CHAPTER 35 BAKIKONG POV “Hasra?” “Jhonax?” Paulit-ulit kong binabanggit ang pangalan ng mga anak ko habang nakatitig sa cellphone. Walang sumasagot. Diretso lang sa voicemail. Parang may humihigpit sa dibdib ko sa bawat ring na nauuwi sa katahimikan. “Hindi ‘to normal,” bulong ko sa sarili ko. Sinubukan ko ulit. Isa. Dalawa. Tatlo. Wala. Napatingin ako sa orasan sa dingding. Lampas alas-nwebe na ng gabi. Hindi sanay ang mga anak ko na hindi sumagot lalo na si Hasra. Kahit galit siya, hindi niya ako binabale-wala nang ganito. Napahawak ako sa sentido ko. “Nasaan na kayo…” Biglang bumukas ang pinto. “Sir,” malambing na tawag ni Aennaiah habang papalapit. “Hindi pa po ba kayo kakain?” Humilig siya at hinalikan ako sa pisngi. Automatic dapat ang reaksyon ko—pero natigil ako. May kaka

