Chapter 16

2275 Words
CHAPTER 16 ALTHEA'S POV   Nilingon ko si Craige. Tulog na tulog siya. Maingat na inalis ko ang braso niya na nakapatong sa hubad kong katawan. Inabot ko ang robe ko at dahan-dahan na lumabas ako.   Muntik na akong mapatalon ng pagbukas ko ng pinto nandoon si Aff at mukhang iniintay akong lumabas. Tumaas ang kilay ko ng parang pairap na tumalikod siya at naglakad papuntang kusina.   Ang taray ng lolo, bonggacious!   Mukhang mainit ang ulo niya dahil hindi namin siya naasikaso ni Craige kagabi. We're a little..preoccupied. Pinagsalin ko na lang siya ng pagkain at tubig. Then I turned on the coffee maker.   Kinukusot ko ang mga mata ko habang iniintay kong matapos ang coffee ko. Madaling araw na ata akong nakatulog because of an obvious reason. Isa din ata si Craige sa mga superman sa mundo. He's insatiable at halatang ayaw niya akong bigyan ng panahon para mag-isip. Not that I want to think.   I don't want to think about the future. I just want to be happy right now. Alam ko naman na hindi kami dapat nagpadalos-dalos. But I'm a grown up woman. I know what I'm doing. And this is the choice I want. Maybe I'll regret it in the future but I have no choice. Mukha kasing pinagtutulungan ako ng utak at puso ko.   No, I'm not in love with him. Sigurado ako dahil puso ko 'to. Malamang alam ko ang nararamdaman ko. I'm not in love with him but... I'm starting to.   Napapitlag ako ng biglang may humalik sa pisngi ko. "Good morning, ducky."   Naningkit ang mga mata ko. Something happened between us na hindi ko na mabilang, pero 'ducky' parin ang tawag niya sakin. Weird guy. "Morning Boss, Sir, Among Tunay."   "Why do you always call me that? Masyadong mahaba."   "Masipag kasi ako."   Isinalin ko na sa mug ang coffee. Yung mug namin. Uminom ako at nakangiting inabot ko iyon kay Craige. Uminom siya at tumango-tango. Tumingin ako kay Aff at busy parin siya sa pagkain niya. Mukhang nagutom siya kagabi kahit na iniwanan ko naman siya ng pagkain. Takaw.   "But I think something taste better with this." ani ni Craige.   "Ano?"   "This."   Nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lang niya akong hinalikan. I can taste the coffee in his mouth. At tama siya. It tastes better. I moaned and wrapped my arms around him. He hoisted me up and he put me down on the counter.   "Hmm...yum yum!"   "Crazy."   Umangat ang gilid ng labi niya. Bakit ba ang gwapo niya kahit hindi siya marunong ngumiti ng normal? Lalo na ngayon, halos wala na siyang suot.   Kinuha ko ang mug sa kaniya at uminom ako. Bumaba na ako sa counter dahil naglilikot na si Aff. Brat yan eh. Pakarga ng pakarga. Lumapit ako sa kaniya at binuhat ko siya. Pagkatapos inabot ko siya kay Craige na nakasandal lang sa kitchen counter habang nakatingin sakin.   "Magluluto ako. Wag kayong malikot diyan pareho."   Tumango lang si Craige. His eyes are dancing with humor kahit na hindi naman siya nakangiti. Naglabas na ako ng pancake at bacon. Wala trip ko lang.   Habang nagmimix ako ng mixtures bigla kong narinig ang phone ko na nasa kwarto na biglang nagring. Yung ringtone na tumugtog which is a Jimmy Neutron's opening song ay ring tone ko para kay Adonis.   Shit! Nakalimutan kong tumawag sa kaniya kagabi. Lagi ko kasi siyang tinatawagan bago ako matulog.   Maglalakad na sana ako papunta sa kwarto pero si Craige na ang pumasok doon habang karga niya si Aff. Pinagpatuloy ko na lang ang paghalo sa mixture.   Pagkaraan, naramdaman ko na may pumaikot sa bewang ko na braso kasabay niyon ay ang paglapat ng phone sa tenga ko. Nilingon ko si Craige at tinanguhan niya lang ako. Ipinatong niya ang chin niya sa balikat ko at mukhang nakikinig siya. Si Aff naman nasa paanan namin at nakikigroup hug din.   "Hello? Ate?"   "Adonis, baby, sorry hindi ako nakatawag kagabi. N-Nakatulog na kasi ako kaagad. How's everything? I know na dapat bumalik kami diyan nung Friday kaya lang pagod na talaga kami."   "Okay lang po ate. Magpapaalam po sana ako... kung pwede po akong sumama kaila Tita Fierce sa Boracay."   Boracay? Sosyal. Sayang hindi ako makakasama.   Pupuntahan ko na lang si Adonis mamaya kahit na gabi na ako makauwi. Guilty ako kasi hindi ko siya natawagan kagabi. Masyado kasi akong naging busy sa isang tao dito na kung saan-saan na gumagapang ang kamay.   "Kailan ang alis niyo?" tanong ko.   "Bukas na po."   "Okay. Hintayin mo ako diyan mamaya. Paghahanda kita ng mga dadalin mo."   "Opo!"   Napangiti ako ng marinig ko ang excitement sa boses niya. At the same time, it made me feel more guilty. Pakiramdam ko napapabayaan ko na siya. Binaba ko na ang phone. If only I can stop this mission.   "You're a great sister, Thea. Don't doubt that."   "Mind reader ka na ngayon?"   "You're easy to read." Maghapon kaming nagtrabaho ng makarating kami sa company ni Mateo. Actually, napansin ko mukhang problemado si Sir Mateo kaso hindi pa kami pwedeng kumilos hanggang hindi lumalabas ang result ng research sa VEIL.   Nang matapos kami ng araw na iyon, dumiretso na kami sa condo at kinuha si Aff. Tahimik na kasunod ko si Craige ng karga ko na si Aff pababa. Ipapakilala ko siya kay Adonis. Magcocommute na lang ako.   Nagtaka ako ng bumaba kami sa basement. Baka may pupuntahan rin si Craige. Naglakad na lang ako pabalik. Mukhang gusto niya lang ihatid ko siya sa sasakyan.   "Saan ka pupunta?"   "Kay Adonis. Take the car, magcocommute na lang ako. See you later."   Aalis na sana ako pero hinawakan niya lang ang kamay ko. Nagtatakang tumingin ako sa kaniya.  Tumaas yung kilay ko ng hinila niya ako at sinandal sa sasakyan. Napalunok ako ng magtama ang mga mata namin. Don't tell me, he'll kiss me?   Napapikit ako. "Ducky."   "Hmm?"   "Sasama ako. Get in."   Nakasimangot na nagmulat ako ng mga mata at pumasok sa loob ng sasakyan. Nilagay ko sa backseat si Aff. Umikot siya at ilang sandali ay bumabyahe na kami paalis. Nahahapong sumandal ako sa upuan. Tama yan. Habang nagda-drive siya, matutulog na lang ako. Princess ang peg. May driver pa ako na gwapo. Achieve na achieve!   "Wag mo akong tulugan." aniya Craige.   "Inaantok ako."   "Hindi pwede. I swear Thea, if you sleep, I'm gonna stop the car and I'll make you scream my name—"   "Wow. Threat ba yan o promise? Yum yum!"   He chuckled. Napangiti ako ng makita kong nakangiti siya. Akalain mo yon? May part din pala ng sense of humor ko ang gumagana sa kaniya. Akala ko immune siya talaga sa umaapaw na sense of humor ko. May pag-asa pa talaga siya. Mukhang ako ang cure niya sa malubha niyang sakit.   Itinaas ko ang mga paa ko sa dashboard. Napatili ako ng wala sa oras ng muntik ng makipagkissing scene ang mukha ko sa wind shield ng sasakyan na ginagamit namin ni Craige ng bigla siyang huminto.   Umayos ako ng upo at hinawak-hawakan ko ang mukha ko para macheck kung may na damage ba. Pagagastusin ko talaga si Craige kapag nabangasan ang pretty face ko. Marami pa naman ang luluha ng dugo kapag na damage ang mukha ko.   Matalim ang tingin na lumingon ako sa kaniya. "Bakit naman wala kang warning kung hihinto ka? Paano kung lumusot ako diyan sa wind shield at madamage ang kagandahan ko? Alam mo bang maraming mawawalan ng interes mabuhay kapag pumangit ako? Kapag pumangit ako, wala ng maganda sa mundo." mahabang litanya ko.   "Umayos ka ng upo. And I told you, mag-ayos ka sa pananamit."   Tinignan ko ang suot ko. Mas conservative pa 'to kesa sa conservative kong suot kahapon. Nagtatakang nilingon ko si Craige na namumula ang mukha. "Alam mo, nagtataka ako sayo. Bakit kahit anong isuot ko mali para sayo? Hindi kaya kahit anong suot ko, pinagnanasaan mo ako? Hanep! Ibang level na ang alindog ko."   "Quiet."   I pouted. Bahala na nga siya sa buhay niya. Nilingon ko si Aff na tumingin din sakin. Tumahol siya pagkatapos tumingin siya sa bintana. Wag ko daw siyang istorbohin. Nahawa na ata sa kasungitan ni Craige.   Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas. Basta nagising na lang ako na may humahalik sa pisngi ko. Dahan-dahan na nagmulat ako ng mata. At the same time, nasa labi ko naman dumampi ang halik.   "Maniac." sabi ko.   Umangat lang ang gilid ng labi niya. Kinuha niya si Aff sa backseat at lumabas. Bumaba narin ako at sabay na naglakad na kami.   Nagtatakang nakatingin samin ang ibang mga agents nang makita kami ni Craige. Halos lahat sila nagtataka ng makita nilang may hawak na cute na aso si Craige. Para kasing hindi bagay sa kaniya ang cute na aso. Mas bagay sa kaniya yung mukhang nanlalapa na aso. Buti nga nagkakasundo sila ni Aff eh.   "Wow! Ang cute naman. Anong pangalan niyan?" tanong ni Quin.   "Aff."   "Ah... Anong second name?"   "Aff din. So Aff ang first name, then Aff ang second name, equals to Aff Aff."   "Wow... Ang effort, ang dami, grabe!"   Napangiti ako sa sarcasm sa boses ni Quin. Natatawang nilagpasan ko na sila at sinundan ko na si Craige na tuloy-tuloy lang. Tumuloy kami sa bahay ni Fierce at inabutan namin don ang dalawang bata na kasalukuyang naglalaro ng playstation.   Nang makita ako ni Adonis ay dali-dali niyang ibinaba yang hawak niya at tumakbo palapit sakin. Napangiti ako at niyakap ko siya. Mukhang namiss niya ako.   "Miss na po kita Ate." aniya ni Adonis.   "Miss you too. Tignan mo o, Eto si Aff."   Tumakbo palapit si Hermes kay Adonis at pareho nilang nilaro si Aff na mukhang natuwa naman dahil feeling sikat siya ngayon. Mana nga ata kay Craige.   Nang-aasar na ngiti naman ang isinalubong sakin ni Fierce. Si Cloak, na karga-karga sa isang braso ang little baby nila na si Hera, ay tinapik naman si Craige. "Congrats pare." sabi ni Cloak.   "Oo nga! Congrats. Woo! Ang obvious niyo masyado. May hindi na virgin dito, mabuhay." sabi ni Fierce.   Tinakpan ko ang bibig niya at nilingon ko ang dalawang bata. Mukhang hindi naman nila narinig ang pinag-uusapan namin. I rolled my eyes at Fierce na ngumiti lang. Ganoon ba kami ka obvious?   Naglakad kami papunta sa sofa at umupo. Mukhang hindi kami titigilan ni Fierce hanggang hindi namin naikukuwento lahat ng nangyari.   "Bakit niyo alam?" tanong ko sa dalawa ng makaupo na kami. Pagkatapos ay binalingan ko si Craige. "Ikaw, tsinismis mo no?"   Tinuro ko si Craige na pinaningkitan lang ako ng mata. "Of course not. I'm busy too at the same time you are, kaya wala akong panahon para mag-text." tanggi ni Craige.   Namula ako sa sinabi niya. Tahimik na ngumisi si Cloak. Si Fierce naman tuwang-tuwa na pumalakpak na parang happy siya na may nasagap na balita. Kung sabagay, boring kapag walang tsismis dito sa The Camp. Gawain ko din yan eh. Ang sarap lang pagtripan ng mga agents. Iyon nga lang, mahirap kapag sayo na ang spotlight.   "So kailan ang due date?" biglang tanong ni Fierce.   Muntik akong mabulunan kahit wala naman akong iniinom sa sinabi niya. Anong akala niya sakin? Mutant? Inirapan ko siya na ikinatawa niya lang. "Safe ako and for a few days." sagot ko.   "Really? That's good." sabi ni Craige.   Napatingin ako sa kaniya at namula. Mukhang hindi sa buntis part ang sinasabi niya. He's happy to know that I'm safe for a few days... that means... you know... no condoms.   "Ay nakakainggit! Cloak drain ka na? Charge na tayo dali!" pabirong sabi ni Fierce.   Natawa nalang si Cloak sa sinabi ni Fierce at kumindat. Then he mouthed 'later'. Hmm. Hindi na ako magtataka kung masundan ang baby nila. Ang sipag sa past time eh. Charge? Nakakadrain kaya ng energy yon.   "Ilang araw kayo sa Boracay?" tanong ko.   "1 week lang. Gift ko na din diyan sa dalawang bata na yan na gustong mag-swimming. Good boy naman sila eh. Hindi kami binibigyan ng sakit ng ulo. Parang kami pa nga ni Cloak ang sakit sa ulo nila." sagot ni Fierce.   "Sorry kung naiiwan--"   "Ano ka ba? Okay lang yon no.. At saka, mission yan eh. Kailangan. Besides, kapag natapos niyo yan edi magha-honeymoon kami ni Cloak at ikaw naman ang magbabantay kay Hermes at Hera."   Napangiti ako at tumango. Tumingin ako kaila Adonis na nakikipaghabulan kay Aff na mukhang hindi naman binibilisan ang takbo. Parang nag jo-jog nga lang eh. Ang cute.   Kumain lang kami ni Craige doon at inihanda ko narin ang gagamitin ni Adonis. Pagkatapos niyon kailangan narin naming umalis. Ayoko pa sana, since miss ko na talaga si Adonis. Kaso may pasok pa kami bukas ni Craige. Iniwan muna namin si Aff at dadalin na lang daw ni Andreige bukas. Gusto pa kasing makipaglaro nila Adonis kay Aff.   "You okay? We can stay if you want." sabi ni Craige.   Kasalukuyan kaming bumabyahe pabalik sa Manila. Medyo malapit pa kami sa The Camp. Tumingin ako kay Craige at umiling. The sooner na matapos ang mission, the better.   "It's okay. Tapusin na lang natin 'to."   "Don't worry. Next time, tayo naman ang magpapasyal kaila Adonis."   Tumingin siya sakin at kumindat. I smiled at him pero kaagad din nawala ang ngiti na iyon. Sabay na bumalik sa dinaraanan namin ang tingin namin, biglang may sumulpot na sasakyan. Sasakyan na mukhang nakaparada lang sa isang tabi at iniintay kami. Parang inabangan kami.   I squinted my eyes to see kung sino ang driver. "Craige!"   Nanlaki ang mga mata ko ng tumalon ang driver palabas. Sinubukan ni Craige na iiwas ang kotse namin...pero huli na. Napatili ako ng maramdaman ko ang impact ng sasakyan.   The last thing I remember...I felt Craige's arms protectively wrapped around me.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD