CHAPTER 7
ALTHEA'S POV
Tinitignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Nandito pa kami sa The Camp pero paalis na kami papunta sa company ni Parker. I mean paalis na ako dahil ang atat na si Boss, Sir, Among Tunay ay iniwan na ako. Dala niya na ang mga damit na dadalin ko dahil may nahanap na siyang lugar na tutuluyan namin malapit sa office ni Parker.
Babalik na lang daw kami sa The Camp kapag Friday. Kinakabahan kasi akong mag stay-in. Ayokong iwan si Adonis. Though payag siyang mag-stay kaila Fierce, ayoko naman masanay siya na wala ako. Baka akalain niya pa na nineneglect ko siya.
Pinaliwanag ko sa kaniya kahapon na may importante akong kailangan gawin. Mukhang reluctant siya kahapon pero napapayag ko naman. But I don't want to leave him for too long, kaya every Friday babalik kami.
Bumalik ang diwa ko sa suot ko. Medyo mababa ang neckline non pero pang-business attire naman. Pinabayaan lang ako ni Craige kahapon pumili ng pumili ng damit habang may binabasa siya na kung anong magazine sa gilid ng boutique na pinasukan namin.
Akala ko nga ako ang magbabayad pero mukhang gusto niyang magbawas sa tumpok-tumpok niyang kayaman kaya naisipan niyang ilibre ako kahapon.
Ibig lang sabihin niyon gumagana pa ang pagiging tao niya. Hindi pa siya kumpletong kalahi ni E.T. Siguro, kaya siya nandito sa planetang Earth dahil tinakwil siya ng mga taga Planet Chumurereng. Hindi na daw kasi kaya ng mga gwapong bitter doon ang sobrang ka-bitteran ni Craige sa mundo.
"Maganda ka na. Mamaya, mabasag pa yang salamin."
Lumingon ako sa pinto at napangisi lang ako ng makita ko doon si Fierce na nakatayo. I flipped my hair at nag-beautiful eyes ako sa kaniya. Tinawanan niya lang ako at ibinato ang unan na nahagip niya na madali ko namang naiwasan.
"Ewan ko ba sa inyo. Hindi ba kayo magkapatid ni Paige? Though mas mukha talaga siyang manika, ikaw naman mukhang idol mo si barbie. Hindi ka nga lang anoxeric katulad niya."
"Namumuri ka ba o nang-iinsulto? Mukha talagang manika si Paige. Napagkakamalan pa nga yong manika. Bilib din ako sa power niyang hindi suntukin lahat ng biglang hahawakan na lang siya sa mukha. At ako naman, maganda lang talaga ako." Nag-flip na naman ako ng buhok na ikinatawa niya lang.
Kinuha ko na ang black shoulder bag ko at isinukbit ko na sa balikat ko. Lumabas na kami ni Fierce at dumiretso kami sa living room. Bago ko matawag si Adonis, may parang ipo-ipo na tumakbo palapit sakin.
Napalunok ako ng makita ko si Adonis na nakayakap sakin at mukhang pinipigilan niyang umiyak. Kung hindi lang talaga kailangan nunca na umalis ako.
Tumalungko ako para magkapantay ang mukha namin. "Babalik naman ako. Saglit lang akong mawawala. Tsaka, kasama mo naman si Hermes eh."
Hindi siya sumagot at nakayakap lang siya sakin. Hindi si Adonis ang tipo ng bata na clingy at showy. Kaya alam kong pinipigilan niya ang sarili niya para hindi niya ako pigilan.Pero hindi naman ako pwedeng umalis kung hindi niya ako gustong umalis.
"Ganito na lang, papadalan kita ng phone mamaya kay Tita Fierce mo, tapos palalagay natin don ang number ko para makakausap mo ako. Saglit lang naman ang four days a week. Lagi naman kitang tatawagan. Tapos pwede din tayong mag-chat."
Tumango siya. Tumingin ako kay Fierce at tinanguhan niya lang ako. "Charge sa akin. Kahit anong phone."
