CHAPTER 14
ALTHEA'S POV
Nagising ako ng maramdaman ko na wala na sa tabi ko si Aff. Kayakap ko kasi siya kagabi eh. Nagpalingon-lingon ako pero hindi ko siya makita. Tumingin ako sa clock sa bedside table ko. Ilang oras pa bago kami papasok ni Craige. Ang sarap ng tulog ko kagabi. Peaceful. Saka tahimik lang si Aff kaya hindi ako naiistorbo.
Naghihikab na tumayo ako at lumabas ng kwarto ko. Dumapa ako sa carpet at sinilip ko si Aff kung nasa ilalim ba siya ng sofa. Wala. Pati sa kusina pumunta ako.
Nasaan na ba si Aff? Baka nakalabas na iyon at ninakaw at ginawang barbecue. Why o why? My poor little Aff. Hindi pa nga siya nagtatagal sakin, ginawa na siya kaagad na hotdog.
Lumuhod ako sa sahig at nagpagapang-gapang ako. Ginulo ko pa ang buhok ko na tatalunin ang gulo ng buhok ni Sisa. Wapak ang look ko I'm sure. "O Aff, O aff? Nasaan ka na aff?"
Parang kulang. Diba dalawa ang hinahanap ni Sisa? Si Crispin at si Basilio? Nag-isip ako saglit bago ko pinagpatuloy ang paghahanap ko. "O Aff, O Craige, nasaan na kayo mga... anak?"
Nakasimangot na tumayo ako. Hindi pa naman siguro nakakaalis si Aff , baka gumala lang kasi nabored. O kaya, siguro nangangapit-bahay lang. Naglakad na lang ako papunta sa kusina at kumuha ng juice bago ko ipinagpatuloy ang paghahanap kay Aff. Napadaan ako ng wala sa oras sa terrace.
Hindi kaya suicidal si Aff at tumalon siya sa terrace? Pero impossible, kasi may mga harang yon kaya hindi siya makakatalon. Wala namang butas iyon. Pero baka nag ala-superman siya.
Napatulala ako ng makita ko si Aff. Tumahol siya ng makita ako. Kasalukuyan siyang nakakulong sa braso ni Craige na tulog at nakaupo sa lounger.
Kumawag ang buntot ni Aff at parang gusto niyang ialis ko siya doon. Tahimik na lumapit ako sa kanila at binuhat ko si Aff. Napatili ako ng wala sa oras ng bigla akong hinila ni Craige dahilan para bumagsak ako sa kinahihigaan niya.
"Oy Boss, Sir, Among Tunay. s****l harassment na iyan. Pero para hindi kita kasuhan, ikaw na lang ang gumawa ng breakfast natin." sabi ko.
"What are you doing... on top of me?"
"Batukan kaya kita diyan. Ikaw 'tong humila sakin ah."
Tumayo siya. Napatulala ako ng hinawi niya ang humahaba na niyang buhok paalis sa mukha niya. Parang commercial lang ng shampoo.
Bakit siya mukhang fresh sa umaga? Bakit ako mukhang binangungot? Anyway, maganda parin naman ako. Kailangan ko lang makakain dahil natutuyo na ang utak ko.
Tumayo na ako at kinarga ko na si Aff na mukhang nagtatampo dahil humagis siya ng bigla akong hinila ni Craige. Kinarga ko na siya ulit at pumasok na kami sa loob. Nakasunod samin si Craige hanggang makarating kami ng kusina. Pinaglagay ko ng pagkain si Aff sa maliit na bowl niya. Sinunggaban niya yon. Mukhang nagutom.
Umupo ako at pinanood ko si Craige na mukhang inaantok pa. Naghanap siya sa freezer ng madali niyang maluluto. Tinignan ko ang nilabas niya.
"Wag yan!" angal ko.
"Why?"
"Hindi mo ba iniisip ang mararamdaman ni Aff? Sa harap niya, kakain tayo ng hotdog? Anong klaseng nilalang ka? Ang feeling niya look."
Tinuro ko pa si Aff na hindi man tumingin samin dahil busy siya sa pagdamba sa kainan niya. Kahit ata magkabarilan, hindi siya maiistorbo sa ginagawa niya. Ang cute.
"Hindi hot dog ang ingredients sa hotdog." sabi ni Craige.
"Sure ka?"
"Yes."
"Kahit na. Hot Dog parin ang tawag diyan. Nakakaoffend iyon. Kung ikaw kaya pakainin ng pagkain na ang tawag Hot Tao kakainin mo? Syempre hindi, diba? Mula ngayon, hindi na ako kakain ng hotdog."
Craige sighed. He look exasperated. Binalik niya ang hotdog sa freezer, pagkatapos ay kumuha siya ng ham. Tumingin siya sakin na parang hinihintay akong umangal.
Ngumiti ako. "Okay lang kung ham. Wala naman akong alagang hamster. Okay lang din ang egg kasi wala naman akong alagang manok."
"Crazy."
Pinanood ko siya habang nagluluto. Hindi ko mapigilan na hindi mapatulala habang gumagalaw ang mga muscles niya. Bakit ba ang ganda ng katawan niya? Parang ang sarap magpayakap. Kung ganito ang kasama ko araw-araw baka makasuhan ako ng attempted r**e ng wala sa oras. Sa gwapo ni Craige na iyan, baka dumating nga ang oras ng bigla ko siya sagpangin.
Tapos tatanggalin ko ang damit niya...tapos pagagapangin ko ang kamay ko sa kaniya...hahalikan... hahawakan--
SAVE ME FROM TEMPTATION!
Hinila ko ang towel na nakita ko at ibinalot ko iyon sa ulo ko. Yung parang sa madre. Baka sakaling sapian ako ng magandang ispiritu at mawala ang mahahalay na kaluluwa na sumasapi sakin.
"Ano yan?" tanong niya.
"Pampagood vibes."
"Ha?"
"Wala. Kumain na tayo."
Nawe-weirduhan na nakatingin sakin si Craige pero hindi ko siya pinapansin. Kailangan kong labanan ang tukso. Tumingin ako kay Aff ng kumahol siya. Ang weird ko daw. Paano ko nalaman? Simple lang. Kasi maganda ako. Kung anong koneksyon niyon, ang mga magaganda lang ang nakakaalam.
"Thea, get that thing out of your face."
"Ayoko, bakit ba?"
"Because I want to see your face. So put that away o ako mismo ang magtatanggal niyan at hahalikan kita."
Ay! Bongga! Wag ko na kayang alisin para may libre akong kiss? But on the other hand, hindi pa ako nagto-toothbrush kaya next time na lang. Nakasimangot na inalis ko ang towel at inihagis ko kung saan. Nagmamadaling tumakbo papunta doon si Aff at pinaglaruan niya na lang ang pobreng towel.
"Kaninong towel iyon?" tanong ko.
"Unfortunately, sakin."
Nagpeace sign ako sa kaniya. Napailing na lang siya at tahimik na uminom ng kape. And of course, naki-share ako ulit sa kaniya.
Napangiti ako ng makita kong umangat ang gilid ng labi niya. Version niya ng ngiti. Kahit anong pigil niya lumalabas parin ang proof na naaaliw siya sa mga kalokohan ko.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Ang kaso, hindi ko mapigilan na hindi mapatingin sa kaniya. Ang hot niya talaga. Yum yum yum. "Pakagat sa abs— sa pandesal! Nasaan ang pandesal?!"
"Eat. Walang pandesal. And there's no way I'll let you bite my abs, got it?"
"Bakit?"
"Not until you let me bite you first."
Napasinghap ako. OMG, OMG! Magpakagat kaya ako? Saan kaya maganda magpakagat? Exited na ako! Woohooo! Achieve na achieve! Ugh! Hindi pwede. Labanan mo ang tukso Althea. Hindi ka pa pwedeng malahian ng alien na yan hanggat hindi pa siya tanggap fully ng planet Earth.
"Next time na lang kapag tao ka na."
"Althea?"
"Ano po iyon Boss, Sir, Among Tunay?"
"Hindi ako alien."
"Uy sir! Ikaw ha? Aminado ka na talaga na alien ka kahit wala pa akong sinasabi. Naku Boss, Sir, Among Tunay. Magandang senyales yan. Yan ang isang way sa right path. Ang tanggapin ang katotohanan."
Ngumiti ako ng pakiramdam ko gusto na niya akong sakalin. Iba parin pala ang feeling na nabubuwisit sakin si Craige, ang sarap ng feeling. Mas kumpleto pala ang araw ko kapag nanggalaiti na siya sa galit sakin. Ang kaso, ngayon hindi na siya masyadong extreme. Boring na.
"Papasok na tayo?"
"Bakit? Gusto mong makita ang Mateo mo, no?"
Napangiti ako. Aba, aba! Mukhang nagseselos ang Boss ko ah. Tignan mo ang mukha niya o. Namumula. Parang galit na hindi mo maintindihan. "Sungit. Nagtatanong lang eh. At saka haler? Nasa mission po tayo. MISSION."
"Quiet."
"Aye aye, Among Tunay!"
Tumaas ang kilay ko ng bigla siyang tumayo. Nakalapat ang isa niyang kamay sa lamesa, tapos dumukwang siya. Nakatingala lang ako sa kaniya habang titig na titig siya sakin.
"Missy, kapag hindi ka tumahimik..."
"Hahalikan mo ako? Yes, please!"
"No. Gagawin ko 'to."
Naningkit ang mga mata ko ng bigla niya na lang inipit ang labi ko gamit ang forefinger at thumb niya. Eto na naman po kami. Paglalaruan na naman niya ang labi ko.
"Cute. Ducky."
Pinanggigilan niya ng todo ang labi ko bago niya pinakawalan yon. Ngumuso ako. Parang nangapal na naman ang labi ko sa ginawa niya. Ang lakas ng trip ng taong 'to.
"Alien."
"Ducky."
"Alien."
"Ducky."
Inirapan ko siya. Fine. Siya na panalo. Kapag ako nakaganti sa kaniya, paluluhain ko siya ng sasakyan. Ten wheeler truck para astig.
Tumayo na lang ako at kinarga ko si Aff na nakikipagtugisan sa towel. Kinarga ko siya at naglakad ako papunta sa sofa. Tinatamad akong maghugas... mamaya na lang. Binuksan ko yung TV at busy na nanood kami ng cartoos ni Aff na biglang natahimik. Mukhang gusto niya rin ng cartoons.
"Astig ni Ben 10 no?"
"Aff!"
"Wala ka na bang words maliban sa 'aff'?"
"Aff!"
"Sabi ko nga. Pero dapat may nickname ka."
"Aff aff!"
Nanggigil na pinindot ko yung mukha ni Aff. Ang cute cute niya. May nickname na siya. Siya na si Aff Aff. Astig no? Siya lang ang may pinaka-unique na pangalan sa whole world. One of a kind.
"Ducky."
Napatingin ako kay Craige. From the looks of it, mukhang nakahanap siya ng endearment sakin...hindi ko lang alam kung dapat ba akong matuwa.
"What?" tanong ko.
"Come here."
Umupo siya sa pang-isahan na upuan. Nagtatakang binaba ko si Aff na busy sa panonood ng TV na hindi ako pinansin. Lumapit ako kay Craige na prenteng nakaupo.
"Ano?"
Napatili ako ng bigla niya akong hinatak. Natumba ako sa kandungan niya at napasinghap ako ng pumalibot sa katawan ko ang mga braso niya. Anong trip ng taong 'to?
"Uy Boss, Sir, Among Tunay. Anong trip 'to?"
"Quiet. No questions."
"Ano nga? Ano nga? Ano nga?"
"I just want to hug you. Stop asking."
May ganoon? Astig na trip naman niyon. Minsan ang unfair ng buhay. Kaya para maging fair hihilingin ko din sa kaniya minsan kapag trip ko, na payakap. Syempre, hindi kasali ang kandong dahil baka mapipi ako kapag kinandong ko siya. Madudurog lahat ng buto ko sa katawan. Ang sexy ko kaya. Hindi ako macho. Sexy. Got it?
"Ano ngang problema?"
"Lagi... Aff..."
Ano daw? Hindi ko masyadong narinig. Paano ba naman, nakikipagbakbakan si Ben 10 kaya ang ingay. Lilingunin ko siya dapat kaso hindi niya ako pinayagan lumingon.
"Ano? Ayusin mo dali."
"Ang sabi ko..."
"Hmm?"
"Kasi..."
"Hmm?"
"Lagi na lang si Aff ang kayakap mo. Tapos tabi pa kayo. Kapag ako ang yayakap sayo, ang dami mong tanong. Stop asking questions, okay?"