Chapter 9

1024 Words
Beka's point of view Nang naka-upo na si Kokey ay itinulak ko na ang kanyang wheelchair. Kahit lumpo ang amo ko ay halatang maraming nag mamaganda sa kanya. Siya lang naman kasi ang nag-iisang taga pag-mana ng Del Mar na sobrang gwapo at tangkad pa. Sa isang patahian kami pumunta, sinukatan nila ako at gagawan ng bagong uniporme. Ang akala ko pa man din bilhan niya ako ng mga damit. Tahimik nalang ako at ilang saglit lang ay sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya. Kaya naman idinikit ko ang aking mukha sa kanyang ulo. "Find somewhere to buy under garments." Bulong niya. "Sa inyo Sir?" "F*ck no, for you. Ang panty mo may mga butas at ang bra mo laylay na. Hindi nahahawakan ang mga dibdib mo." Medyo malakas na sambit niya kaya alam kong namula ang aking mukha. "Paki babaan naman ang boses mo Sir, okay na sa akin na ibulong mo." Sabi ko dahil may mga napangiti sa paligid namin. Hindi na niya ako sinagot pa at itinulak ko na ang kanyang wheelchair sa binibilhan namin lagi ni Inay kung may pera kami. Ng makita si Sir ay nagulat ang mga nag titinda. "Beka, ikaw pala. Kasama mo pa si Sir." Bati sa akin ng nagtitinda. "Oo Ate, sa mansion na ako nag tratrabaho. Bibili lang ako ng panty at bra ko." Sagot ko at mabilis akong pumili ng aking mga gamit. "Sir, pwedeng kuha ako para sa nanay ko? ibabawas ko na lang po sa akin?" "Just take whatever you want." Sagot niya kaya mas bumilis ang aking galaw. Pati damit ay kumuha na rina ko, whatever you want daw eh. Sulitin na habang mabait si Kokey. Nang napagod na ako ay huminto na ako at agad na tinignan naman lahat ni Ate ang mga napili ko. "Sir, Ten thousand seven hundred thirty one po lahat." Sabi ni Ate, napalunok ako dahil dalawang buwan na sahod ko na pala ang nakuha ko. Nag bigay ng pera si Sir at hindi na kinuha ang sukli. Bitbit ko na ang tatlong supot. Nahihirpan man ako na itulak siya lalo na t hindi sementado ang dinadaanan namin pero kakayanin ko dahil first time kong mag shopping ng ganitong karami. Kaya nga lang hindi pinalapit ni Sir ang mga tauhan niya kaya hirap na hirap akong isakay siya sa loob ng sasakyan. Hingal na hingal ako ng umupo na ako sa tabi niya. "Thank you Sir." Sabi ko na hingal parin. "Thank you saan?" "Sa pagbili mo ng mga damit ko." Nakangiting sagot ko. "Ibabawas ko sa sahod mo." Sagot niya at nawala na ang ngiti ko. "Kuya, sandali!" Malakas na sigaw ko at napahinto si Kuya. "Bakit Beka?" Tanong ni Kuya sa akin na lumingon pa. "Ibabalik ko lang ang mga pinamili ko, akala ko libre hindi pala. Ibabawas pala sa sahod ko." Inis na sabi ko na parang naiiyak pa dahil napagod din akong namili at nag buhat. Ibabalik ko lang pala. "I am just kidding let's go." Sabi niya na may halong ngisi. "Sure ka Sir? nag-iipon ako ng pera para maka pag-aral ako sa kolehiyo. Kaya kong tiisin ang mga butas-butas at laylay na mga damit ko para maka ipon lang." "Yes." "Narinig mo iyon kuya ha, hindi ibabawas sa sahod ko ang mga pinamili ko, testigo kita." Sabi ko kay Kuya driver. Napangiti lang siya at tumango. "Saan dito ang bahay ninyo Beka?" Tanong na ni Kuyang driver. "Pakiliko sa kanan na kuya tapos huminto ka sa pang-apat na bahay." Napangiti ako at excited na makita si Inay. Pakiramdam ko ay isang taon ko na siyang hindi nakita. Agad kong hinawakan ang mga damit na para sa kanya. Paghinto ng sasakyan ay agad kong binuksan. "Sir, pwedeng dito ka nalang ang bigat mo eh." Sabi ko at tinignan niya ako ng masama. "I want to meet your Mother." "Siya nalang ang papuntahin ko dito Sir." "Okay make it fast." Masungit na sagot niya kaya mabilis na akong bumaba sa sasakyan. " Inayyyyyyy!" Malakas na sigaw ko at nakita ko pa ang mgapaninda niya sa harapan ng aming bahay. Ilang saglit lang ay lumabas si Inay na pinupunasan ang kamay. "Anakkkk!" Sigaw din niya na parang mas miss na miss ako. Mahigpit kaming nag yakapan at hinalikan niya ang buo kong mukha. "Anak, dito ka lang. Magtitinda nalang tayo. Hindi ako nakatulog kagabi." Sabi niya na umiiyak. Naiyak na rin tuloy ako at hinalikan din siya. "Nay naman, trenta minuto lang ang layo ng mansion dito sa bahay kung sasakay ka ng tricycle. Ito para sa inyo libre ni Sir." Sabay abot sa plastic na dala ko. "Talaga anak?" "Oo Nay, nasa sasakyan siya gusto ka niyang makilala." "Sige anak." Sagot ni Inay habang naka yakap ako sa kanya. Paglapit namin ay agad nag bukas ang pintuan. "Sir, Nanay ko." Agad na bungad ko. "Hi po." Bati ni Sir sa nanay ko kaya nagulat kaming pareho ni Inay. "Bakit mukha na siyang mabait anong ginawa mo anak, mag dalawang araw ka palang sa mansion ah." Bulong ni Inay. "Masama po ang nag bubulungan kung may kausap kayo." Biglang sabat ni Sir. "Sorry, sorry po Sir." Agad na paghingi ng paumanhin ni Inay na halos gusto na itong lumuhod. "Mana sa inyo ang anak ninyo, laging sorry ng sorry. Beka let's go home." "Nay alis na kami." Mabilis na paalam ko kay inay. "Sige anak, Sir pwede ko po bang pasyalan ang anak ko kada linggo?" "Ok." Seryosong sagot ni Sir pero sabay kaming napangiti ng inay ko. "Salamat Sir. anak huwag kang laging natutulog." sabay kumaway na siya at nagsarado na ang pintuan. "Parang nakita ko na ang Inay mo.."Biglang sambit ni Sir. "Dati po siya sa mansion Sir, pero naging pasmado na ang mga kamay niya kaya mas pinili niyang magtinda nalang sa harap ng bahay. Ako nga baka kakahilot ko sa inyo ay maging pasmado na rin ang kamay ko." "Then stay with your mother at magtinda kayo ng gulay." Masungit na naman na sagot niya. Hay naku ang amo ko na ito sala sa init sala sa lamig. Ang sarap pitikin ang pagong niya para lalong lumubog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD