Chapter 20

2040 Words
CHAPTER 20 ALTHEA'S POV   Kanina pa kami dito sa office ni Sir Mateo at kasalukyan siyang naglilitanya na mag-ingat na daw kami sa susunod at kung sakali man na maaksidente kami ulit, wag na daw si Hade at Quin ang ipalit namin.   Natatawa ako habang nakatingin sa kaniya. Mukhang malala talaga ang naging experience niya kay Hade at Quin. Hindi ko naman siya masisisi dahil nakakawindang naman talaga ang dalawang iyon.   "So babalik na talaga kayo bukas? Promise?" tanong samin ni Sir Mateo.   Natawa nalang ako. "Opo, Sir Tom Cruise. May aayusin lang kami sa tinutuluyan namin. Bigla kasi kaming nag-AWOL kaya ayun."   Tumingin ako kay Craige na expressionless na naman. Selos lang yan. Masyadong protective na hindi mo maintindihan. Lalo na pagdating kay Sir Tom Cruise.   Ngumiti si Sir Mateo na parang nakahinga siya ng maluwag. Mukhang todo-todong stress ang ibinigay sa kaniya niyong dalawa. Lagot sila kapag nakadating na sila sa The Camp. Mapapagalitan sila ni Tita Sage.   Nang matapos kami sa pakikipag-usap kay Sir Mateo, dumiretso kami ni Craige sa malapit na mall kasama si Aff na iniwan namin sa backseat kanina.   Habang papasok kami sa mall, si Craige ang may karga kay Aff dahil busy ako sa pagtingin sa compiled files na ibinigay sakin ni Sir Mateo kanina. Para daw sa gaganaping company party.   Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako sa mga mangyayari. Though baka wala naman talaga pero pakiramdam ko may mangyayari kahit paano... Hindi nga lang siguro masyadong extreme.   Natanggap narin namin ang tungkol sa Ever Dreams na hindi namin naasikaso dahil sa aksidente na inaalam parin namin kung sino ang may pakana. And ayun nga, wala naman palang kasalanan ang Ever Dreams kaila Mateo. Actually, iba ang kaso nila at wala yong kinalaman sa mission namin ngayon kaya ayoko ng intindihin.   Dead end again.   "Thea?"   Napapitlag ako. Kanina pa pala niya ako tinatawag at hindi ko naman siya napansin dahil busy ako sa mga iniisip ko. Nagtatakang tinignan ko siya. "Ano yon?"   "Tinatanong ko lang kung anong magandang brand ng contraceptive condoms."   "Ahh! Thrust? Frenzy? Pero best daw ang 'okamoto' ata. Manipis lang yon-"   Napatigil ako ng bigla siyang humalakhak. As in humalakhak talaga. Napapatingin samin ang mga tao. Lalo na yung mga babae. Dahil kung ang gwapo ni Craige nung expressionless siya, lalo pa ngayon na tumatawa siya.   "Tumigil ka nga. Bakit ba tawa ka ng tawa diyan?"   "Una, dahil hindi naman iyon talaga ang tanong ko. Hindi ka kasi nakikinig eh. Second, hindi ko akalain na ang dami mo palang alam sa condoms. Dapat pala sayo ako humihingi ng payo."   I rolled my eyes. In fairness, parang ako naman ata ang pinagtripan niya ngayon. Napailing na lang ako. Gaganti ako kapag nakaisip na naman ako ng bagong kalokohan.   Pero sa ngayon, wala pa akong naiisip kasi gutom pa ako. Mamaya ko na siguro papagurin ang mga brain cells ko kapag may nutrisyon na kahit paano ang utak ko. "Ano bang tanong mo kanina?"   "Kung saan mo gustong kumain."   "Sa Jollibee-"   Napatigil ako ng maisip ko ang sinabi ko. Mukhang ang slow ng utak ko ngayon. Nauunaaung bibig ko. Nakakabaliw kasi ang kagwapuhan ni Craige. 'Crazy for you' na lang kaya ang theme song namin? Dahil baliw ako at siya ay alien na kasalukuyang kumikinang ang mga mata kahit hindi naman nakangiti.   Iba kasi ang ibig sabihin ng Jollibee sa The Camp. One call away, mabilis kainin para sa mga taong kinakailangan ng resistensya dahil sa pagkadrain sa paggawa ng kababalaghan.   "So...you want 'that' huh?"   "Wag kang green minded. Iyon lang kasi ang unang pumasok sa utak ko. Pancake House na lang. Kakain ako ng marami para mamulubi ka."   "That's impossible."   Sinimangutan ko siya. Sabagay nakalimutan ko na ata na itong taong 'to eh nangongolekta ng vase na pagkamahal-mahal ng mga value. Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung ano ang meron sa mga vase at gusto niyang nangongolekta niyon. Para siyang matandang ewan eh.   "Boss, Sir, Among Tunay."   "Yes?"   "Bakit ba mahilig ka sa vase?"   Napatigil siya.. Napatingin siya sakin, then he looked away. Nang bumalik sakin ang tingin niya, umiling lang siya at bahagyang ngumiti.   Parang nagbago ang mood niya.   "Wala naman. Gusto ko lang."   "So ano pang gusto mong vase?"   "A vase that the woman I love is painted on it."   Napatigil ako sa boses niya. Nang tumingin ako sa kaniya ay iginaya niya lang ako papunta sa kakainan namin. Hindi siya umiimik. Habang tumitingin ako sa kaniya, parang nag-iiba ang mga ekspresyon niya. Pero ang madalas na dumadaan sa mga mata niya ay confusion.   Hindi narin ako nagsalita. Kung bakit naman kasi hindi ko mapigilan ang bibig ko. Pero sa kabila ng lahat, kahit gusto kong iignora... alam kong hindi ako ang babae na sinasabi niya kanina. It will always be Raine. Hindi na ata magbabago iyon. Hindi niya na ata makakalimutan si Raine.   The way he said those words... parang sinabi niya na hindi niya pa nahahanap ang babaeng yon. Na hindi pa ako yon. Kasi isa lang ako sa mga babaeng dumaan sa buhay niya.   May susunod pa at may susunod at susunod pa. Pero wala ng makakatalo kay Raine.   How unfair is that? Kahit wala siya dito, kahit effortless, siya parin ang panalo. Siya parin ang gusto ni Craige kahit na wala naman siya dito para pasayahin si Craige.   "Thea."   "Hah?"   "You really need to eat. Ano bang gusto mo?"   "Ahh. Kahit ano."   Pilit na ngumiti ako at kinuha ko si Aff. Sa kaniya na lang ako tumingin dahil una, gutom ako kaya cranky ako. Ayokong magsalita ng kahit na ano na pagsisisihan ko. At saka, ano naman ba sakin kung si Raine parin ang gusto niya? Why would it even bother me? Hindi ko naman siya mahal diba?   Kaya hindi ako masasaktan.   I'm just his...his...I don't know. I don't even know kung ano ako sa kaniya. But it doesn't matter. Ayokong mag-isip. Ayokong tumigil para mag-isip. Kasi alam ko, kapag huminto ako para tignan kung anong maaring mangyari sakin, baka hindi ko kayanin.   Bagong motto ko ngayon: 'Bahala na si Batman'   Kumahol si Aff at ibinaba ko muna siya. Hindi naman siya maglilikot at doon lang naman siya sa ilalim ng table namin. Hindi ko alam kung paano namin napasok si Aff dito at hindi din ako sure kung pwede ang pets. Pero since walang nagreklamo, pwede yan.   Tumingin ako sa waiter ng dumating ang order namin. Hindi ko na inalam kung ano man ang kinakain ko at basta na lang ako kumain.   "You okay?"   "Oo naman. Inaantok pa siguro ako." sagot ko.   "Puro tulog na nga ang ginawa mo."   "Not really. Minsan wala akong tulog dahil sayo."   The corner of his lips lift up. See? That can distract him. Ngumiti ako. I'm good at this. Forgetting all of my problems. Kasi nga, natural sakin ang pagiging cheerful. "Oy Boss, Sir, Among tunay."   "Hmm?"   "Bakit hindi ka palangiti? Hindi mo ba alam na 'a smile can speak a thousand words'?"   "It's not like they need to hear a thousand words. Kung sagot lang naman, Yes or No. Bakit pa ako ngingiti? Why would I smile kung iba naman ang iisipin ng karamihan sa mga babae? I don't want to give any one false hopes."   Napataas ang kilay ko. Familiar yung mga words na sinabi niya. Pakiramdam ko, nasabi na niya yan sakin dati. Hindi siguro eksakto pero ganiyan din.   "So sa tingin mo hindi ka dapat mahalin?"   "Why? In love ka na ba sakin? Thea you can't. Not yet."   Iyon na naman yung salitang iyon: 'wait'. Wait for what? May dapat ba akong hintayin? O aasa lang ako sa wala?   Ngumiti na lang ako sa kaniya. Pilit na ngiti. Sa lahat na lang palpak ako. Pati sa pagpili ng taong gugustuhin ko palpak pa.   Safe pa si heart ngayon. Pero masakit pa rin pala. Paano pa kung mahal ko na talaga siya? Paano kung sobra-sobra na? Paano ko kakayanin?   Tahimik na kumain ako habang siya ay ganoon din. Paminsan-minsan napapatingin siya sakin na parang tinitignan kung kumakain ba ako o marahil kung anong reaksiyon ko.   Kumahol si Aff. Ngumiti ako at kumuha ako ng konting kinakain ko at pinatikim ko sa kaniya na kaagad naman niyang kinain. "Bakit kaya pinapasok si Aff dito? Pwede ba?" tanong ko.   "Not sure. Pero kung hindi pwde, makakapasok parin si Aff."   "Paano?"   "I have my ways."   Hmm. Kung sabagay. Lahat naman ata kaya niyang gawin. Still the super confident Craige Lawrence. I wonder kung natalo na ba siya sa kahit anong bagay.   Nang matapos kaming kumain at inabot ko ulit sa kaniya si Aff, naglalakad-lakad kami sa mall. Wala naman akong balak bilhin at ganon din siya, kaya lang pareho kaming ayaw umuwi.   "Punta tayo sa HOME." sabi ko.   "Anong gagawin natin doon."   "Bibili ng bahay?"   Tinignan niya ako ng masama. Nag peace sign ako. Actually and obviously, puro furniture ang tinitinda sa Home. Hindi bahay. Gusto ko lang tumingin ng bagong kurtina.   Hinila ko na siya papunta doon, at katulad kanina, nakapasok ulit si Aff. Ganon ata talaga ang epekto ng mukha ni Craige sa mga tao. Sa babae, name-mesmerize sila kay Craige kaya hindi nila sinasaway. Sa mga lalake naman nai-intimidate.   Naghiwalay kami ni Craige. Napahinto ako ng makita ko ang isang kama. Isang four poster bed na wood ang frame. May kung ano-anong nag-flash sa utak ko na ikinapamula ng mukha ko.   "Let's buy that."   Napapitlag ako. Lumingon ako at nakita si Craige na kasalukuyang nakatingin din sa kama. Kahit ako na sobra kung magtipid, parang gusto kong bilin.   "Tig-isa tayo?"   "Of course not, Althea."   Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Gusto ko iyong kama. Tumango ako at kinausap niya ang isang sales lady.   Nag-ikot ako ulit. Lahat ng makita kong furniture, si Craige ang naaalala ko. Kung hindi ako titigil, baka mabili namin lahat ng gamit dito ng wala sa oras. Bumalik ako sa kama at umupo ako doon kahit na nakalagay na bawal.   Nang hindi ako makatiis humiga na ako.   "Amm, Miss."   Hindi ko pinansin ang babae na biglang lumapit. Sa gusto kong humiga eh. Tsaka hindi ko pa 'to nasusubukan.   Naramdaman kong lumundo ang kama at napatingin ako kay Craige ng bigla din siyang humiga sa tabi ko. Pinagtitinginan na kami ng mga sales man and sales lady pero wala kaming pakialam. Iyong babae kanina na alam na bibili kami ng kama na ganito ay hindi alam kung paano kami sasawayin. Hindi naman kasi ito yung mismong bibilin namin.   "Miss, we'll get this one too. Yung isa paki-deliver doon sa address na sinabi ko sayo sa Tagaytay. This one doon sa isa pang address na ibinigay ko." sabi ni Craige.   "Okay sir. That'll be one hundred— "   "I said I'll buy it. And that means we own this, so we can put this sign away right?"   "Y-Yes, sir."   Inalis ni Craige ang sign na bawal upuan ang kama at umayos ng higa. Nasa paanan namin si Aff na nakahiga din habang nakatingin sa kung saan. Parang sinasabi niya na 'care niyo, amin 'to.'   "Seriously? One hundred thousand? Ang mahal naman."   "It's quite obvious that this kind of bed will cost much."   "Pwede tayo dito kahit gaanong katagal?"   "Yes, if you want. Kapag hindi sila pumayag, we'll buy the entire place— "   "What?!"   "Investment. Isa pa, pwede nating dalin sa The Camp lahat. Walang furniture shop doon."   Kalula ang yaman ng taong 'to. Hindi naman ako naghihirap dahil pwede narin akong hindi magtrabaho at tumambay na lang ako hanggang magkaanak si Adonis pagtanda niya. Kaya lang, matipid lang ako...minsan.   "Ang sweet nila, o."   "Siguro pumipili sila ng bed para sa bahay nila kasi bagong kasal sila."   "Ang gwapo nung guy ang HOT!"   "Shet pare, ang sexy nung girl, ang ganda pa."   Nagkatinginan kami ni Craige at ngumiti ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paano, but at the next moment, his lips were against mine. Parting my lips to kiss him deeper. Pero bago pa tumagal, may pumigil na samin. May tumikhim at pilit na kinukuha ang atensyon naming dalawa. Lumingon kami at isang babae at isang lalake ang nakaharap samin ngayon.   "Bawal po yan— "   "Her lips are mine. Kaya hindi bawal." putol ni Craige.   Then after that, he kissed me again.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD