asawa ka. May anak ka. May reputasyon ka. Ba’t ka nagpa-uto sa manipis na tela?!” Seryoso, iniangat ko pa kamay ko para sampalin ang sarili ko pero pinigilan ko kasi baka sumakit pa’t makita ni Rara. Baka pagsuspetsahan pa ako. “BWISIT,” sabi ko ulit, naglalaka

