CHAPTER 18
ALTHEA'S POV
Huminga ako ng malalim ng ibaba ko na ang telepono. Kausap ko si Sir Mateo at kasalukuyan siyang nakikiusap na bumalik na kami ni Craige dahil mababaliw na daw siya sa temporary assistants niya.
Of course, para mabantayan siya habang nagpapagaling pa kami and obviously, agent ang pinadala namin doon. Si Paige sana, kaso ayaw pumayag ni Aries dahil ayaw siyang isama ni Paige. Si Fierce naman kailangan ni baby Hera. Si Andreige ayaw dahil kay Cassandra. Si Yale naman sabi magugutom daw ang The Camp at mamimiss ang kagwapuhan niya. Si Eika biglang nagtago... tinatamad daw siya. Si Marveige naman nawala kasama si Kate.
Parang sinasadiya nilang magtago at tumanggi para piliin namin ang last option namin na agents Walang iba kundi sina tentenenen! Hade and Quin.
Nagmamakaawa na si Sir Mateo na bumalik na kami. Makukulili na daw ang tenga niya sa parinigan ng dalawa at minsan daw, siya pa ang ginagawang messenger. Astig din ng dalawang iyon. Pati si Sir Mateo hindi pinalagpas. I'm very sure parang sasabog na ang ulo ni Sir Mateo sa ginagawa nung dalawa.
Kinuha ko ang phone at tinawagan ko si Hade.
"Hello Thea- Avery bakit napatawag ka—"
Tignan mo? Wala talagang faithfull na lalaki, Sir Mateo, parang yung isa lang diyan diba? diba? diba?
"Sana naman tumahimik yung isang amasonang bundok diyan sa tabi-tabi para makausap ko si Avery, ano?" pagpaparinig ni Hade.
Napabuntong hininga ako. Malala na talaga 'tong dalawang 'to. Parang nafe-feel ko na ang nararamdaman ni Sir Mateo base sa experience ko sa dalawang ito. At para din sa taong laging nagiging messenger nila, I know the feeling.
"Please magbehave kayong dalawa. Magaling na ako pero parang babalik ang sugat ko sa ginagawa niyo. Alam niyo namang kailangan kong bantayan si Craige. Ilang days na lang naman okay na siya. Behave, please?" sabi ko.
"Opo, Mama." sagot ni Hade.
Huminga ako ng malalim dahil baka bigla kong maisipang sumigaw para mabasag ang eardrums ni Hade. Ang kulit talaga, talo pa ang kakulitan ni Yale.
Hoy taong hindi ko kakilala, pa-file daw yung report. Magtrabaho ka ngang palaka ka.
"Mag-intay sana yung isang taong hindi ko din kilala diyan. Bye na, Avery magtatrabaho muna kami ng taong hindi ko kilala."
"Whatever. Just Behave."
"Yes, Ma."
Binaba ko na ang phone. Nanggigigil na pinatay ko yon. Bago pa naman iyon. Bigay sakin nila Andreige dahil nalaman nilang sira ang phone namin ni Craige.
Napapitlag ako ng may biglang yumakap sakin mula sa likod. Nakangiting nilingon ko si Craige. Umangat lang ang gilid ng labi niya. Of course, his own version of a smile.
Magaling na ang mga sugat niya...almost. Nakakagalaw na siya pero pinagbabawalan siya ni Tita Sage na gumawa ng kahit na anong mabigat na trabaho. Okay na ako. Ako na lang sana ang pupunta kasama si Hade ang kaso ayaw ni Craige.
He kept on insisting na hindi pa ako okay. Na hindi ko lang daw sinasabi pero may masakit pa sakin. Pinagbigyan na lang siya ni Tita Sage kahit na alam naman ni Tita na ayos lang ako.
"What?" tanong ko kay Craige.
"I want you."
Napaubo ako sa sinabi niya. Kailangan prangkahan? Namumula ang mukha na nilingon ko siya. His eyes are gleaming with playfulness.
"Maka 'I want you' wagas?"
"What's wrong with being straight to the point?"
"It depends on the topic Boss, Sir, Among Tunay."
"But I really want you... ducky."
Pinaningkitan ko siya ng mata. Tinignan ko ang sugat niya at parang biglang may kung anong kumislap sa utak ko. Itataas ko na sana ang kamay ko para lapirutin siya ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Huli.
"Don't." sabi niya.
"Why not?"
"Because if you do that, I'm gonna make love with you.. with or without your permission."
Ngumisi ako. Hindi na din masama. Aba, ang tagal ko ng hindi nasisilayan ang alindog ng Boss ko. Minsan ko lang siyang nakita naghubad. Sana pala nilubos ko na lang.
Kaya mula ngayon ang motto ko 'Time is gold when it comes to Craige Lawrence'. Susulitin ko lahat ng pagkakataon na makikita ko siya...naked.
Bakit pakiramdam ko mas berde na ang utak ko ngayon kesa sa dati? Parang puro kalaswaan na lang ang naiisip ko kapag nakikita ko si Craige. Epekto siguro 'to ng torrid kiss, feathery touch, lingering kisses at yummy love making, courtesy of Craige.
Bumaba ang pagkakatingin ko sa mukha niya pababa sa super delectable, super yummy na alindog ni Craige. Parang kinakawayan niya ako kahit na natatakpan siya ng jogging pants.
"Yum yum..." usal ko.
"I know."
Napapitlag ako. Did I just say that out loud?
"See? Even that delectable mouth of yours can't help saying how much you want me."
"Assuming teh? Ay mali. Assuming kuya? Ang sabi ko, gusto kong kainin ka— NANG YUM YUM! Gusto kong kumain ng yum yum! Ang bingi nito! Tse! Diyan ka na nga!"
Tinawanan niya lang ako ng naglakad na ako palayo. Nasa villa na kami. Lalabas lang ako para bumili ng katawan— ng yum yum! O kaya hihingi ako ng pretzel kay Yale.
Inalog-alog ko ang ulo ko habang naglalakad kaya mukha akong naghe-head bang. Napapatingin sakin ang mga nakakasalubong ko pero wala akong pakialam. Kailangan maialis ko ang masamang lumot na pumasok sa utak ko.
"Okay ka lang?"
Napatingin ako kay Yale. Kasalukuyan na akong papasok ng 'Craige'. Nag-thumbs up lang ako sa kaniya at dumiretso ako sa kusina.
Tumigil na ako sa kakahead bang dahil nahihilo na ako. Kumaway ako sa mga staff na nagulat ng pumasok ako. Tumatalon-talon na sinisilip ko ang mga ginagawa nila.
Kuminang yung mga mata ko ng makakita ako ng pancake na nakasalang pa. Hinawakan ko ang pan at ginaya ko ang ginagawa ni Yale na nagfi-flip ng pancake gamit lang ang pan. Napatili ako ng sa kamay ko babagsak sana iyon. Buti na lang may umalalay sa kamay ko.
"Woman, stay out of my utensils."
Sinimangutan ko si Yale na hinila ako at inupo ako sa isang stool. Lumingon-lingon pa siya na parang naghahanap ng pwedeng ipandikit sakin. Tahimik na umupo na lang ako.
"Penge ngang katawan ni Crai— ng pretzel! Wag kang bingi!"
"Chill. Ang hot nito."
Natatawang umalis siya at pumunta sa may fridge. Baka may pretzels nga. Nangalumbaba ako para magulat ng biglang tinanggal iyon ni Yale. Muntik pa akong sumubsob sa counter.
"Aray lang ha?"
"O katawan ni Craige este pretzel mo. Malas sa negosyo ang nakalumbaba. Sige ka, future groom mo pa naman ang may-ari nito— "
"YALE!"
"Chillax."
"Chillax ka diyan. Baka gusto mong ipalapa kita sa aso para maranasan mo kung ano ang Chillax. What the! I don't even make a sense. Ah basta, kakain na lang ako ng pretzel. Wag ka ngang ngumiti at baka maisipan kitang lunuking susi ka."
Tinawanan lang ako ni Yale. Na-freeze ang tawa niya ng biglang pumasok si Eika na kasalukuyang may suot ng chef's uniform. Kumuha ako ng pretzel at ginawa ko iyong popcorn habang pinapanood ko sila.
Exaggerated na binitawan ni Yale ang hawak niyang sandok at exaggerated na tumakbo siya papunta kay Eika. Slow motion pa. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain. Muntik ko ng maibuga ng kinakain ko ng biglang hinataw ng sandok ni Eika si Yale na nakalapit na sa kaniya dahilan para sumubsob si Yale sa kanang counter.
"Woo! One point for Eika!" sigaw ko.
"Ang sama mo.Ikaw na nga ang pinakain ko. Baka gusto mong singilin kita ng limang libo sa kinakain mo." nakasimangot na sabi ni Yale
"Ang mura naman." nginisihan ko si Yale ng tinignan niya ako ng masama. "Woo! Go Yale!"
Eika rolled her eyes at us. Tahimik na tumulong siya sa pagluluto. I bet dito siya inassign since hindi ako nagtatrabaho ngayon dito. Cool. May bagong pagtitripan na naman ang mga agents.
Pinagpatuloy ko ang pagkain ko ng bigla kong maalala si Craige. Tatakbo na sana ako papunta sa refrigerator ng biglang hinatak ni Yale ang collar ng damit ko para pigilan ako.
"Saan ka pupunta?" usisa nito.
"Makahawak naman 'to parang pusa lang ako. Kukuha po ako ng pagkain para kay Among Tunay kaya excuse me dakilang under pwedeng bitawan mo ako?"
"Lasunin kaya kita."
"Si Craige naman kakain eh. Saka friends kami ni Eika kaya hindi mo ako pwedeng lasunin. Diba Eika?"
"Ha?" tanong ni Eika.
"Oo na lang." sabi ko.
"Okay. Oo." sagot naman ni Eika.
Kinindatan ko si Yale. Pinakawalan niya ako at tumaas ang kilay ko ng bigla niya akong inabutan ng paper bag. Sumilip ako at may laman na iyongpagkain. Bilis ah.
Tinignan ko si Yale at kasalukuyang kumikinang ang mga mata. "Eika." tawag ni Yale.
"What?"
"Love mo 'ko?"
Napatawa ako ng binulong niya lang ang last na sinabi niya. Kaya naman pala ang bilis ng pagkain namin ni Craige eh. Nakakuha ng idea. Umatras na ako dahil baka hindi magwork at bawiin sakin ang pagkain. Huminto ako sa pintuan para hintayin ang sasabihin ni Eika.
"OF COURSE NOT! LOVE-IN MO YANG MUKHA MO! SHOO!" pasigaw na sagot ni Eika.
Kumaripas na ako ng takbo paalis. Ang linaw pala ng tenga ni Eika basta pagdating kay Yale. Wait...malinaw ang tenga? Parang mali. Diba dapat malinaw ang mata? Shesh! Whatever.
Biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon at napakunot ang noo ko ng makita kong tumatawag ang napakaBAIT kong boss. Please insert sarcasm. "Hello Boss, Sir, Among Tunay-"
"Fetch me some water."
"Aso lang ganon? Fetch? Psh! Okay okay. Kukuha na ako. Kahit na malapit naman ang fridge diyan na pwede kang kumuha ng tubig. Fine."
"Good. Hurry up, ducky."
"Opo."
"Mi... you."
Napatingin ako sa phone ko. Binababa na ni Craige ang phone. Hindi ko naintindihan yung last niya na sinabi 'mi...you' daw? Ano yon? Miss you? Hindi din. Pwede ba namang mamiss ako non? Eh wala pang isang oras akong nawawala. Ang haba naman ng hair ko non... Rapunzel lang, sosyal!
Bumalik ako sa 'Craige' at pumasok ako ulit sa kusina. Masama ang tingin sakin ni Yale pero hindi siya makalapit sakin dahil may hinahalo siya. Napangiti nalang ako. Good.
Kinuha ko ang isang galon ng tubig. Binuksan ko ang takip non at nilagay ko sa container ang konting tubig.Pagkatapos ay kumuha ako ng ice cubes at nilagyan ko ang gallon container ng madami..
Nakatanga sakin sila Yale at lahat ng staff... pati si Eika. Kinawayan ko sila at pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Nang matapos ako, nilagay ko iyon sa de tulak ng kung ano na parang lalagyan ng mabibigat na boxes.
"Penge ah. Uy, may straw na mahaba. Saan galing?" tanong ko.
"Personalize yan. May tatak ng The Camp. Hindi pa namin na cu-cut." sagot ni Yale.
"Astig!"
Kumuha ako ng mahaba. Tamang-tama. Lumabas na ako at napangiti ako ng pinagtitinginan ako ng mga tao. Lalo na visible ang mga ice cubes sa loob ng isang galong tubig na para sa dispenser na dala ko.
Dumating ako sa Villa ni Craige at kumatok muna ako. Iniwan ko muna ang tubig sa labas. Actually, napagod ako. Ang bigat pala non. But I had worse. Mas mahirap yung nagbuhat ako ng gulong ng ten wheeler truck.
"Hi Boss, Sir, Among Tunay!" bati ko kay Craige.
"What took you so long, ducky?"
"Syempre naghanap pa ako ng special na tubig para sayo. Here."
Nakakunot-noo na tinanggap niya ang super habang straw. Nagtatakang tinignan niya ako habang gumagawa ako ng move ng magician. Kinukumpas-kumpas ko ang kamay ko, habang lumabas ako ulit ng room. Then, pumasok ako tulak-tulak ang gallon ng mineral water.
"What the hell is that?"
"Water, Boss, Sir, Among Tunay. Special delivery with effort from me. May ice pa yan para malamig na parang sa Alaska lang. Galing ko, no?"
"I want a glass of water, not a gallon."
"Oy Boss, Sir, Among tunay ha? Wala kang sinabing glass lang."
Inagaw ko sakaniya ang straw at nilusot ko sa mineral water. Inilapit ko sa kaniya yon at bumuntong-hininga na lang siya. In fairness, to him, pinatulan niya ang kakulitan ko at uminom nga.
My jaw dropped ng makita kong dinilaan pa niya ang straw. SHET!
"SAVE ME FROM TEMPTATION!" No... sinigaw ko na naman?
"I wouldn't save you from temptation. Actually, I would like to help you give in... hmm?"
"Bakit ang landi mo ngayon?!"
"I told you. I want you."