CHAPTER 21
ALTHEA'S POV
Napatingin ako sa kama at satisfied na napangiti ako. Dumating iyon kanina at magkatulong na ipinasok namin iyon ni Craige. Hindi kasi napadala kahapon kaya buti na lang maaga kaming umuwi galing sa office. Pahirapan nga dahil ang laki-laki non. Ayaw naman papasukin ni Craige yung mga lalaking naghatid dahil daw napansin niya na tinitignan ako.
Syempre alangan naman siya ang tignan diba? Kung siya ang tinitigan non, baka itinapon ko kung saan ang mga lalaking yon. Girl, boy, bakla, tomboy, butiki at baboy wala akong sasantuhin kapag si Craige ang nilandi nila.
"So should we christen the bed?" Craige asked.
Ngumisi lang ako sa kaniya. Naglakad siya palapit sakin pero tumakbo lang ako palabas ng kwarto. Naabutan ko si Aff na prenteng nakaupo sa sofa habang nakatingin sa TV kung saan may cartoons na kung ano na ipinapalabas.
Wala siyang pakialam samin. Huminto ako sa tapat ng TV at napaalis ako ng wala sa oras ng bigla akong kinahulan ni Aff. Haharang-harang daw ako.
"Suplado nito. Dati ang sweet mo. Nahawaan ka na niyang alien nating amo."
"I'm not an alien." singit ni Craige.
"Weh? Sure?"
Napatili ako ng akmang hahablutin na naman niya ako. Tumakbo ako paalis hanggang sa kitchen, ang kaso napatid ako. Bago ako bumagsak, nahila ako ni Craige kaya sumubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Ooohlala!
Napapikit ako at wala sa sarili na ikiniskis ko ang mukha ko sa kaniya. Ang sarap yakapin, walang panama ang kahit na anong teddy bear.
He chuckled. Napahinto ako sa ginagawa ko at nanlalaki ang mga mata na tumalon ako paatras. Hinawakan niya ang braso ko, tapos ay hinila niya ako palapit sa kaniya.
Halos manigas ang leeg ko ng inatras ko ang ulo ko dahil palapit na ang mukha niya sakin. Ayoko nga, ginagawa na niyang stress ball or to be exact stress lips ang mga labi ko. At saka maaakit na naman ako. Baka marape ko siya ng wala sa oras.
"Oy! Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Hahalikan ka."
"Bawal."
"Why?"
"Hindi pa ako ready.. Mamaya na lang."
Umatras ako at kumawala ako sa pagkakahawak niya sakin. Tumalikod na ako papasok sa kusina, ang kaso napahinto din ako. I pinched my eyes close then I turn around and jumped on him. Bago pa siya magtanong nakalapat na ang mga labi ko sa kaniya. I kissed him with so much enthusiasm na tatalunin ang energy ni Manny Pacquiao.
His fingers tangled on my hair pulling me closer and crushing my lips to him. Kissing him is a major turn on, ano pa kaya kung iba na ang gagawin namin? Super Duper TURN ON.
Pareho kaming hinihingal ng tumigil na siya sa paghalik sakin. His eyes were glowing while he's looking at me. Hinaplos niya ang mukha ko. "Stop looking at me like that."
"Why?"
"I might fall in love with you." I whispered.
Napatigil siya. Hinihintay ko siyang lumayo. Kasi alam ko hindi niya gusto ang topic na ito. Pero imbis na lumayo hinawakan niya lang ang kamay ko.
Nilaro-laro niya yon habang nakatingin sa bintana sa gilid namin. It's like he's thinking of something... something painful. And I don't know why. Pero ayoko siyang masaktan.
"Thea--"
"Sinabi ko bang mahal na kita? Hindi naman ah. Wag kang masyadong excited Boss, Sir, Among tunay. Hindi pa ako in love sayo. Ayoko nga, masasaktan ako eh."
"Just wait for me."
"Depende yan. Mainipin ako. Baka sa kakaintay ko sayo, biglang may dumaan na kamukha ni Brad Pitt, Tom Cruise at Vin Diesel, hindi ko na papakawalan iyon."
"Mas gwapo ako sa mga iyon."
"Don't you think I deserve someone better than wait for a man that I don't have the assurance that will love me back?"
Nanigas yung katawan niya. Hindi ko naman siya gustong saktan kaya sinabi ko iyon. Actually, may kadugtong pa yon pero pasuspense ang gusto ko kaya hinintay ko munang kabahan siya.
"Thea, do you want to go? Hindi kita pipigilan kung iyan talaga ang gusto mo. I want you to be happy. Alam ko na hanggang nasa akin ka, masasaktan at masasaktan ka lang din. But you know why right? Why I need to do this?"
Hindi ako umimik. Gusto ko pang marinig ang mga sasabihin niya.
Alam kong hindi niya ako gustong umalis. Alam ko na hindi lang ako ang nahihirapan dito. Pati na si Craige. Pero kasi, hindi naman niya pwedeng makalimutan si Raine...dahil kahit anong gawin ko, kung ako ang nasa kalagayan niya, hindi ko din madaling makakalimutan ang pagmamahal ko para sa taong naging buong buhay ko.
'"I don't want you to go. I want to be selfish and keep you with me. Pero alam ko na kung gugustuhin mo, pakakawalan kita. Cause no matter how much I want you with me, gusto ko parin na maging masaya ka—"
"Ikaw talaga Boss, Sir, Among tunay. Hindi mo naman kasi ako pinatapos. Oo, sa tingin ko may deserve akong tao diyan somewhere out there na hindi ko kailangang matakot para sa future, na hindi ako matatakot na mainlove, na hindi ako kailangang pag-intayin ng matagal at yung taong kaya akong mahalin. Pero hindi naman iyon ang mahalaga eh. Oo, sayo wala akong kasiguraduhan sa kahit ano. Pero dito ko gusto. And somehow you can make me happy. In the future, you might break my heart. Masasaktan ako oo, pero masasaktan din naman ako kung aalis ako ngayon."
Nakatingin lang siya sakin. Inangat niya ang kamay ko at hinalikan. It feels like he's thanking me for something I don't know.
Bumitaw na ako sa pagkakahawak niya at pumasok na ako sa kusina. Nagtatakang nilingon ko siya ng sumunod parin siya sakin papasok. "What?" I asked.
"Magluto ka."
"Anong gusto mo?"
"Surprise me."
I rolled my eyes. Still acting like a King. Iparehab ko na kaya ang taong 'to. Minsan matino, minsan hindi. Parang adik lang eh. Adik siguro...sakin?
Napangisi ako...an evil grin. Kulang na lang tumawa ako na parang witch. Proud lang ako. Ang haba ng hair ko, sobra-sobrang talbog na si Rapunzel na kasalukuyang nagpapakalbo na ngayon sa sobrang depresyon.
Si Sleeping Beauty din bumalik na sa pagtulog at gigising na lang daw siya next time kapag hindi na ako ang pinakamaganda sa mundo. Si Ariel naman ay nagpakalunod na sa deepest ocean. Hindi pa kasi ipinapanganak sa mundo ang tatalo sa ganda ko. Kasalukuyan pa lang siyang... ginagawa.
Syempre ang tatalo lang sa ganda ko ay walang iba kundi ang anak ko. Combine mo naman ang ganda ko sa kagwapuhan ni Craige, bongga!
Wait. Erase, erase. Masyadong advance ang utak ko. Basta pagdating kay Craige mukhang umaariba lahat ng cells ko sa katawan, samantalang wala pa nga kaming status na kahit ano maliban sa IT'S SUPER COMPLICATED.
Kahit nga sa f*******: wala kaming lebel. We're not even friends there. "Add mo ako sa FB." sabi ko.
"Fine."
"Pati sa twitter."
"Wala akong twitter."
"Ay, weak!"
Nag peace sign na lang ako. Nasabi ko na bago ko naisip eh. Hindi nga pala sanay si Craige sa mga salitang planet Earth, lalo na sa mga bagets at mga nagfe-feeling na bagets na katulad ko.
"What the hell is Twitter anyway? It sounds so... gay."
"Hoy ah! Maganda iyon. Tambayan iyon ng magaganda na katulad ko at mga gwapo. Follower ko nga si Sir Mateo doon sa account ko at nagfollow back nga ako eh. Buti na lang iba ang pangalan ko don. 'Senyorita Ganda', bongga ka day, bongga, bongga ka day, aw!"
"Bakit ka nagfollow? Gagawa ako mamaya! Ako lang dapat ang finafollow mo!"
Natawa ako sa sinabi niya. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Gagawa ako ng Carbonara. Nilingon ko si Craige at nakasimangot parin siya. Kinuha ko ang sandok sa tabi niya. Bago ako tumalikod, pinisil ko ang labi niya katulad ng ginagawa niya sakin dati. Iyong duck thingy.
"Ducky ka din pala."
"Em not."
Binitawan ko na siya at lumapit ako sa lutuan. Actually, hindi ko alam kung anong mangyayari sa Carbonara ko. Pero kapag nag-focus naman ako, masarap naman ang luto ko. Kaso, imposible iyon dahil nandito si Craige. Siguradong distracted na naman ako nito.
"Samahan mo na lang kaya si Aff don?"
"Pinapaalis mo ba ko?"
"No. Kaya lang, baka malungkot si Aff don at bigla niyang maisipang mag-suicide."
"Yeh, right. No. I want to stay here and look at your gorgeous behind."
Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Sa lahat naman ng titignan iyon pa. Saka, nakakailang kaya. Pero sabi nga ng mama ko noon. Hindi daw ako pinanganak na mahiyain. Pinanganak akong walang hiya.
Oo proud ako doon. Walang pakialaman ng trip. Kaniya-kaniyang kabaliwan yan. Nagkataon lang na mas marami ang share ko ng kabaliwan. Talented eh.
"Boss, Sir, Among tunay."
"What?"
"Sa tingin mo anong lulutuin ko? Basahin mo dali."
"Basahin saan-"
Napatigil siya ng bigla akong kumembot. Sinulat ko ang word na 'Carbonara' gamit ang butt ko. Kulang na lang ipagduldulan ko sa kaniya iyon para kitang-kita niya. Kaso hindi pwede, bahala siyang maglaway sa alindog ko.
Napasinghap ako ng bigla siyang lumapit sakin at walang sabi-sabing hinalikan ako. "Start cooking so we can eat. Or I'll eat you and you'll cook later."
Natatawang nagsimula na akong magluto habang siya naman ay umupo na ulit sa isang upuan. Ang haba talaga ng hair ko.
Sumeryoso na ako sa ginagawa ko. Iniisip ko ang ginagawa ni Yale sa The Camp. Talagang nakalimutan ko na kung paano gawin ang carbonara eh. Milk lang ba yon o kailangan may gata?
Alam ko walang gata. Tama...wala ata. Ginawa ko muna iyong sauce and surprisingly masarap naman siya. Nakasalang na din ang pasta at kasalukuyan akong busy sa hawak kong tablet pc ni Craige. Nagse-search ako ng magandang gawing desert. Kaso ang complicated naman ng iba.
Hindi sinasadiyang napunta ako sa mga picture niya at ako ata ang nagdrool nang makita ko ang nag-iisa niyang picture pero umaapaw naman ng hotness. Picture ata 'to sa beach. Nakashades siya habang nakaupo sa pool lounger suot lang ang trunks niya. YUMEE!
Napatili ako at nagmamadaling lumapit ako sa pasta ng biglang mangamoy yon. s**t! Nagdikit-dikit. Hinalo ko iyon pero wala ng saysay dahil talagang diki-dikit na yon.
Nilingon ko si Craige na ngayon ay kasalukuyang busy na busy sa binabasang folder habang nakaupo paharap sa likod ng upuan. Nag-angat siya ng tingin ng maramdaman niya akong nakatingin at alanganin ang ngiti na kinawayan ko siya.
Kumuha ako ng kutsilyo at lumikha iyon ng tunog ng basta ko na lang yon hinila. Iyong parang sa horror movies. Hawak-hawak ko iyon ng patayo na parang ginagaya ang isang killer sa horror movie.
"Are you planning to kill someone?"
"No. Wag kang maingay at baka bigla akong sapian at ahitan kita ng kilay gamit 'to."
Seryoso na hiniwa ko ang nagdikit-dikit na pasta. Pursigido ako na gawin siyang mukhang pasta kaya maninipis lang ang hiwa ko. Kaso ang pangit parin. Parang deformed na pasta na hindi maintindihan. Urgh! Anong gagawin ko?
Wait. Hindi naman siguro halata kapag may sauce no? Nagmamadaling nilagay ko iyon sa bandehado at nilagyan ko ng white sauce. Pagkatapos niyon, nagkadkad ako ng cheese. Inubos ko lahat don para takpan ang kapalpakan ko.
Lumapit ako kay Craige at ibinaba ko iyon sa harapan niya. Ikinampay kampay ko ang kamay ko sa harapan ng mata niya na parang hinihypnotize siya na wag pintasan ang luto ko.
"Ano yan? Bakit puro cheese?" tanong ni Craige.
"Mahilig kasi ako sa cheese. Pangpagwapo yan."
Napailing siya at kumuha na ng serving. Kumunot ng bahagya ang noo niya ng hindi niya mahiwa ang pasta para putulin at ng makain niya. Nakangiwing kumuha ako ng serving ko at halos kadkarin ko na ang bread knife doon sa plato para lang mahiwa iyon.
Ngumiti ako kay Craige at sumubo ako. Masarap naman kaso ang hirap nguyain. Kailangan mag exert ng todo-todong effort. Tumingin ako kay Craige ng sumubo siya.
"Hmm, it tastes good."
My jaw dropped. Seryoso siya? Nakangangang nakatingin ako sa kaniya habang kumakain siya. Mukhang okay naman para sa kaniya. O baka kasi mas matibay lang ang panga niya? Kasi daig ko pang kumain ng candy na ang pangalan ay 'jaw breaker'. Ang sakit sa bibig ng pasta. Parang ang kapal pa kasi dikit-dikit nga.
Napatingin kami sa may pintuan ng biglang sumulpot si Aff. Nakangiting kumuha ako ng isang strand ng carbonara at inilagay ko iyon sa lalagyan niya ng pagkain. Ilang sandali na tumingin doon si Aff. Pagkatapos, bigla akong kinahulan at lumabas. Loko yon ah.
"Pagbuhulin ko kayong dalawa eh." nakasimangot na sabi ko.
"Bakit ako kasama? Sabi ko masarap."
"Liar."
"I'm not."
Kahit sinong tao hindi maniniwala na masarap ang niluto ko. At saka kasi naman kasalanan ni Craige iyon eh. Bakit ba kasi kahit sa picture ang gwapo niya?
Saka sa lahat ng pictures, bakit yung nakatrunks pa siya? Parang ang sarap pa naman niyang kainin— tignan! Ang sarap niyang tignan!
Nakasimangot ako ng matapos na kaming kumain. Inilagay ko sa lababo ang pinagkainan namin. Sigurado ako hindi nabusog si Craige. Hindi naman kasi masarap eh. Napalingon ako sa likod ko ng biglang yumakap sakin si Craige. Pero ang higit na gumulat sakin ay yung something na kasalukuyan kong nararamdaman sa likod ko.
Uh oh. Hindi kasi pwede eh. Kung pwede lang, ako na ang mag-r**e sa kaniya. Kaso nga hindi pwede. Pilit na kumawala ako sa kaniya pero ayaw niya.
"Craige."
"You don't want me?"
"No, it's not like that. Kaya lang, ano kasi..."
"Hmm?"
"My period just started."
Nagpout si Craige...as in nagpout. Parang ang sarap niyang halikan. Since iyon lang naman ang pwede naming gawin. Sana kasi naging lalaki na lang ako para walang period kaso... kung lalaki naman ako, wala naman akong Craige.
Psh! Di bale, marami namang alternative way diyan eh. Right?