Chapter 17

2327 Words
CHAPTER 17   ALTHEA'S POV   Napasinghap ako ng may maramdaman akong sakit na sumigid sa braso ko. Tinignan ko iyon at napangiwi ako ng makita ko ang sugat don. Sinubukan kong gumalaw kaso nahirapan ako.   Shit! Nakabaligtad ang kotse. Pumikit ako at tiniis ko ang kirot sa braso ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pilit na tinanggal ko ang seatbelt. Itinukod ko ang paa ko at napasigaw ako sa sakit. May sugat din ako doon. I'm gonna kill that bastard. Pasasakayin ko siya sa kotse at papaandarin ko hanggang sa mahulog sa bangin.   I held my breath at sinipa ko ang pintuan sa gilid ko na napipi na. I stiffened when I remembered something... Tumingin ako sa side ni Craige at nanlaki ang mga mata ko.   "Craige?"   Hindi ko siya mahihila kung pareho kaming nandito. Gumapang ako palabas. Hindi ko na pinansin ang sakit ng mga sugat ko. Craige got it bad...   Tumingin ako sa paligid. Hindi pa kami nakakalayo masyado sa The Camp. Yumuko ako at hinanap ko ang cellphone ko.. it's broken.   Binuksan ko ang likod non at binali ko ang sim card. That will alert Veil na may nangyari samin. Dahil bukod sa tracker na nasa tattoo namin, may tracker din kami sa phone. At kahit nakapatay ang phone, hindi namamatay ang tracker sa phone namin. It's one of our many ways to alert them.   I know they will find it weird na nawala ang tracker namin sa phone kahit na bukas pa ang mga tracker na nakakabit samin ni Craige sa mga tattoo namin.   Tumakbo ako sa kabilang side. Tinanggal ko ang seatbelt ni Craige at pilit na inilabas ko siya. He got wounds all over the left side of his body. Natatandaan ko pa na niyakap niya ako kanina. That must have caused this.   Naiiyak na ako habang hinihila ko siya. Inihiga ko siya sa gilid ng daan. Luckily, there's no leak or anything sa kotse that might cause an explosion.   "C-Craige. Wake up.. dadating na sila."   Hindi siya kumilos. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kahit sana dumilat siya o gumalaw para malaman ko kung ayos lang siya. "Craige naman eh! Hindi ako doctor kaya gumising ka!"   Tinignan ko ang pulse niya. Hinubad ko ang t-shirt ko at inilagay ko sa dumudugo niyang balikat. I think that's what I need to do. I'm really not sure.   "Damn it.. Amm.. I guess I need t-to put some pressure.. here.. God, wake up."   Pumikit ako ng mariin habang iniisip ko ang first aid na nasa reminders book sa school ko noon sa highschool na hindi ko naman pinapansin.   Great. Just great. Kung alam ko lang na isang araw kakailanganin ko pala, sana binasa ko na but I can still remember.. I guess. Ang tagal na non.   I tilt Craige's head back. Yumuko ako para pakinggan ang paghinga niya. It's not.. normal. I inhaled deeply, then I leaned down, giving him two full breaths. I placed the heel of my hand on his chest and the other on top of it. I gave him thirty compressions every two breaths. Hindi na matigil ang luha ko.   I don't know If I'm doing this right but I need to try. I need to try and save him...   Nag-angat ako ng tingin ng may biglang huminto na sasakyan. I sighed in relief ng nagmamadaling bumaba si Tita Sage kasama si Andreige. Nakita ko pa sa likod ang nanlalaki ang mga mata na si Cassandra.   "I'll handle it. Andreige bumalik ka sa The Camp at tumawag ka ng tao sa clinic. Bring Thea with you, kailangan din siyang gamutin." sabi ni Tita Sage.   Inalalayan ako ni Andreige at isinakay niya ako sa passenger seat ng sasakyan. Maya-maya lang umaandar na kami. Hindi ko maiwasan na hindi tanawin si Craige na inaasikaso ni Tita Sage. I wonder if he'll be okay. I want to know if he's okay.   "Magiging ayos din siya, Thea. Si Kuya pa." sabi ni Andreige.   "I don't know. He looked so... fragile."   "Masesesante ka kapag pinarinig mo sa kaniya yan." natatawang sabi ni Andreige. "Marami ng pinagdaanan ang kapatid ko. Most of it was because of a woman...Raine.. then you." patuloy niya.   Napatingin ako sa kaniya pero nasa harapan lang naman ang tingin niya. Anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Of course, Craige will do everything for Raine. Mahal na mahal ni Craige si Raine. Kung kaya lang ibalik lahat, baka mas pinili niya pang siya ang nawala kesa sa babaeng mahal niya. That's how much he loves her.   "Don't think of her too much. She's all in the past. Ang mahalaga ang ngayon." sabi ni Andreige.   "You're not making any sense."   "Right. Kalimutan mo na lang ang mga sinabi ko. High pa kasi ako sa halik ni Cassandra kaya ganito— aray!" natatawang sabi ni Andreige.   Napatingin ako kay Cassandra na bigla na lang sumulpot ang ulo at kinagat si Andreige sa braso. Hmm. Saka na ako tsitsismis ng tungkol sa kanila. Kailangan makarating na kami sa The Camp para mailigtas na si Craige. Magiging boring ang buhay ko kapag nawala siya. Wala na akong aasarin, wala na akong sisirain na araw, wala na akong kukulitin, wala ng hahalik sakin... touch... hugs...and a love making that can make me go mad.   Namula ako sa naisip ko at nilingon ko sila Andreige. Kasalukuyan siyang nakatingin sa rear view mirror habang kinikindatan ang nakasimangot na si Cassandra. Masyado silang distracting. Umaariba ang radar ko kapag nakakakita ako ng mga taong bitter at malapit ng magkaroon ng happily ever after.   Iyon nga lang may mas nauuna na sa kanila na mukhang malapit ng magpatali sa isa't isa. Kaya kailangan muna nilang mag-intay na dalawa.   Nang makarating kami sa The Camp, dali-dali kaming pumunta ni Andreige sa Clinic. Imbis na umupo ako para magamot ng nurse na palapit na pumunta ako sa kausap ni Andreige na pinapapunta niya sa lugar kung saan nandon sila Craige.   Hindi ko na pinatapos si Andreige sa sinasabi niya sa lalake at bigla ko na lang iyon hinatak sa kwelyo palapit sakin. Nanlaki ang mga mata ni Andreige at si Cassandra na kapapasok lang. "I'll give you and your staff s five minutes para umalis at pumunta doon. I promise you, you wouldn't like what I'll do kapag napahamak si Craige." banta ko.   Binitawan ko siya at dali-dali siyang umalis kasama ng apat pa na lalake. Huminga ako ng malalim bago ako umupo sa gurney at hinayaan ko ang babaeng nurse na namumutla na siyang gagamot sa akin. "That's a great way to terrorize the staff." natatawang sabi ni Andreige.   "Nakita mo naman kung gaano siya kabilis umalis."   Napatingin ako sa nurse na gumagamot sakin ng makaramdam ako ng kirot sa ginagawa niya. Napatigil siya saglit bago namumutla na nagpatuloy. Gently this time. Good.   "Pwede na ba akong umuwi sa Villa para matulog? Bakit ba kasi lagi mo na lang akong sinasama?" tanong ni Cassandra kay Andreige.   "Mas ligtas ka kung lagi kang nasa tabi ko. Paano kung may makapasok dito at saktan ka?"   Umirap lang si Cassandra habang nakataas ang kilay naman na tinignan ko si Andreige. Namula siya at inilapat niya ang isa niyang daliri sa labi niya na parang pinipigilan niya ako na magsalita. Napailing na lang ako.   Hanep ang katwiran niya kay Cassandra pero ang totoo wala namang magiging problema kahit iwan siya dito ng ilang oras. Lalo na maraming agents dito. Palusot lang ni Andreige dahil ang totoo gusto niya lang makasama si Cassandra.   Napatayo ako para mapaupo ulit dahil napadiin ang kamay nung nurse sakin ng biglang may pumasok na stretcher. Nandoon si Craige na may malay na at kasalukuyang sumisigaw.   "Where the f**k is Althea?! I swear if you let anything happen to her, I'm gonna kill you all! Damn it! Let me go!"   Hinawakan ko ang kamay nung nurse para tumigil siya at lumapit ako kay Craige na nasa tapat na ng kinahihigaan ko. Hinawakan ko ang kamay niya at pumiksi siya. Kaagad nawala ang pagkainis sa mukha niya ng makita niya ako. Huminga siya ng malalim. He look relieved. Ngumiti ako ng bahagya sa kaniya.   "How do you feel?" tanong ko.   "I'm fine. Ikaw.. may masakit ba sayo? Hey you! Bakit hindi mo ginagamot si Thea? Damn it—"   "Okay lang ako. Ikaw 'tong walang malay kanina. I even need to use my little knowledge about CPR. Hindi ko nga alam kung nakabuti sayo yon o nakasama."   Tita Sage gave me a smile. A reassuring smile.   Bibitawan ko na sana ang kamay niya pero pinigilan niya ako. Napatingin ako sa kaniya and I almost cried because of his pleading eyes. Umupo ako sa tabi niya at lumapit sakin ang nurse para gamutin ako. Nakatingin lang kami ni Craige sa isa't-isa, savoring the moment.   "You sure you're okay?" tanong ko ulit.   "Yes...now that I know you're fine."   Napatingin si Craige sa may pinto ng biglang may tumikhim. Pumasok si Aries at Cloak na sabay pang tumikhim. Namula ang mukha ko. Nakita ko na ganoon din si Craige.   "May nabubuo, 'no Cloak?" tanong ni Aries.   "..............."   "Corny nito sumagot ka naman."   "............."   "Whatever. Oo daw." natatawang sabi ni Aries.   Napailing ako. Maya-maya sunod-sunod ng pumasok ang mga agents na biglang nagsasabi ng 'ayieee' kapag napapatingin samin ni Craige.   Nang matapos ang nurse sakin, sumubsob ako sa gilid ng kama para maitago ko ang mukha ko sa kanila. Naramdaman ko na hinahaplos ni Craige ang gilid ng mukha ko pero hindi ko siya nilingon.   "Guys, get out. You're making Thea uncomfortable." utos ni Craige.   "Woo! May ganon? Cloak halikan-- I mean, halika na nga." natatawang sabi ni Fierce.   "Makaalis narin. Biglang may dumating na masamang hangin." sabi naman ni Quin.   "Ako din aalis na. Parang nakakalason ang hangin dito, lalo na ng dumating ang isang taong sa sobrang lason na ang utak, nalason narin ang understanding abilities." pagpaparinig ni Hade.   "Mga bitter! Bye kuya! Alis na kami ni Aries. Humayo kayo ni Thea at magpakarami-- magpagaling!" si Paige na natatawang hila-hila ang asawa niyang si Aries.   Umalis na silang lahat kasama si Cassandra na bigla na lang hinila si Andreige paalis. Inaantok na daw siya at gusto na niyang matulog. Kawawang Andreige. Under.   "Ako din ba aalis?" natatawang tanong ni Tita Sage.   Sunod-sunod na umiling ako at tinignan ko ng masama si Craige. He's all clean now at mukhang wala namang nabali sa kaniya na kahit ano. Thankfully.   Hindi siya ngumiti, as usual, pero kumikinang ang mga mata niya. I think hindi na mawawala sa kaniya ang pagiging suplado, which is normal para sa kaniya. "Of course not, Ma." sagot ni Craige.   Natawa nalang si Tita Sage. "But I need to dahil, apparently, kanina pa ako tinatawagan ng Papa mo na inatake ng rayuma kaya hindi makatayo para puntahan ka. Galit na iyon to be exact dahil pinipilit niya akong samahan siya pero tinakbuhan ko lang siya knowing na hindi niya ako mahahabol."   Napailing si Craige ng tumawa ng malakas si Tita Sage na parang nag e-enjoy pa na naisahan ang asawa niya. Really weird. Parang ako lang?   Well.. of course hindi kami mag-asawa ni Craige but that's really a wonderful thought— Erase, erase!   "Thea."   "Hmm?"   "Stay with me."   Bago pa ako makasagot itinulak na ang gurney sa utos narin ni Tita Sage. Pumasok iyon sa isang room. Sumunod ako dahil tinatawag ako ni Craige.   Sa loob, may maraming pintuan. Pumasok kami sa loob ng isang pinto kung saan may dalawang hospital bed. Inilipat si Craige sa kabila at inayos ang dextrose niya. Umupo ako isa pang bed pero umiling si Craige.   "Pakiusog sa tabi ko." utos ni Craige.   Magrereklamo sana ang lalaking nurse pero binigyan siya ng matalim na tingin ni Craige dahilan para tahimik na sumunod na lang siya.   Nagkatinginan kami ni Tita Sage and she beamed at me. Namula ako at sinundan ko siya ng tingin hanggang makalabas na siya ng kwarto. Ang mga lalakeng nurse naman ay nagsimulang bihisan si Craige kaya kumuha narin ako ng hospital gown at pumasok ako sa c.r. doon at nagpalit.   Paglabas ko, wala ng tao at kasalukuyang nakatingin sakin si Craige. He tapped the space beside him at bahagya akong ngumiti at tumango.   Nang makahiga ako, bahagya akong hinila ni Craige para mas mapalapit ako sa kaniya. Umusog ako palapit sa kaniya para hindi na siya mahirapan.   "Stay still." sabi ko.   "I know."   "Naglilikot ka parin naman. Kapag hindi ka gumaling..."   "What will you do?"   "Wala naman akong gagawin. Kaya lang kung hindi ka gagaling, how can you make love with me again?"   He groaned. Napatingin ako sa kaniya at napangiti ako ng makita kong masama ang pagkakatingin niya sakin. His eyes darken with pure want.   "Kaya wag kang kikilos diyan at matulog ka." patuloy ko.   "Lumapit ka pa sakin."   "Ang lapit ko na kaya."   "Closer."   "Sir, gaano ka-close?"   Ginaya ko pa ang nahihiyang acting ni Sarah sa A Very Special Love. Craige rolled his eyes at akmang kikilos siya para hilahin ako kaya inunahan ko na siya. Sumandal ako sa balikat niya na walang wound at yumakap ako sa kaniya.   "Ayan. close enough?" tanong ko.   "Hmm...pwede narin."   "Gaano ba kaclose ang gusto mo? Yung tipong magkakapalit na ang mga kaluluwa natin?"   "Not really."   "Ano nga?"   "Close like... me inside you."   Napaubo ako bigla sa sinabi niya. Papaluin ko sana siya ng maalala kong injured siya. I gritted my teeth para mapigilan ko ang sarili ko na sakalin siya. Tumalikod ako sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya.   "What? Tinatanong mo ako eh."   "Whatever. Just sleep and give me some peace of mind."   "Kahit na injured ako, I can give you an example of peace of mind. Now please... look at me."   Bumuntong hininga ako. Haharap ba ako o hindi? ? Kaso kapag hindi ako humarap, hindi din yan titigil at baka kung ano pang mangyari sa kaniyaNakasimangot na humarap ako sa kaniya, and at the exact moment... he kissed me.   "That's the first example of a peace of mind, ducky."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD