Brandon's POV Naging successful ang opening ng bago naming negosyo ni Del Mar, kahit lagi siyang aborido kagaya ko. "Tito Brandon, pahiram naman ng Jacket mo nilalamig ako." Ani ni Alexandra na nasa harapan ko. Bakit pa kasi sumama sa akin ang babae na ito. "Sino ba kasi ang nagsabi sa iyo na ganyan ang isusuot mo?" Inis na sagot ko at hindi ko ibinigay ang jacket ko sa kanya manigas siya. "Nilalamig ako Tito." Ani niya na nanginginig na ang kanyang boses. "Go home." Inis na sagot ko, tinawagan ko ang aking driver at sinabing iuwi na niya ang babae na nasa aking harapan. "Tito, ayokong umuwi kung hindi kita kasabay." Hindi ko siya sinagot sa sinabi niya, pagtingin ko sa aking phone ay mensahe si Beka. Beka: Kuya yung kaibigan ko gusto niyang dumalo ako sa birthday party niya pero sa

