CHAPTER 36 THIRD PERSON POV Hindi na natulog si Bakikong. Sa loob ng isang madilim at tahimik na silid sa itaas na palapag ng isa sa kanyang mga confidential safe house, nakaupo siya sa harap ng mahabang mesa. Nakalatag doon ang mga mapa, printed satellite images, cellphone records, at mga dokumentong may pulang marka. Ang dati’y isang negosyanteng kilala sa malamig na desisyon at kontroladong emosyon, ngayon ay isang ama at dating asawa na handang sugalin ang lahat. Tahimik, pero ramdam ang tensyon. “Confirmed na po, Sir,” mahinang sabi ng isang lalaki sa linya ng telepono. Isa ito sa pinakapinagkakatiwalaan niyang koneksyon dating intelligence officer na ngayon ay private security consultant. “May movement sa lumang warehouse sa labas ng city. May armed men. At base sa signal trace,