"Sure thing."
Ginulo ko ang buhok ni Adonis at lumabas na ako. Kinawayan ko siya, bago ako pumasok sa sasakyan na gagamitin ko. Pinaandar ko na iyon bago pa ako hindi makaalis kapag umiyak si Adonis.
Binuksan ko ang radio ng nasa labas na ako ng The Camp. Napangiti ako ng may tumugtog na French song. Shadows Of Ourselves. Kahit hindi naman sexy ang meaning non, basta French yung kanta na se-sexyhan ako.
Kumekembot-kembot na nag-drive ako, habang sinasabay ko ang ulo ko at katawan sa beat ng music. Wala na akong pakialam kahit na kita ako sa labas. May automatic tinter kasi tong kotse ko. Porsche 911 turbo, red as my bloody red painted fingernails, na inupgrade nila Andreige noon. Lahat naman halos ng mga sasakyan ng mga agents may ginawa sila Andreige. At dahil tinatamad akong pindutin ang malapit na button para magdarken ang tint, hinayaan ko na lang siya.
Napangiti ako ng makita kong pinapanood ako ng mga tao sa jeep sa harap ko. Lalo na ng mga lalaki. Typical Male Interest. Na kahit naghuhumerantado na ang mga girlfriends nila, sige parin sila ng titig. Tsk tsk. Tapos, ikakatwiran nila 'lalake lang ako.' As if it's an acceptable reason.
Pinabayaan ko na lang sila. Gusto kong sumayaw dahil mamaya kailangan ko ng maging seryoso- ng slight. Syempre, hindi ko pwedeng palagpasin ang araw na 'to para inisin ang aking pinakatatangi-tangi na Boss, Sir, Among Tunay na kalahi ni E.T. phone home! E.T. phone home!
Anyway, natanggap kami kay Parker. Not that it surprised me. Since, pareho naman kaming nakatapos ni Craige. At syempre ginawan na naman nila Craige ng kung anu-anong kabonggahan para matanggap kami.
Ang papel namin ay assistant s***h bodyguard na walang gagawin kundi sundan ang amo namin. Sa ganon maprotektahan namin siya lalo na nalaman naming may anak pala siya sa ibang babae na lalaki. Sooner or later madidiscover din iyon ng kung sino mang killer na yon.
Ang mga kaibigan niya, wala ng balak mag-anak muna. Sila Young may dalawang anak na babae, sila Hayes isa, sila Harris dalawa din, at si Torres wala pa. Mukhang kinakabahan din siya na mag-asawa at magkaroon ulit ng anak. Lalo na kung mamatay lang din ang anak na iyon.
Huminto ako sa tapat ng Parker Holdings. Pumarada ako at bumaba. Walang pagmamadali na pumasok ako habang tumatakbo pa sa isip ko ang kanta kanina. Kaya habang naglalakad ako umiimbay ang balakang ko sa beat ng music sa utak ko. Making me look sexier- I think. Sa tingin ko naman maganda naman ang epek ng kanta sakin dahil hindi iilan ang napapatingin sakin.
"Hi, pwede ko bang makausap si Sir Mateo Parker?"
Tumaas ang kilay nung receptionist. Ngumiti ako sa kaniya ng matamis pero pinatalim ko ang mga mata ko. Namutla ang receptionist at agad na ibinigay sakin ang direksyon.
Sumakay ako sa elevator. Napangiti ako ng makalabas ako ng makita ko ang pinakatatangi-tangi kong Boss, Sir, Among Tunay na may kausap na lalaki. Napatingin siya sakin ng mapansin niyang hindi na siya sinasagot ng kausap niya dahil nakatingin sa direksyon ko. 'Bongga ka Thea! pak na pak!'
Huminto ako sa tapat nila. Tumikhim si Craige at pilit na binawi niya ang tingin sakin at ibinalik sa lalake na kausap niya kanina. Napataas ang kilay ko. Mateo Parker.
Akalain mo yon? Makalaglag underwear pala ang gwapo ng magiging boss namin ni Craige. Though mas gwapo sa paningin ko ang alien ko na boss, hindi maitatanggi na gwapo si Mr. Parker. Oozing with s*x appeal din. Iyong tipong magpapatirapa ka na lang sa harapan niya kapag nakita mo siya. Ngumiti siya sakin at muntik na akong himatayin. Sheyt! Ang gwapo!
"You must be Avery."
Nakangiting tumango ako habang tulalang nakatingin sa look a like ni Tom Cruise na nasa harapan ko. Fine, mas gwapo na siya kay Craige. Kumurap-kurap ako ng kinamayan niya ako.
Pwede bang dito na lang ako magtrabaho forever and ever? Kung mabubungaran ko ang ganito kagwapo na boss, hindi na ako aalis ng office kahit kailan. "Nice meeting you, pogi-- SIR! Nice meeting you sir!" bati ko kay Sir Mateo.
"Pasensiya na po kayo. May habit kasi siya ng bigla na lang nawawala sa sarili niya." hinging paumanhin ni Craige.
"It's okay. She's cute."
Namula na ata ako mula ulo hanggang finger toes sa sinabi niya. Ngumiti ako ng matamis hanggang iginaya niya kami papunta sa office niya. Susunod na sana ako sa kaniya para masilayan ko na ang napakagwapo niyang mukha ng may maramdaman akong umistorbo sa pantasya ko at bigla na lang akong hinila.
"Makahila ka naman Boss, Sir, Among Tunay, parang wala kang braso. Akin 'to excuse me."
"Nandito ka para magtrabaho. Hindi para magpacute."
"Ouchie! FYI, Boss, Sir, Among Tunay, kasama sa trabaho ko ang pagpapacute dahil kung normal na empleyado ka, kikiligin ka sa Boss mo na look alike si Tom Cruise na crush ng bayan noong unang panahon."
Sumimangot siya at parang gusto niya na akong sakalin. Ngumiti ako ng bitawan niya ako at halos tumakbo na ako papunta sa office ni Boss Pogi. Pumasok kami ni Craige at umupo kami sa harapan ng lamesa niya.
"So you two can do martial arts, dojo, tai chi, taekwando-"
"Yes, Sir! I can cook too, maglinis ng bahay, mag re-decorate, at maging isang ulirang girlfriend."
Ngumiti lang siya sakin na parang naaliw siya sa pinagsasasabi ko. Infairness to him, hindi siya katulad ng boss ko na nagmamaktol na sa tabi ko na walang sense of humor. That means taga planet Earth si Sir Mateo. Hindi siya kalahi ng Boss, Sir, Among Tunay ko na wala ni katiting na sense of humor.
Nilingon ko si Craige at nginitian ko siya ng matamis bago ko ibinalik ang paningin ko kay Mateo. "Sir Mateo."
"Yes?"
"Anong tawag sa mais na hindi magaling mag joke?"
"Corny?"
"Tumpak!"
Pumalakpak pa ako na ikinatawa ni Sir Mateo. Nilingon ko rin si Craige na masama na ang tingin sakin ngayon. Aba, lulubusin ko na dahil nag e-enjoy ako. "Eh, Sir, anong sinasabi ng mga isda kapag may reunion sila?"
"Isdayou?"
"Ay, Sir, bongga ka!"
"You're funny. Sa tingin ko mag e-enjoy ako habang nagtatrabaho ka sakin."
Parang lumipad ako sa sinabi niya at pumalakpak ang tenga ko. Napaangat lang ako ng tingin ng tumikhim si Craige at biglang hinawakan ang kamay ko. Pilit na inaalis ko iyon pero pinipigilan niya ako.
Tumingin sa mga kamay namin si Sir Mateo at ngumiti lang siya. I gritted my teeth. Kakagatin ko na sana ang kamay ni Craige ng marinig ko ang mala-anghel na boses ni Sir Mateo. "You two together?"
"NO-"
"Yes." sagot ni Craige.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Parang pinagsukluban ako ng langit at lupa. Lumingon ako kay Sir Mateo na nakangiti at tila naaaliw na nakatingin siya samin. Infairness to him, kahit na may pinoproblema siya mukhang hindi niya nakakalimutang ngumiti.
Hindi katulad ng boss ko na walang sense of humor at panira sa pagpapacute ko sa boss ko na ka look alike ng long time crush ko.
"Kamukha mo si Tom Cruise, Sir."
Natural na ata na taklesa ako kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naramdaman ko na humigpit ang pagkakakapit sa kamay ko ni Craige. "May nakapagsabi na nga sakin."
"Crush ko yon, Sir. Kaya mukhang kahit hindi niyo na ako bayaran oks na oks na."
Tumawa lang siya at napailing. Sumandal siya sa swivel chair niya at napansin ko na nag-relax na siya. Mukhang tensyonado pala siya kanina. Hindi ko lang masyadong napansin dahil naka-focus ako sa gwapong face niya.
"Madali lang naman ang gagawin niyong dalawa. Kailangan niyo lang akong samahan kahit saan ako pumunta." sabi ni Sir Mateo.
"Yes, Sir." Sumaludo ako.
Nagulat ako ng dumukwang si Sir Mateo at ginulo ang buhok ko. Kung iba yon, baka nasapak ko na dahil nagulo ang buhok ko na inayos ko pa mandin. Pero dahil ka look alike niya ang crush ko, okay narin.
Hindi ko na narinig ang mga iba pa niyang sinabi, dahil busy na ako sa pagpapakilig sa sarili ko dahil hinawakan niya ako, ng maramdaman ko na may halos kumaladkad sakin palabas."O, ikaw pala Boss, Sir, Among Tunay. Anong maipaglilingkod ko?"
"I want your silence."
Hinila niya ako papunta sa isang office na katabi lang ng kay Sir Mateo. Pumasok kami sa loob at napataas ang kilay ko ng makita kong may dalawang desk don.
Cool. "Wow, office natin 'to?"
"Obviously."
"Sungit nito. Relax ka lang, Sir."
Lumingon siya sakin at natameme ako ng makita kong masama ang tingin niya sakin. Pero deep inside natatawa ako sa itsura niya. He looks like a jealous boyfriend. Kung hindi ko lang alam na hindi niya ako type, baka nagduda pa ako na nagseselos siya. Nagbabaga ang mga tingin niya sakin eh.
"What?" tanong ko kay Craige.
"You will not flirt with that guy again, understand?"
"Amm.. slight?"
"Althea!"
"Opo! Kaasar ka talaga Boss, Sir, Among Tunay. Alam mo bang long time crush ko si Tom Cruise?"
"Mas gwapo si Chris Evans don!"
Napahagalpak ako ng tawa. Para narin niyang sinabi na mas gwapo siya kesa kay Sir Mateo because ka-look alike lang naman ng alien kong boss si yummylicious Chris Evans.
Napailing na lang ako. "Sir, diyan nagsisimula yan. Yieee!"
"Ang alin?"
"Nag je-jelling jeling ka na. Alam kong maganda ako pero wag mo naman masyadong ipahalata na patay na patay ka sakin. Baka lumaki ang ulo ko niyan."
"You're not my type-"
"Whatever you say, boss."
Nginisihan ko siya at umupo na ako sa pwesto ko. Kinikilig na umupo ako ng makita kong may magazine sa gilid na si Sir Mateo ang cover. Ang gwapo!
"Don't look at him!"
Kinuha ni Craige ang magazine at inilagay sa isang tabi. Tinaasan ko lang siya ng kilay ng tinignan niya ako ng masama. Parang gusto niya akong tunawin sa tingin. "What?" I asked.
"Kung gusto mong tumingin sa gwapo bibigyan kita ng picture ko."
"Aba Sir! Improving ka ha? Nag jo-joke ka na."
"I'm not joking."
Tinitigan ko siya at napangiti ako. Seryoso nga ang boss ko. Picture? Why not coconut chocnut?