Brandon's POV Ang akala ko safe ang nag-iisa kong dalaga kay Anton pero hindi pala dahil kahit siya ay hindi mapagkakatiwalaan. Nasa hospital siya ngayon dahil hindi ko na pigilan ang aking sarili na bugbugin siya. Kahit si Jace ay nakatikim din suntok ko hanggang sa si Becca na ang umiiyak na nagmamaka-awa sa akin. Galit akong umalis, hindi sumama sa akin ang aking asawa. Pag-dating ko sa bahay ay agad kong tinawagan ang aking anak. Me: Get ready, may susundo saiyo. Tonet: Daddy, bakit po. Matagal pa po matapos ang OJT ko. Me: Dito ka na sa probinsya mag OJD. Tonet: Pero Daddy. Me: Get ready now! Ito ang unang beses na napagtaasan ko siya ng boses, narinig ko ang kanyang paghikbi kaya agad kong pinutol ang tawag. Ilang saglit ay dumating na ang aking asawa na walang imik. Alam ko

