CHAPTER 19
ALTHEA'S POV
Maghapon ata kaming nagtagisan ng lakas ni Craige. Ayoko nga kasi siyang pakilusin dahil baka kung ano pang mangyari sa mga sugat niya. Masyado siyang maharot. Wala na ata siyang ginawa maghapon kundi subukan akong akitin. Of course, unti-unti akong naakit kaya nga ganito ang ayos ko ngayon, para maligtas ako sa alindog ni Craige.
"Strip that clothes off." utos ni Craige sakin.
"Ayaw."
Kasalukuyan akong nakasuot ng mahabang damit na hanggang sahig talaga na bulaklakin pa, though saktong-sakto lang siya sa katawan ko kaya kita parin ang curves ko. But at least, mahaba siya. May sleeves pa yon. Para akong si Miss Tapia.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa kong paglalaro ng Spyro sa PSP na hawak ko. Nakasandal si Craige sa headboard ng kama dahil tumawag si Tita Sage na papunta na siya. At dahil ayaw niyang mahuli siya na nagpapasaway kaya umayos na siya sa dapat talagang pwesto niya.
Muntik ko ng ihagis yung hawak ko nang natalo na naman ako. Anak naman ng lumpiang toge 'tong larong 'to. Kung bakit naman kasi hindi ako manalo-nalo, laging namamatay. Ang sarap gawing inihaw na dragon ni Spyro eh.
"Akina. Ako ang maglalaro." sabi ni Craige.
"Gusto mo lang lumapit ako sayo eh."
"Partly... now ducky, come here."
Sinimangutan ko siya at nagdadabog na tumayo ako. Lumapit ako sa kaniya at humiga ako sa gilid ng kama. Sa ayaw kong upo eh. Gusto ko higa.
Hinila ako ni Craige para nakaunan ako sa braso niya at kinuha niya sakin ang PSP. Tinignan ko muna na hindi siya mahihirapan bago ko siya pinabayaang maglaro. Nakapalibot sakin ang mga braso niya kaya kitang-kita ko yung ginagawa niya. In fairness, para siyang hastler sa Spyro. Samantalang ako, hindi ko matapos iyon kanina.
"Kunin mo yung itlog." sabi ko.
"Paano ba?"
"Basta daanan mo."
Ginawa naman niya. Napapalakpak ako ng makuha niya na halos lahat. Ang galing lang. Siguro nung bata pa si Craige, naglalaro na din siya nito. Bakit parang ang late ko?
"Siguro nung bata ka pa nalaro mo na yan no? Ang daya! Turuan mo nga ako.Bakit kasi ngayon ko lang nadiscover yang laro na yan?" sabi ko.
"Hindi ka kasi aware sa paligid mo."
"Anong akala mo sakin? Alien? I'm not like you, excuse moi!"
Hindi siya nagsalita kaya nag-angat ako ng tingin para tignan ko kung nagalit siya. Hindi naman. Tutok na tutok yung mga mata niya don sa PSP. Sosyal. Nakikinig ang kausap ko, grabe.
"Sa tingin mo kaya hinahanap ni Spyro yung mga eggs kasi tinakas ng husband niya ang mga eggs niya dahil ayaw niyang magshare?" tanong ko.
"No. Lalaki si Spyro...at bata pa siya."
"Close kayo? Wag mo sabihing dragon ka nung past life mo?"
Hindi siya sumagot at pinabayaan ko na lang siya. Ganiyan naman yan eh. Lamang lang siya ng konti kay Cloak sa kasipagang magsalita. Siguro kaya nagkakasundo sila.
"Craige."
"Hmm?"
"Paano kayo nagkakaintindihan ni Cloak?"
"What?"
"I mean, siya hindi nagsasalita. Ikaw ang tipid. Paano kayo nagkakaintindihan? Nag sa-sign language? O kaya naman may feelings kayo para sa isa't-isa kaya titig lang eh nagkakaintindihan na kayo— aw!"
Kinagat niya ang kamay ko na bigla niyang tinaas. Nakasimangot na tinignan ko siya. Masakit kaya. Tumaas ang sulok ng labi niya at hinalikan niya ang kamay ko na kinagat niya.
"Kagatin kaya kita diyan?" banta ko.
"Please do...then kiss it too. Make sure to bite my lips."
Sabi ko na nga ba eh. May ulterior motive. Parang kailan lang, ako ang nagnanasa sa kaniya. Well, kahit naman hanggang ngayon. Kaya lang mukhang siya naman ang patay na patay sa angkin kong ganda. Ngumisi ako sa mga naiisip ko. Ano kaya kung gawin kong slave si Craige tapos—
Oo nga pala. Ako ang slave.
"Masyado mo na akong pinagnanasaan niyan ah? Mamaya kasuhan kita diyan ng-"
"s****l-Expertise-That-Can-Make-You-Scream?" sabi ni Craige.
"Sus, di ka naman ganon kagaling eh."
Natatawang napatili ako ng bigla niya akong pinaghahalikan. Ang ganda palang biruin nito. Marami akong libreng kiss. Maya't mayain ko kaya?
Ang haba ng hair ko. Talbog na talbog na si Rapunzel. Siguradong nagbabalak ng magbigti iyon sa tore niya gamit ng fake niyang buhok sa sobrang inggit sakin. Mas gwapo ang prinsipe ko eh. Hindi pala. Hindi siya bagay na prinsipe. Mas bagay siyang Yummy Grumpy Troll. Tama. Yon ang bagay sa kaniya. Masyadong common ang prinsipe para i-describe sa kaniya.
"Sinong hindi magaling?" tanong niya sakin.
"Si... Spyro?"
"Good."
"Okay. Pwede palaro ako? Doon na ulit ako sa sofa— "
"Pakiss muna."
Napasinghap ako. Bakit pa ba ako nagugulat kapag naririnig ko iyon na mula sa kaniya? Well sabagay, hindi naman siya yung tipo ng lalaki na pasweet. Mas bagay sa kaniya yung biglaang manghihila at manghahalik. Kumbaga, maginoo pero medyo bastos ang peg. Tama. Bagay sa kaniya yon.
"Ducky."
"What?"
"Kiss."
"Ayaw."
"Why?"
"Depende yan sa klase ng halik."
Ngumisi siya. Hinaplos niya ang pisngi ko at bigla niya akong hinalikan. Magaang halik... parang halos hindi nga dumampi. Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ako.
"Light kiss...and this is a smack, and this...a normal kiss. This... lingering kiss. Hmmm.. and this one... torrid."
Halos mawalan na ako ng hininga sa ginagawa niya. Para siyang taga-tinda ng vaccum sa mall namay demonstration pa. Yummy demonstration. Astig.
"Excuse me."
Muntik akong sumubsob sa sahig nang bigla na lang akong tumalon mula sa kama. Si Craige naman nauntog sa headboard. Narinig kasi namin bigla ang boses ng Mama niya. Iyong boses na parang boses ng teacher kapag may nahuhuli siyang kabalbalan na ginagawa ng mga estudyante niya.
"Ano kasi...si Craige. Amm...asakit ang labi niya. Ano po nakagat ko— nakagat niya!"
"I got it." natatawang sabi ni Tita Sage.
Namumulang umupo ako sa couch habang pinapanood ko sila. Si Craige naman ay mukhang straight face lang pero puno ng kapilyuhan ang mga mata.
Nangalumbaba na lang ako at pinanood ko ang ginagawa nila. Chinecheck up niya si Craige. Nanlaki ang mga mata ko nang tinanggal ni Tita Sage ang kumot pati na ang shirt ni Craige...
"OMHAYGOLAY!"
Napatingin sila sakin. Nagtatakang tinignan ako ni Tita Sage pati na ng kasama niyang nurse, samantalang si Craige naman ay biglang napangisi, na kaagad naman niyang pinilit tinanggal.
"What's wrong?" tanong sakin ni Tita Sage.
"Po? Ahh ha-ha-ha wala po! Nagugutom lang po ako. Parang gusto ko po ng gulay. Sige po continue lang po kayo diyan, ayos lang po ako."
Tumango siya at pinagpatuloy niya ang ginagawa niya. Inirapan ko si Craige na seryosong nakatingin sakin. Half serious, yung kalahati non nang-aasar.Napatingin ako sa katawan niya. Sheyt! Parang nakadagdag pa ng appeal niya ang mga bakas ng sugat niya. Akalain mo yon? Kung ako nga parang gusto ko ng magwala sa mga scars na naiwan sakin.
Dumako ang mga mata ko sa pajama niya kung saan bakat ang—
Para akong binabad sa kamatis ng nagtama ang tingin namin ni Craige. Mukhang alam niya kung ano ang tinitignan ko kanina. Ngumisi siya at may binulong kay Tita Sage.
Hindi naman siguro. Hindi naman siguro niya sinabi kung ano ang tinitignan ko diba? Of course hindi naman siguro. Baka iba lang yon.
"Thea." tawag sakin ni Tita Sage.
"Po?!"
Naging high-pitch ang boses ko sa takot ko sa kung ano ang itatanong niya sa akin. Mapapatay ko talaga si Craige kapag nalaman kong sinabi niya iyon.
"Tungkol sa tanong-"
"Tita, promise po hindi ko po tinitignan ang talong niya! Sinungaling po yan! Wala po akong tinitignan. Wala, wala, wala, wala, pak! Wala po talaga-"
"Huh?"
Mukhang naguluhan si Tita Sage sa sinabi ko. Napatingin ako kay Craige at may hawak siyang magazine na nakatakip sa mukha niya...but I can see his shoulders shaking. Damn it. Naisahan na naman ako.
"Sasagutin ko sana ng gusto mo daw sanang itanong sakin sabi ni Craige. Wala namang problema kung magkakaroon kayo ng physical relationship ng anak ko. Hindi naman maaapektuhan ang mga wounds niya, basta hindi masyadong rough."
Namutla ako. Parang ang weird pag-usapan niyon. Lalo na kung ang kausap ko ay nanay ng taong magkakaron ako ng 'physical relaionship'.
Promise. Masasakal ko na talaga si Craige. As in.
Pinanood ko sila hanggang sa umalis na si Tita Sage at ang kasama niya. Nagmamadaling lumapit ako kay Craige at umabot ako ng magazine. Pagkatapos, pinaghahampas ko siya.
"Adik kang alien ka!" sigaw ko.
"Aray! Thea! Tama na. And I'm not an alien."
"Wag ka ng in denial. Ikaw ang nawawalang kapatid ni E.T.!"
Napatili ako ng bigla niya akong hinatak. Tinukod ko ang kamay ko para hindi ako bumagsak sa katawan niya at baka masaktan pa siya.
"Bakit mo sinabi kay Tita Sage iyon?"
"Hindi naman dapat yon ang itatanong ko. Naitanong ko na lang din dahil apparently, nakita kitang tinititigan ang junior--"
"Hindi kaya!"
"I saw you."
"Naduling ka lang."
"Of course not."
Kinagat ko siya sa leeg na ikinasigaw niya. Pero pagkatapos niyon ay ngumiti lang siya at mukhang haharutin na naman ako. Kinubabawan niya ako at hindi na niya ininda ang mga galos niya.
Ibang klase talaga. "Anong gagawin mo?" tanong ko.
"Hindi pa ba obvious?"
"No."
Napalunok ako ng kumurba sa mga labi niya ang isang nakakaakit na ngiti. Ang dami namang talent ng lalaking 'to. At sa tingin ko, ang una don ay ang pagiging mapang-akit niya.
Sinubukan ko siyang ihulog pero inipit niya lang ako sa kama. Hinawakan niya ang magkabila kong kamay para hindi ako makakilos.
"Kapag may nangyaring masama sayo dahil sa kakulitan mo, lagot ka sakin." banta ko.
"What will be worst than me combusting with so much want for you?"
Namula ako. Naman! Ang landi talaga. "Craige..."
"O?"
"Pakiss nga."
"Hmm.. at last."