CHAPTER 13
ALTHEA'S POV
Kasalukuyan akong nagbabasa sa sofa. Ganoon din si Craige na nasa dulo ng sofa na kinahihigaan ko. Nakapatong pa ang legs ko sa kandungan niya. Kanina pa kami sa ganitong puwesto.
Pagkatapos kasi ng kissing scene namin kanina, wala na kaming interesante pa na ibang gagawin kaya nagbasa na lang kami. At ako naman, kunwari lang na nagbabasa. Basta na lang hinila ko ang nakita ko sa ilalim ng coffee table.
"I never knew you're that talented." komento ni Craige.
"Aba minamaliit mo ba ako? Talagang talented ako no! Maganda pa."
"Kailan ka pa natutong mag-arabic?"
Napatingin ako bigla sa binabasa ko. Naitapon ko iyon bigla ng wala sa oras. Kaya naman pala kahit anong pilit ko na intindihin, eh hindi ko maintindihan.
Nasalubong ko ang mga mata ni Craige at kahit hindi siya nakangiti, kitang-kita sa mga mata niya na pinagtatawanan niya ako. Sinimangutan ko siya at kumuha ako ng magazine na naitapon ko ulit. "Ba't naman ganiyan ang mga magazine ng dating nakatira dito? Puro hubad, ew! Pero infairness ang ganda ng katawan ng lalaking—"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, bigla na lang binuksan ni Craige ang glass window ng condominium at itinapon niya iyon sa labas. Sinarado niya iyon at humarap sakin.
Nakanganga lang ako sa kaniya. Itapon ba naman sa bintana? Hindi ba pwedeng itapon niya sa basurahan? Mamaya kung sino pa ang tinamaan niya niyong magazine na iyon.
Lumapit siya sakin at bigla akong tinayo. Ang lapit ng mukha niya kaya automatic na napapikit ako. Nag-pout pa ako para swak na swak ang labi niya—
Tama bang pisilin ang mga labi ko? Dumilat ako at aliw na aliw si Craige without smiling habang ipit-ipit ang labi ko sa forefinger at thumb niya. "Mukha kang duck."
"Birawan mo ko!"
"Arawan?"
"Birawan!"
Pinanggigilan niya pa lalo ang labi ko. Matalim ang tingin na ibinigay ko sa kaniya pero inikot-ikot niya lang ang ulo ko at parang tuwang-tuwa siya sa sapilitan kong duck face. Nang binitawan niya ako pakiramdam ko ang puffy na ng mga labi ko. Kung bakit naman kasi panggigigilan na lang hindi pa sa ibang paraan--
Okay Thea. Relax, breathe. Nagiging maniac ka na naman. Magpa-check up na kaya ako sa veterinarian. Baka talagang may tendency akong mang-maniac. Wait. Veterinarian...sa hayop yon diba? Hmm...saan ba pwede?
"Ewan ko sayo. Watapak!" sabi ko.
"Huh?"
"Watapak means What The f**k. Para hindi masyadong mabulastog ang tunog. O diba astig? Napanood ko lang iyon eh. Ang cool."
"Whatever. Magbihis ka."
"Anong akala mo sakin nakahubad? Ikaw Boss, Sir, Among Tunay, napaghahalataan na kita. Kahit pala nakadamit ako pinagnanasaan mo ako kaya nakahubad ang tingin mo sakin—"
Inipit niya ulit yung mga labi ko. At katulad kanina naaliw na naman siya, kaya ilang minuto ang lumipas bago niya ulit pinakawalan iyon. Pigilan niya ako hahalikan—SASAPAKIN ko na 'to!
"Get dress. Lalabas tayo sa labas."
"Alangan naman sa loob. My gawd! Sabi nga ni Vice Ganda s***h Althea's Version, try mo lang lumabas sa loob."
"Althea. Get. Dress."
"Tutyal! By syllables pa. Ge, hintayin mo ako diyan bossing at magbibihis na ako."
Nagmamadali na pumasok na ako sa kwarto ko, bago niya pa maisipan na pagtripan ulit ang puffy ko na labi. Nagsuot ako ng dress na hanggang hita at lumabas na ako.
Naabutan ko si Craige na naka-blue na t-shirt at jeans. Tumingin siya sakin at pinadaanan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Alam kong maganda ako kaya siguradong naglalaway na yan.
"Ayoko niyan. Magpalit ka."
"Eh-"
"Althea."
Nakasimangot na nagpalit ako. Paglabas ko ganoon din ang reaction niya. Nakaapat na beses kong ginawa iyon bago ko basta na lang hinila ang isang blue na t-shirt at nagsuot ako ng maong shorts. Yung sandals ko may konting takong. Bagay!
"O eto na."
"Magpalit ka—"
"Ayaw! Umalis ka na lang mag-isa."
Bumuntong-hininga siya habang nakatingin sakin. Ikiniling niya ang ulo niya at nakangiting lumapit na ako sa kaniya. Wala na siyang choice eh.
