Brandon's POV Parang nahimasmasan ako sa sinabi sa akin ng aking asawa. Hindi ako papayag na maghiwalay kami. Napamura akong lumabas at naglakad-lakad muna. Napalayo na ako sa bahay ng may napulot akong bag. Pagbukas ko ay may baril naisip ko na baka pag-aari ng aking mga tauhan kaya dinala ko pagbalik sa bahay. Pagdating ko sa bahay ay umupo na muna ako sa sala at nag-isip kung paano ko mapapa-amo ang asawa ko na hindi kasali si Anton. Wala akong maisip kaya tinignan ko ulit ang bag, inilabas ko ang baril, titignan ko palang sana ang kung may bala pero biglang sumigaw ang isang kasambahay ko. "Sir huwag kayong magpapakamatay!" Biglang sigaw niya at hindi ko sinasadyang nakalabit ko ang gatilyo ng baril. Naramdaman ko nalang na may mainit na bagay na pumasok sa loob ko at nawalan na

