Beka's POV Bago ang pasukan ay sinamahan pa ako ng sekretarya ni Kuya sa mall. Bumili kami ng apat na alarm clock na sabay-sabay kung tumunog. Pang lima na rin ang cellphone ko na mag-alarm. Pero may isa siyang binili na pang school ko daw, nag vibrate lang ito at sa bulsa ko ilalagay. "Beka, kung halimbawa may importante kang gagawin tapos inaantok ka, pilitin mong mag alarm ng kahit 30 minutes sleep. Siguraduhin mo din na naka charge lagi ang mga alarm mo lalo na yang cellphone mo. Yung alarm mo pang school, huwag na huwag mong kalilimutan na dalhin." "Opo Ate, nami miss ko na si Kuya." Malungkot na sambit ko dahil ang hirap mag-isa sa condo niya. "Ako din miss ko na siya Charrr!" Natawa nalang din ako, inihatid niya ako sa condo at tinignan din ang laman ng aking fridge. "Every wee