Bumaba kami sa parking at sumakay sa kotse. Pagkaraan ay bumiyahe kami papunta sa isang mall. Excited na bumaba ako ng makarating kami don. Papasyal kami woohoo! Hindi ko pinansin ang mga nakatingin samin. Sino bang hindi titingin samin? Bukod sa ang gwapo ng katabi ko at super ganda ko, pareho kami ng suot. Para kaming naka-couple shirt.
"Anong gagawin natin dito? Sho-shopping mo ko?" tanong ko kay Craige.
"No."
"KKB tayo?"
"What's that?"
"Kaniya-kaniyang bili?"
"Err...sort of."
Sinimangutan ko siya. Masungit na, kuripot pa. Hindi pa gentleman. Kung bakit ba kasi sa taong 'to pa ako attracted. Ang dami namang gwapong patay na patay sakin.
Hamak na taga-lupa lang siya. Tapos..tapos.. tapos ako iba level ko eh. Dito ako sa taas o like that, you see? You see? Kung makapagsungit akala mo kung sinong gwapo, though gwapo naman siya talaga. Urgh! Ang gulo ko.
Pagpasok namin sa loob, ang una naming nakita ay ang stage sa gitna. Parang may dare games contest. Astig.
Hinila ko si Craige dahil gusto ko silang mapanood. Napapalatak ako. Ang arte ng mga contestant. Magaganda sana, kaso ang arte talaga. May isa pa na gustong umalis.
"Sige na nga pero kailangan may kapalit ka. Sinong gustong pumalit?" tanong niyong Emcee.
"AKO!" boluntaryo ko.
"Watapak Thea!" suway sakin ni Craige.
Napatingin ako sa kaniya at natawa. Ginaya niya iyong sinabi ko kanina. Bago pa ako makapagsalita, nahila na ako ng Emcee paakyat sa stage. Oh, well. Kumaway na lang ako sa mga tao, particularly kay Craige na masama ang tingin sakin. May mga narinig akong sumipol sa gawi ng mga lalake. Nginitian ko lang sila.
Hindi ko sila masisisi. Maganda ako eh.
"Ganito ang gagawin niyo. Kailangan niyong i-shake itong bottle na 'to pero dapat kumekembot din kayo. May mga nagbibilang kaya walang dayaan 'to." inporma ng Emcee.
"Ehhh! Nakakahiya!" sabi ng isang babae.
"Iba na lang!" suhestiyon ng isa pang babae.
Ang dami nilang sinabi. Tumingin na lang ako sa price area. Astig! May malaking teddy bear. Gusto ko niyon! Kailangan manalo ako!
Nang sinabi ng emcee na start na, mabilis na ishinake ko ang bote. Para akong witch na naghahalo ng poison. Giling lang ako ng giling. Bahala sila. Gusto ko iyong teddy bear. Nilagyan pa nila ng music kaya sumayaw-sayaw na ako sa stage habang yung mga kasama ko parang mga matimtimang birhen sa sobrang hinhin.
Haller? Bakit ka naman mahihiya? As if makikita nila ulit ang mga tao nandito. And as if matatandaan sila ng mga taong nandito. Hindi na ako magtataka kung ako ang matatandaan. Ganda ko kaya, diba?
"Winner 'tong si Miss Ganda." anunsiyo ng Emcee.
"Yiee! Thank yow, thank yow!" natutuwang sabi ko.
"Kaso may isa pang game."
Nakinig ako sa kaniya. Basta gusto ko yung teddy bear na iyon. Trip ko lang. Nakasimangot kasi yung teddy bear at naaalala ko sa kaniya si Craige.
May inilabas na table na mahaba para sa aming apat na contestant. May chocolate cake doon. Parang umilaw ang mga mata ko ng makita ko iyon.
"Kailangan niyong ubusin yan--"
Napahinto ang Emcee ng makita niya akong hawak na ang tinidor habang nakataas pa. Natawa siya at pinagpatuloy na ang explanation niya.
Nang sinabi niyang start na, dahan-dahan na kumain ako habang ang mga kasama ko nagmamadali. Pinanood ko lang sila. Wala namang timer eh. Basta kailangan maubos. Aba, dahil sa kakaluto ni Yale, parang may tolerance na ako sa matamis.
Napangiti ako ng pagkaraan nakita ko silang parang masusuka na. Doon ko na binilasan ng konti ang pagkain ko. Hindi ko sila tinitignan pero narinig ko yung isa sa kanila na pinababa na ng stage dahil nagsusuka na.
After a few minutes...PALAKPAKAN WOOO! Panalo ako syempre.
Tumingin ako sa gawi ni Craige at nahuli ko siyang napangiti. Kinawayan ko siya at gumiling-giling ako sa stage sa tuwa ng inilapit na sakin ang teddy bear na hindi naman gaanong malaki. Basta ang cute niya.
Nagpaalam na ako sa mga kasama ko at bumaba na ako ng stage. Nilapitan ko si Craige na napapailing na lang sakin. Nagpeace sign ako sa kaniya.
"Happy?" tanong ni Craige.
"Yup!"
Hinawakan niya na ako sa kamay at hinila paalis. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa magkahugpong na mga kamay namin. Ang sweet lang.
Huminto kami sa isang gilid dahil magwi-withdraw si Craige. Napatigil ako sa katabing shop niyon. Bench. Kumikinang-kinang ang mga mata ko habang nakatingin ako sa naka-boxer shorts lang na si Jake Cuenca. "Ang hot."
Napatigil ako ng biglang may tumakip sa mga mata ko at hinila ako sa kung saan. Kung hindi ko pa naamoy ang pabango ni Craige baka may ibinalibag na ako. Gulat ako don ah.
"Kaasar ka!" sabi ko.
Magkaharap na kami habang malayo na ako sa picture ni Jake. Grabe talaga 'tong lalaking 'to. Mas gwapo kaya siya doon no. Makahila wagas. "Let's clear something up, Althea."
"Yes Boss, Sir, Among Tunay?"
"Habang kasama mo ako, hindi ka pwedeng tumingin sa ibang lalake. Looking at a man when you're with a man is rude."
Rude na ba iyon? Kailan pa? Ang alam ko lang na masama kapag ganoon ay kung tumingin ka sa iba habang kayo pa. Hindi naman kami ah. Whatever. "Fine."
Mukhang satisfied na naman siya kaya hinawakan niya na ulit ang kamay ko. Palingon-lingon ako kasi nag e-enjoy ako habang tumitingin. Daming sale. Napatigil ako sa harapan ng isang pet shop. Ang cute.
Bago ko pa sabihin kay Craige na pumasok kami. Hinila niya na ako papasok. Hindi ko na siya pinansin at lumapit na lang ako sa kulungan ng West Highland Terrier. Ang cute niya. Ang puti-puti niya pa.
Inilipat ko ang kamay ko sa salamin at napa 'awww' ako ng ginaya niya ako. Bibilin kita! Wait mo lang ako diyan. Wala kasi akong dala masyadong pera.
"Why o why? Bakit ngayon pa ako tinamad magdala ng pera?! Why?! Wait for me! Wag ka munang magpapabili ha?"
Naputol ang sasabihin ko ng biglang may kumuha sa kaniya. Bakit siya kinukuha?! Akin siya eh! Tumayo ako at nameywang ako doon sa empleyado.
"Akin yan!" sabi ko.
"Po?"
"Akin yan! Bibilin ko yan!"
"Eh, kasi nabili na po nung ka--"
"Akin yan! Bitawan mo siya!"
Inagaw ko sa kaniya si doggy na kaagad namang sumama sakin. Napanganga sakin ang empleyado at parang hindi niya alam ang gagawin niya.
May naramdaman akong umakbay sakin pero hindi ko pinansin dahil busy ako sa paghahamon ng away sa empleyadong napapakamot sa ulo niya. "It's okay. Pakidagdag sa bibilin ko yung collar, leash, bed, carrier, food, dog plate and anything else. Wait. Babae ba 'to o lalake?" sabi ni Craige sa empleyado.
Napatunganga ako sa kaniya. Bibilin niya si doggy? Talaga? Talagang-talaga? Umilaw ang mukha ko na parang Christmas light. Sosyal!
"Lalake po, Sir."
"Fine. Blue collar and black leash." patuloy ni Craige.
Tumango ang lalaking empleyado. Umalis na siya para kunin ang mga kailangan ni doggy. Karga-karga ko si doggy na parang nakakaunawa na nakatingin sakin. Napangiti ako. Ang cute.
"Boss, Sir, Among Tunay."
"What?"
"Thank you!"
"Whatever."
Inaasahan ko na pababayaran niya sakin. Pero wala siyang sinabi. Anong nakain nito at biglang nanglibre? Masyado na ba siyang mayaman kaya naisipan niya na bahagian ako?
Tinapik-tapik ko siya habang walang emosyon siya na nakatingin sakin. Well, his eyes are betraying him. Halata namang naaaliw siya. Eto ang papel ko kay Craige... taga-aliw. Okay narin at least may doggy ako.
"Uy doggy. Ang cute mo, mana ka siguro sakin no? Kaya lang, anong ipapangalan ko sayo?" kausap ko kay doggy.
"Aff!"
"O, sige. Ikaw na si Aff. Okay?"
"Aff!"
Nakangiting nilingon ko si Craige na hinihilot ang sentido niya. Parang hindi siya makapaniwala sa ipinangalan ko kay Aff. Cute naman ah? Diba?
"Let's go home." yaya ni Craige sakin.
"Okay! Uwi na daw tayo Aff!"
"Aff!"