Chapter 8

2285 Words
CHAPTER 8 ALTHEA'S POV   Napapangiti ako habang inaayusan koang sarili ko. Dito kami nag-stay sa isang condominium malapit sa company ni Parker. Kahapon, habang nagtatrabaho kami, napagalitan pa ako ni Craige sa harap ni Sir Mateo s***h Tom Cruise look alike.   Masyado daw maikli ang damit ko. Ang buhok ko daw hindi pang opisina.Natatawa na lang samin si Sir Tom Cruise. Para daw kaming laging nag lo-lovers quarrel. Ngumiti lang ako that time pero parang gusto ko ng kalbuhin si Craige.   Kaya ngayon mas mukha pa akong boss kesa sa assistant. Pero type ko ang damit ko ngayon. Mababa parin ang neckline. Pero tinali ko ang buhok ko, para sexy. At para gumanda ang araw ko kapag nagalit na naman si Boss, Sir, Among tunay.   Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso ako sa kusina. Napaangat ang kilay ko ng makita kong nakaformal suit si Craige. Kung sabagay, parang normal na kay Craige na ganiyan ang suot. Hindi na ako magtataka kung pati sa pagtulog niya ay naka three piece suit parin siya.   Tumingin siya sakin at pasimpleng napangiti ako ng makita kong natulala siya. Umupo ako sa harapan niya at kumain na ako ng tinapay at hot dog na siyang agahan namin. Inabot ko ang tasa ng kape niya at uminom ako. Napakurap siya sa ginawa ko at pinaseryoso niya ang ekspresyon niya at tumikhim.   "Okay na ba ang outfit ko Boss, Sir, Among Tunay na expert pagdating sa fashion?"   "Okay na."   "Talaga?"   Hindi siya sumagot at uminom na lang siya ulit ng kape. Natapik ko ng wala sa oras ang lamesa at tumakbo ako papunta sa kwarto ko. May kinuha ako doon na binili ko kagabi. Bumalik ako sa kusina at inabot ko iyon kay Craige. Nagtatakang kinuha niya ang box at binuksan. Lumipad pabalik sakin ang tingin niya.   Napangiti ako ng makita kong sinusupil niya ang ngiti niya. Tumayo siya at gumawa ng panibagong kape habang umupo naman ako at nagsimula na akong kumain ng tinapay. Nang umupo si Craige, nilagay niya sa gitna ng lamesa ang mug.   Bagong mug iyon. Binili ko kagabi. Malaki iyon kaya parang pandalawahang tao na. At least, hindi kami mabibitin sa kape dahil nga share kami. Hindi ko din alam kung bakit. Basta trip kong inumin ang kape niya.   "First, we need to earn Parker's trust; then, isusunod na natin ang mga kaibigan niya. Hindi natin kailangang magtrabaho kaagad dahil baka makahalata pa sila o ang taong maaaring maging banta sa anak ni Parker." aniya ni Craige.   "If that someone get suspicious, there's a possibility that he'll work faster and unexpectedly."   Ang kailangan naming malaman ay kung sino ang maaaring gumawa nito. Ang mga posible na maaaring may galit sa kanilang magkakaibigan. Mahihirapan kami dahil siguradong marami silang nakakaaway. Iba na ang bussiness world, bihira ang taong walang nakakabangga.   "And also, we need to know..."   Napatingin ako kay Craige. Naputol kasi ang sasabihin niya. Tinignan ko ang tinitignan niya kaya tumingin ako sa damit ko. Mali ba ako o nakatingin siya sa dibdib ko? Nag-angat ako ng tingin at naabutan ko siyang nakatingin sa plato niya na parang may nagmamagic sa plato niya ng kung ano at naging interesante siya doon.   "We need to know?" I asked.   "W-We need to know kung bakit ang mga batang lalaki ang pinapatay niya-- or nila. It will be hard but it's not-- impossible...Thea, will you please close all your shirt buttons?"   "Walang butones 'to Boss, Sir, Among Tunay. Ganito na talaga 'to."   Parang gusto niya akong balutin ng kumot sa pagkakatingin niya sakin. Natatawang kinuha ko na lang ang kape at uminom. Ganon din ang ginawa niya ng binaba ko ang tasa. "Masyado ka ng nerbyosin Boss, Sir, Among Tunay. Baka dapat hindi ka na nagkakape."   "Then you won't have a coffee too."   Nagpeace sign ako. Siya nga pala ang taga-timpla ng kape tapos taga-inom ako. Aba, minsan lang mauto yang boss ko na yan kaya dapat lang na lubusin.   Nang matapos na kaming kumain, salit-salitan na uminom kami ng kape hanggang sa maubos. Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at napatingin ako kay Craige ng pinigilan niya ako. "What?"   "Sumabay ka na sakin."   Parang nagtambol ang mga katutubo sa kasuluksulukan ng utak ko sa narinig ko. Pero dahil dalagang Pilipina ako, syempre kailangan ko munang magpakipot. Pinagsalikop ko ang kamay ko at nagbeautiful eyes ako sa kaniya. Nagsway-sway pa ako na parang kinikilig na hindi mo maintindihan.   "Nakakahiya naman Boss, Sir, Among-"   Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, hinila niya na ako paalis. Sinarado niya ang pinto pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa elevator. Pagkaraan ng ilang sandali, nakarating na kami sa basement at tumuloy na kami sa sasakyan ni Craige. Ngumiti ako sa kaniya at tumayo ako sa tapat ng passenger seat.   Nagbeautiful eyes ako ulit ng tinitigan niya lang ako. Lumuwang ang ngiti ko ng lumapit siya sakin at parang ipagbubukas ako ng pinto. Kumunot ang noo ko ng masyado na siyang malapit sakin hanggang napasandal na ako sa sasakyan. Napalunok ako habang nakatingin ako sa mga mata niya.   "Get in." utos niya.   Narinig ko ang mahinang pagclick ng pinto ng bumukas iyon. Umalis na siya sa harap ko at gumilid papunta sa drivers seat. Huminga ako ng malalim ng maramdaman ko na sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Damn.   Bakit ba lahat ng gawin ng lalaking 'to ang gwapong tignan? Is that even possible? And why the hell am I attracted to him? Mayabang, masungit, manhid, gwapo, macho, yummylicious-- I didn't... hindi ko siya pinuri! Hindi diba? Tama hindi.   Huminga ako ulit ng malalim at pumasok na ako sa loob. Hinila ko ang seatbelt at ikinabit ko iyon. Nang mag-angat ako ng tingin nakita kong nakatitig sakin si Craige. "What?"   "Nothing. I was just about to say na ikabit mo y-yang seatbelt mo."   Kiming tumango ako at tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Tahimik na pinaandar niya na ang sasakyan. Ayoko munang magsalita dahil baka kung ano na namang kabulastugan ang masabi ko. May habit pa naman ako na sabihin ang iniisip ko kapag kausap ko siya. Lalo na kapag natataranta ako. Which is my reaction to him all the time.   Siya kasi ang klase ng tao na sa titig pa lang niya, kakabahan ka na. Well, hindi naman ako kinakabahan sa kaniya. Hindi din ako nai-intimidate... nawawala lang ako sa sarili ko.   "Pagdating natin don... ano..." aniya ni Craige.   "What?"   "Wag mong kakausapin si Parker. Don't talk to him."   I gritted my teeth. Nang tumigil ang kotse sa stop light, tinanggal ko ang seatbelt ko at walang sali-salitang umupo ako sa kandungan ni Craige. Sabi nga nila. Inisin na ang lasing, wag lang si Althea Evangelista.   Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at hinalikan ko siya. Right now, I really don't care about anything, I just want to feel his lips on mine.   I heard him moan a little, then he ran his tongue on my bottom lip. I parted my lips and he plunged his tongue inside. I moved my tongue with his and I leaned forward to move my body closer to him. I can feel his rock hard manhood beneath me. And I can't help myself and I move my body to his length.   Kasabay niyon, naramdaman ko na pilit na humiwalay siya sakin. Tumingin ako sa mga mata niya at alam ko na ng mga oras na iyon, ayaw niyang lumayo.  "Fine. I got it."   "Crush ko si Tom Cruise, Boss, Sir, Among Tunay but I'm not attracted to Parker. I think you know that now, right?"   Tumango siya. Umalis na ako sa pagkakaupo sa kaniya, pero bago ako makaalis, hinila niya ako ulit palapit sa kaniya at hinalikan. Hindi pa sana kami titigil kung hindi lang namin narinig ang tunog ng mga busina ng sasakyan sa likod namin.   Umatras na ako at umayos ng upo sa passenger seat. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. My eyes are too bright. Excitement is visible in my eyes.   Napasinghap ako ng makita ko ang lipstick ko na kalat-kalat na. Nilingon ko si Craige at napatawa ako ng wala sa oras ng makita kong halos nalipat na sa kaniya lahat ng lipstick ko.   Huminto kami sa parking na nakita namin sa basement ng company ni Parker. Bago makalabas si Craige, hinila ko na ang kwelyo niya para mapigilan ko siya. Inabot ko ang tissue sa dashboard at pinunasan ko ang labi niya. Sa labi niya lang ako nakatingin dahil alam kong madi-distract na naman ako kapag napatingin ako sa mga mata niya.   Nang naialis ko na lahat, saka ko lang sinalubong ang tingin niya. "There."   "Thanks."   Nag-iwas ako ng tingin ng parang natutunaw na ako sa tingin niya. Kinuha ko ang lipstick sa shoulder bag ko at inilabas ko din ang compact powder ko.   Inayos ko ang pagkakalagay, bago ko ibinalik ang mga iyon sa shoulder bag ko. Lumabas si Craige at umikot sa side ko. Lumabas ako at napasandal ako sa pintuan ng sobrang magkadikit na kami.   "What will I do to you?"   Nakatingin lang ako sa kaniya. Parang hindi para sakin ang tanong kundi para sa sarili lang niya. Sa totoo lang, hindi ko din alam kung anong mangyayari samin. We can't hide the fact that we're attracted to each other. Pero alam namin na hindi pwede. Yes, we're both single, but he has issues. I don't love him. I'm just attracted to him.   At alam kong ganon din siya sakin.   "Nothing. Leave it like how it is." I said.   Inayos ko ang pagkakasuot ng shoulder bag ko at naglakad na ako paalis. Tahimik na nakasunod lang siya sakin. Pumasok na kami ng elevator. Huminto kami sa third floor ng may pumasok na mga empleyado. Palipat-lipat ang tingin nila samin ni Craige na nasa magkabilang dulo ng elevator na parang magkaaway kami.Kailangan lang namin maglayo o maghapon na akong mawawalan ng lipstick.   Nang makarating na kami sa palapag kung saan nandoon ang opisina ni Parker, ay lumabas na kami. Naabutan namin siyang nakikipag-usap sa babae na kumakausap sa mga papasok. "Good morning Cray, Avery." bati ni Sir Mateo.   "Good morning Sir! Nandito na ang beautiful s***h pang-fashion model niyong assistant with pouty kissable red lips."   Tumawa siya at tumango. Nagulat ako ng iniangat niya ang kamay ko at may tinanggal sa gilid ng labi ko. May natira pa sigurong lagpas.   Suddenly, I felt some powerful aura beside me. Hindi na ako lumingon dahil baka mahalikan ko lang ulit si Craige para patunayan sa kaniya na hindi ako naaakit sa gwapong Tom Cruise look alike na nasa harapan ko.   Kahit naman magparada ng gwapo sa harap ng isang babae. Iba parin ang attracted siya, sa nagwapuhan lang siya.  "It looks like you're lively this morning." komento ni Sir Mateo.   "Syempre, Sir. Ang dami ko kasing na take na pangpagising."   Lumingon ako kay Craige at ngumiti. Napakurap siya at pagkaraan ay ngumiti na din siya. Tumingin siya kay Sir Mateo at tumango.   "May meeting ako kasama ang mga kaibigan ko. Sa tingin ko nasa conference room na sila." anunsiyo ni Sir Mateo.   Tumango kami at sumunod kami sa kaniya ng maglakad na siya paalis. Pinagtitinginan kami sa hallway hanggang sa elevator. Una, siguro dahil ang ganda ko. O pangalawa, dahil sa dalawang lalaki na parang kabababa lang sa Mount Olympus.   I smiled at them. A smug smile. Sorry girls, akin muna si Tom Cruise look alike at Chris Evans look alike. Pero libre naman ang tingin kaya pwede parin kayong tumingin. Pwede niyo ding i-touch si Tom Cruise pero kapag si Chris Evans look alike, wala na kayong mga daliri bukas.   Huminto kami sa isang malaking pintuan. Pumasok si Sir Mateo don at naiwan kami sa labas. Tumayo lang kami doon at pasimpleng may tinanggal kami sa loob ng shirt namin ni Craige. Ikinabit namin sa tenga namin iyon.   "Buti naman dumating ka na Mateo. Kanina pa kami nag-iintay dito. Kailangan na nating pag-usapan kung anong nangyayari sa mga pamilya natin. Natatakot na ngang magkaroon ng anak si Marrissa dahil sa mga nangyayari."   "Relax. We'll do something." sabi ni Sir Mateo.   "Relax? Paano kami magre-relax? Palibhasa, wala kang anak na lalake!"   "Sinong may sabi sayo? Hindi lang kayo ang naaapektuhan." aniya Sir Mateo.   "May anak kang lalake? Bakit hindi namin alam?"   "Mahabang kwento. Ang kailangan nating alamin ay kung sino ang maaaring gumawa nito. Because to me, it looks like someone is stopping us to give our legacy to a son that will carry our names."   "I suggest mag-start tayo sa Ever Dreams. Sila naman ang unang nakaaway ng mga kompanya natin."   Napatingin ako kay Craige. Mukhang may sisimulan na kaming hanapin. Pwedeng iyon nga ang purpose- para hindi na nila maipasa ang apilyedo nila. Hindi na kakalat ang surnames nila dahil mapuputol iyon sa mga anak nilang babae. Hmmm.   "Kailan tayo magsisimula?" tanong ko.   "Soon."   I rolled my eyes at him. Pinagpatuloy ko ang pakikinig pero naging tungkol sa negosyo na ang mga pinag-uusapan nila. Mamaya nga makikinig ako ng video interview ng magkakaibigan. Para malaman ko kung sino ang mga nagsasalita kanina. Ang hirap kasi ng hindi namin nakikita pero wala naman kaming magagawa kasi hindi kami pwedeng pumasok, hanggat hindi kami pinapatawag.   Tumaas ang kilay ko ng may dumaan na lalake sa harapan ng conference room. Hinagod niya ako ng tingin at hindi ko nagustuhan ang tingin niya.   "I can kill that son of a bitch." Napangiti ako sa sinabi ni Craige. Ang hirap talagang maging maganda.   Napasinghap ako ng bigla akong hinila palapit ni Craige sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay na parang tinatanong kung anong ginagawa niya.   "What?" tanong ko.   "Mamaya pa yang mga yan lalabas..."   "So?"   "Just shut up."   He really did shut me up... by kissing me.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD