Chapter 12

2061 Words
CHAPTER 12 ALTHEA'S POV   Hello world! Sa wakas mapapahinga na ang pretty fingernails, toes at ang aking pretty brains. Day off namin ngayon ni Craige kaya happy-happy ako.   Pero siya ewan ko lang. Sumpa ata sa kaniya ang salitang day-off. Napaka-workaholic naman niya kasi. Hindi ako tutulad sa kaniya dahil baka bigla na lang maglaho ang sense of humor ko. Doon pa naman ako pinaglihi ng nanay ko.   Lahat naman ata ng taong makakasama ni Craige mauubusan ng dugo sa katawan. Isa nga talaga iyon sa extraterestrial powers niya.   Hapon na. Mag-isa akong kumain kanina dahil umalis si Craige. Ang alam ko, narinig ko siyang bumalik kanina. Hindi ko lang pinansin dahil kasalukuyan akong naglalagay ng nail polish niyon. Bawal akong istorbohin.   Tinignan ko ang mga kuko ko. Ang ganda nilang lahat. Parang ako lang, maganda. Anyway, talaga namang maganda ako kahit baliktarin pa lahat ng intestines ko.   Lumabas ako sa living room ng condominium at nagpalingon-lingon ako. Nasaan na kaya si Craige? Sumilip ako sa kwarto niya pero wala parin. Hmm? Hindi kaya imagination ko lang na may pumasok dito kanina? Pero impossible eh. Alam ko talagang may pumasok dito sa bahay. Alangan namang multo yon?   Napatingin ako sa phone ko ng biglang magbeep yon. Reminder lang pala. Birthday daw ni Cassandra. Yup. Alam ko ang birthday ni Cassandra dahil inalam ko. Wala lang, curious lang ako sa kanila ni Andreige. Hindi kasi agent si Cassandra. Siya ang kinakailangan bantayan ng kapatid ni Craige na si Andreige.   Nakangising may pinindot ako doon at tinapat ko ang mukha ko sa camera ng phone ko at ngumiti. Gagawa ako ng video pero syempre hindi pwedeng si Cassandra lang ang makakakita ng kagandahan ko.   "HEYYOW! Happy birthday Cassandra? Anong gift sayo ng loviedudes mong si fafa Andreige? Oy kayo mga hamak na mga taga-lupa sa The Camp, batiin niyo ang future bride ni Andreige! BYE! Happy birthday ulit! Maghanda ka tapos padalan mo kami ni Boss, Sir, Among Tunay ha?!"   Sinend ko lahat iyon sa mga cellphone ng taga The Camp. May kinalikot din ako doon para rinig sa mga speaker ang sinabi ko na nakapalibot sa The Camp.   Nakatingin lang ako sa phone ko ng ilang minuto. After a few minutes, sunod-sunod na text na ang natanggap ko. May nagpasalamat dahil pinaalala ko. Si Andreige naman 'I know' daw. At merong iba na ang ingay ko daw.   Aba, okay yan para rinig na rinig sa The Camp ang boses ko. At siguradong buong The Camp alam na ang birthday ni Cassandra. Kaya pustahan hindi lalabas ng villa niya iyon. At maghapon silang magkakasama ni Andreige.   Ang galing ko talaga!   Tumaas ang kilay ko ng marinig ko ang sarili kong boses. Mukhang nandito nga si Craige at pinapanood niya ang video ko. Sinundan ko ang tunog... nasa terrace siya.   Lumingon siya sakin at sinarado niya ang laptop niya. Pero bago niya nagawa iyon nakita ko na ang tinitignan niya. Hindi ko alam kung bakit pero ang sakit. Pilit na ngumiti ako at kumaway ako sa kaniya. Hindi ako pwedeng umalis. Kasi baka mahalata niya ako. Kaya lumapit ako sa kaniya at nakiinom ako sa juice na iniinom niya.   "Boss, Sir, Among Tunay! Anong ginagawa mo dito?"   "Ine-enjoy ang katahimikan."   "Sungit! Diyan ka na nga at magluluto muna ako ng meryenda. Gagawa ako ng mainit na halo-halo— ay hinde! Ng malamig na lugaw., ay pakshet! Kahit ano.. magluluto ako ng kahit ano."   Dali-daling pumasok na ako at tumakbo ako papunta sa kusina. Hinihingal na kumuha ako ng tubig at uminom. I need to relax. Lagi na lang ganito. Kapag nakikita ko siyang nalulungkot dahil kay... Raine. Ang ex-girlfriend niya a matagal ng pumanaw. Ang ex-girlfriend niya na siyang dahilan kung bakit kinukulong niya ang sarili niya. Dahil hanggang ngayon...sinisisi parin niya ang sarili niya sa naging pagkamatay ni Raine.   Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang tinitignan ang mga pictures ni Raine. Siguro dahil kahit paano matagal ko na siyang kakilala kaya ayoko siyang masaktan o siguro kasi dahil attracted ako sa kaniya. Puro na lang kasi Raine... lahat na lang tungkol kay Raine.   Kaya niyang isugal yung buhay niya para sa taong matagal ng wala.   "Ugh! Relax, Thea, relax, okay? Wala lang iyan sayo. Ano bang pakialam mo sa buhay niya? Hayaan mo siyang mamatay sa lungkot."   Hindi pwedeng masaktan ako kapag nasasaktan siya. Hindi pwedeng malungkot ako kapag naaalala niya si Raine. Ayokong itanong sa sarili ko na 'bakit ba ang hirap makipagkompetensiya sa taong wala na?'. Kasi ayokong makipagkompetensiya. Ayokong isipin na kailangan kong makipaglaban para sa kaniya. Lalo na sa bagay na alam kong sa una pa lang, talo na ako. Hindi pwede. Hanggang attraksyon lang dapat. Hindi ko siya pwedeng mahalin... kasi masasaktan lang ako.   Bakit nga ba mahirap makipagkompetensiya sa taong wala na? Siguro dahil alam ko na kahit lumaban pa ako sa taong iyon, na kahit wala na siya, siya parin ang panalo pagdating sa puso ni Craige.   Ang kulit naman kasi ng puso ko. Alam ko na tama ang ginagawa ko pero ayaw naman niyang sumunod. Pero pipilitin ko. Hindi ako maiinlove sa kaniya... ayoko.   Nagdadabog na naghanap na lang ako ng prutas. Nang makita ko yon, inilagay ko iyon sa blender kasama ng yelo. Pinindot ko ang button at hinayaan ko muna siyang madurog. Tama... kailangan ko ng malamig para lumamig ang ulo ko.   "Can I have some?"   Hindi ko pinansin ang nagsalita. Naglagay na lang ako sa dalawang baso ng ginawa kong bended fruit juice at tahimik na inabot ko sa kaniya. Umupo ako at uminom habang siya naman ay umupo sa harap ko.   Manhid na...sadista pa.   "Problem?"   "Wala."   "Hmm...really?"   "Oo nga. Iniisip ko lang kung paano makakapunta sa Mars ng mas madali at saka mas mura. Wala akong budget eh. Pautangin mo na lang ako."   "No."   Inirapan ko siya. Wala talagang sense of humor. Wala sa sarili na kumuha ako ng kutsara at kinutsara ko ang shake at pagkatapos ay sinubo ko. Napatili ako ng wala sa oras ng sumakit ang ngipin ko na nabigla sa lamig. Pumikit ako at hinawakan ang pisngi ko... ang sakit! Anak ng palaka naman o!   Minulat ko ang mga mata ko ng mawala na ang sakit. Naabutan ko si Craige na nakatapat ang phone sa mukha ko... at mukhang kinukuhanan ako ng picture. "Ang sama mo!"   "Ang cute mo."   Hindi mo talaga maintindihan 'tong lalake na 'to. Kapag nasa mood akong kulitin siya, nagagalit siya. Kapag ako naman ang wala sa mood, siya naman ang mang-aasar.   "Ewan ko sayo Boss, Sir, Among Tunay. Diyan ka nga muna at manonood ako ng TV."   Iniwan ko na siya at pumunta ako sa sala. Binuksan ko ang TV at naghanap ako ng channel na maganda...which is Cartoon Network. Sa iyon ang gusto ko eh.   Dahan-dahan na ininom ko ang shake. Sabi ko nga dati, kapag nasa malapit si Craige, bigla na lang akong minamalas. Sinumpa siguro ako noong fetus pa lang ako na kapag nakita ko si Craige mamalasin ako.   "Psh. Ang kulit din ng mga palabas na 'to. Araw-araw may adventure. Tinalo pa si Dora na araw-araw may pinupuntahan. Masyadong busy ang schedule nila infairness."   Nilipat ko na lang dahil bigla akong na bored. Sa discovery channel ako nag-stop na inilipat ko kaagad ng makita kong kasalukuyang iniistalk ng lion ang prey niya. Kawawang deer.   "Hindi na nga ako matino, wala pang matinong channel. Wala bang x-rated dito ng mabuhay naman ang katawang-lupa ko?"   "Why do you want to watch an x-rated film?"   Napatili ako sa gulat.   Tinaasan ako ni Craige ng kilay. Sa pagkagulat ko ay umupo siya sa tabi ko. Kaagad na nilagyan ko ng unan ang pagitan namin para may space kaming dalawa.   "Joke lang iyon."sabi ko.   "Mag-isa kang nag jo-joke?"   "Oo. Ganoon talaga kaming mga talented."   Kinuha niya sakin ang remote at nilipat niya sa ibang channel. Tumigil siya sa channel kung saan kasalukuyang pinapalabas ang Fantastic Four. "Ayan. Diyan ka makakakita ng gwapo." sabi niya.   Tinignan ko ang mga character at muntik na akong mapatawa ng makita ko ang kamukha ni Craige... si Chris Evans. Para narin niyang sinabing gwapo siya.   "Hindi naman gwapo yan. Mas gwapo pa si Tom Cruise diyan." tutol ko.   "Of course not!"   "Gwapo si Tom Cruise."   "Bulag ka."   Humalakhak ako. Minsan lumalabas din pala ang pagiging narcistic nitong boss ko. Mabuti yan, ibig lang sabihin niyan malapit na siyang maging tao. Malapit na siyang matanggap sa planetang Earth. Kapag natanggap na siya ng planet Earth, baka sakaling mawala na ng tuluyan ang pagiging alien niya.   "Fine. Gwapo si Chris Evans, mas hot si Tom Cruise." sabi ko.   "No."   "Whatever." nakairap na sabi ko.   "Ba't ba ang sungit mo ngayon?"   "Naglilihi ako."   Nagsalita ang hindi masungit. Siya nga parang araw-araw meron siyang PMS. O kaya para siyang magme-menopause. Ang taray-taray.   Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang hinawakan ang balikat ko at iniharap ako sa kaniya. Madilim ang anyo niya na ipinagtaka ko. "What?" I asked in confusion.   "Kailan pa yan?"   "Huh?"   "No... Nevermind that. Sino? Sino ang ama?"   Ano daw? Sira-ulo din 'tong lalakeng 'to. Naniwala siya sa sinabi ko? Ipatingin ko kaya kay Tita Sage si Criage at baka may problema na sa mga nerves sa utak ang taong 'to.   "Si Tom Cruise." walang-gana kong sagot.   "What?! Kailan? Bakit hindi ko alam? Bakit pinatulan mo si Mateo? Wait... ilang araw pa lang tayo na nagtrabaho sa kaniya. Is that even possible? Matagal na ba kayong magkakilala at hindi mo lang sinasabi samin?"   Napanganga ako. Baliw nga ata 'to. "Ewan ko sayo."   "Pananagutan ka ba niya?"   "Oo, magpapakasal na daw kami bukas--"   "WHAT?!"   Hinila ko siya ng akmang tatayo siya at susugod kung saan. Right. Hindi ko dapat binibiro ang taong walang sense of humor. Seryosohin ba naman kasi, duh? "Joke lang, Boss, Sir, Among Tunay. Adik ka ba? Anong akala mo sakin si Bella Cullen? Kahit nga si Bella hindi ganoon kadaling nabuntis.  "   "You mean--"   "Of course I'm not pregnant, duh? Malakas na ang tama mo, Boss, Sir, Among Tunay. Ipapacheck-up na kita kay Tita Sage."   "Don't joke around like that!"   "Joke nga eh. J-O-K-E."   Bumuntong-hininga ako at tumingin sa TV. Baka bigla akong mabaliw at maging taga planetang Chumurereng narin ako. Kaya mabuti pang manood na lang ako ng normal na movie. Pakiramdam ko tatanda ako kaagad kay Craige.   "Thea."   "O?"   "Gusto mo ba talaga yung Mateo na iyon?"   "Hindi."   "Sinong gusto mo?"   "Si Andreige."   Nakakabinging katahimikan ang biglang dumaan. Tumingin ako sa kaniya ng maramdaman ko na parang biglang nagkaroon ng negative vibes sa paligid. "What?"   "WHAT DO YOU MEAN SI ANDREIGE?!"   "Joke lang ulit."   "Althea!"   "Wala akong gusto, okay? Magmamadre ako kaya wag mo akong kulitin kung hindi isusumpa kita at gagawing palaka. Wait, hindi na pala ako magmamadre, magiging witch na lang ako."   Napahiyaw ako ng bigla niya na lang pinisil ang pisngi ko. Hindi siya tumigil hanggang hindi ako mukhang sinampal ng sampung bakla. Hinataw ko siya sa braso hanggang sa binitawan niya na ako.   "Aray! Naku! Kung hindi lang ikaw anak ni Tita Sage baka tinapon na kita sa labas."   "You can't do that."   "I can."   "You can't."   "I can."   "You can't."   "I can."   Sasakalin ko na sana siya, ang kaso nagbago ang isip ko. Ngumiti ako sa kaniya ng matamis at nagbeautiful eyes ako sa kaniya. Napakurap siya sa ginawa ko. Pinadaanan ko ang mukha niya ng daliri ko. He's eyes darken pero hindi ko pinansin. Umabot ang daliri ko sa leeg niya. Then down to his chest.   I crawled seductively... smiling at him. Napalunok siya at nakita kong hinila niya ang collar ng t-shirt niya na parang nasasakal siya. Napangiti ako at inilapit ko ang mukha ko sa leeg niya.   Hinalikan ko? Lick him? No. I bit him... hard.   "ARAY!"   Binelatan ko siya at nagtatakbo ako paalis. Tumayo siya at bigla akong hinabol, pero hindi naman ako papayag na mahabol niya ako, kaya bahala siya.   "Come here you witch!"   "Ayaw."   "Come here!"   Paikot-ikot kami sa sala. Mabilis na tumakbo ako at ganoon din siya. Nalalaglag na ang mga gamit pero wala kaming pakialam na dalawa. Napatili ako ng bigla niya akong hinaklit sa bewang at bumagsak kami sa sofa. Kinababawan niya ako at pinigilan niya ang mga kamay ko ng magtangka ako na ihulog siya.   "Now... my turn."   "Kakagatin mo din ako?"   "No."   "Then what?"   "Isn't it obvious? I want to kiss you."    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD