Beka's pov
Nakarating kami sa mansion na tahimik lang ako.
"Beka, mauna ka nang pumasok sina Roy na ang magbaba sa akin. Huwag kang titingin sa kanya."
"Bakit naman po hindi ako titingin sa kanya Sir?"
"Okay, fine tumingin ka sa kanya." Masungit na sagot niya.
"Anong titignan ko sa kanya Sir?"
"F*ck! I don't know, umalis ka na bago magbago ang isip ko at ikaw ang mag baba sa akin."
Halos tumalon na ako pababa sa sasakyan ng marinig ko ang kanyang sinabi. Deretso na ako sa kwarto namin na katulong at inilabas labas ng mga pinamili ko. Napangiti ako dahil may bago na akong bra at panty. 2 years ago pa nang huling bumili kami ni Inay. Inalis ko na ang mga tag at minsanan ko nang nilabhan kasama ang maruming damit ko. Nang nakasalang na sa washing machine ay pinuntahan ko na si Sir sa kanyang kwarto. Nadatnan ko siyang naka harap sa kanyang computer habang may kausap sa telepono kaya tahimik lang akong tumabi sa kanya.
Pinanuod ko siya, ang bilis ng kamay niyang magtipa sa keyboards ng kanyang laptop. Kung ako siguro, hahanapin ko isa-isa ang letra.
"I don't care kahit alisin nila ang kanilang share sa aking kumpanya." Sagot niya na napatingin sa akin. Ngumiti naman ako at nagsalubong ang kanyang kilay. Mabilis ko tuloy naitikom ang mga labi ko.
Magpapa-alam na muna sana ako na aalis na muna kung hindi niya ako kailangan pero galit na naman siya sa kausap niya. Nakapag-ral nga na tao binubulyawan niya, ako pa kaya na alalay niya lang.
Napahinga nalang ako ng malalim, isang oras din siya putak ng putak hanggang sa napahikab na ako at nakatulog na. Napangiti ako dahil parang kinikiliti ang aking pakiramdam. Hindi ko alam kung panaginip ba ito o totoo. Pero kung panaginip ay ayoko nang magising pa.
"Hmmm" Mahinang ungol ko na parang nakalutang ako at ang sarap ng aking pakiramdam.
"Beka wake up!" Dinig ko na boses ni Sir Jace kaya agad kong iminulat ang aking mga mata. Nagulat ako dahil naka kandong ako sa kanya.
"Sir." Sambit ko na mabilis na umalis sa kanyang kandungan. "Bakit ako naka upo sa hita ninyo?"
"Anong gusto mo mahulog sa sahig?" Masungit na tanong niya.
"Paano ako napunta sa kandungan ninyo Sir?"
"Sit and I will show you." Utos niya kaya umupo naman ako. Nagulat ako ng may pinindot siya sa kanyang wheelchair at gumalaw. Napanganga ako dahil de remote naman pala ang wheelchair niya. Lumapit sa akin at nasa likuran ko na siya. Pagkatapos ay humawak siya sa aking baywang kaya napatili ako.
"Sh*t up!" Sambit niya at ilang segundo lang ay nasa kandungan na niya ako.
"Sir, kahit naman pala hindi kita itulak ay kaya mo? bakit mo ako pinagod ng husto?" Tanong ko na naka upo parin sa kanyang kandungan habang ang kanyang wheelchair ay lumilibot na sa kanyang malaking kwarto. Nag enjoy tuloy ako na nakasakay at parang ayaw ko nang bumaba.
"Gusto mo ng may sahod?"
"Oo naman Sir."
"Then don't complain." Masungit na sagot niya." I want to lay down now." Sabi niya kaya napunta na kami sa kanyang kama. Umalis ako sa kanyang kandungan at siya na mismo ang lumundo sa kanyang kama. Ako naman ang pumalit sa kanyang wheelchair.
"Sir, pwedeng ako na muna dito?"
"Do whatever you want." Sagot niya na humiga na. Napangiti akong pinaandar ang kanyang wheelchair at tuwang-tuwa ako na nilibot ang buo niyang kwarto.
"Sir, pwede ba itong sakyan papunta sa bayan o pauwi sa bahay namin? ang ganda naman nito, tamang-tama sa akin na hindi marunong mag maneho."
"Yes, but I won't allow you."
"Bakit naman Sir? ibabalik ko din naman ah."
"Paano kung biglang umulan?"
"Eh di magdala ako ng payong ko."
"Paano kung bigla kang binunggo sa daan? that wheelchair cost a million." Sagot niya kaya bigla akong napababa sa wheelchair dahil baka masira ko pa. Million pala ang presyo kahit hanggang pagtanda ko na katulong niya ay hindi ko mabayaran kung masira ko.
Tumabi nalang ako sa kanya at napatingin siya sa akin. Pagkatapos ay napunta na ang kanyang mga mata sa pinapanuod.
"Oo nga pala Sir, isampay ko na muna yung mga damit ko na nilabhan ko."
"Okay, bilisan mo." Mabilis na akong lumabas sa kanyang kwarto at nang nakarating ako sa kusina ay narinig ko ang aking pangalan.
"Tignan lang natin kung dumating si Madam, aba ang gaan ng trabaho niya. Ilang beses na siyang nakakatulog pero hinahayaan lang siya ni Sir Jace. Hindi ba ang unfair nun sa atin."
"Beka, hayaan mo na lang sila. Naiingit lang ang mga iyan dahil nakita nila ang mga damit na binili ni Sir Jace saiyo." Sabat ni Lola Rosing at nagulat ang dalawa na lumingon sa akin. Napahinga nalang ako ng malalim dahil tama naman sila. Ilang beses na akong nakatulog pero hindi nila alam ang hirap na pinagdaanan ko kung binubuhat ko si Sir.
"Sige po Lola." Sabi ko nalang at pumunta na ako sa laundry room ng Mansion. Kinuha ko na ang aking damit at inilabas para isampay. Habang nagsasampay ako ay biglang may nagsalita mula sa aking likuran.
"Beka, kailangan mo ng tulong?" Paglingon ko ay si Kuya Roy.
"Hindi na po Kuya, kaya ko na po." Sagot ko, na inuna ang mga damit ko na isampay.
"May boyfriend ka na ba?" Biglaang tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Wala po Kuya." Sagot ko na itinuloy ang aking pagsasampay.
"Beka, tinatawag ka ni Sir!" Sigaw ni Lola Rosing.
"Sige po."
"Puntahan mo na sumisigaw na siya." Sigaw ulit ni Lola. Napatingin ako sa mga isasampay ko pa. Mga panty at bra nalang ang natira. Hindi ko naman pwedeng iwan dahil nakakahiya kaya binuhat ko nalang at dinala sa loob. Ni hindi na ako naka pagpa-alam kay Kuya.
Patakbo akong pumasok at nadatnan ko na si Sir na naka upo sa kanyang wheelchair na masama ang tingin sa akin.
"Bakit mo kinakausap si Roy?"
"Sir, nagsasampay ako tapos lumapit siya."
"Hindi ba sinabi ko saiyo na huwag mo siyang titignan!"
"Sir, paano? palingon ko nakita ko na siya."
"Eh di pumikit ka!" pabulyaw na sagot niya.
"Parang imposible naman po iyon Sir." Mahina nang sagot ko dahil pulang-pula na ang kanyang mukha sa galit.
"Ano yang hawak mo?"
"Mga isasampay ko po na hindi ko na naisampay." Sagot ko at lumapit siya sa akin.
"Sa labas mo isasampay ang mga panty at bra mo?"
"Opo."
"F*ck! isampay mo yan sa loob ng banyo ko."
Napahinga nalang ako ng malalim at pumunta sa kanyang banyo. Habang nagsasampay ako ay naisip ko na parang nag seselos si Sir kay Kuya Roy.
Nang tapos na akong nagsampay , nagulat ako dahil nasa may pintuan lang pala si Sir.
"Huwag mo nang isuot yang maiksing uniporme mo. Lalo na kung lalabas tayo hanggang dumating ang bago mong uniporme."
"Anong isusuot ko sir?"
"Sa tingin mo, kung gusto mo huwag ka nalang mag damit." Pilosopong sagot niya.
Tumahimik nalang ako hanggang sa hapunan na. Pero bago mag hapunan ay kinuha ko na muna ang aking mga damit na sinampay sa labas. Sumama pa si Sir sa akin. " Lahat ng gamit mo ay ilalagay mo na sa kwarto ko."
"Bakit naman po Sir?" tanong ko na napatingin sa kanya at nakatingin sa loob ng kwarto namin.
"Just follow what you have told."
"Sir, baka po kung ano ang iisipin ng mga kasama ko."
"Anong iisipin nila?"
"Baka isipin nila Sir na nilalandi kita."
"Bakit magpapalandi ba ako saiyo?"
Napanguso ako sa sagot niya, inilagay ko nalang ang lahat ng gamit ko sa aking bag at nang lumabas ako ay nagulat ang mga kasama ko.
"Beka, aalis ka ba?" Tanong ni Lola Rosing.
"No." Sabat ni Sir na sinenyasan akong ilagay ko na ang mga gamit ko sa kwarto niya. Hindi ko na muna inalis ang aking mga gamit sa mga bag ko dahil baka magbago ang isip niya.
Bumalik ako sa kusina at nadatnan kong tahimik ang lahat habang kumakain si Sir.
"Eat Beka." Utos ni Sir at napatingin ako sa mga kasama ko na nag bulungan.
"Mauna na kayo Sir."
"F*cking eat now!" Bulyaw niya kaya napalundag ang puso ko sa gulat. Agad akong kumuha ng pinggan at kutsara. Bahala na sila kung ano ang iisipin nila.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na muna kami sa labas para magpahangin. Walang upuan dahil sa may pintuan lang kami. Umuulan na kasi kaya hindi na kami naka layo pa.
"Sit on my lap." Utos niya kaya mabilis naman akong umupo. Pagka-upo ko ay niyakap niya ang aking katawan kaya napalunok ako.
"Sir bakit kayo napayakap sa akin?"
"Nilalamig ako." Mabilis na sagot niya.
"Edi pumasok na tayo sa loob po, Sir."
"No, dito na muna tayo."
Hinayaan ko nalang na yumakap siya sa akin dahil kahit nilalamig din ako. Pagkalipas ng ilang minuto ay pinababa na ako at pumasok na kami sa loob ng bahay.
Pagpasok namin sa kanyang kwarto ay deretso kami sa kanyang banyo. Agad kong kinuha ang aking mga bra at panty dahil tuyo na ang mga ito.
"Maligo na tayo." Sabi niya na siya na ang nag hubad ng kanyang pang-itaas na damit." What are you waiting for, mag hubad ka na din ng damit mo."
"Po, Sir hindi po pwede. Makikita ninyo ang katawan ko."
"Hindi pwede saiyo, habang ako ay pwede? nakita mo na ang buong katawan ko. Nahawakan mo pa ang alaga ko at nakita kong pinisil mo ang mga itlog ko. Nagreklamo ba ako?"
"Sir kasi, nahihiya po ako. Dalaga po ako, hindi maganda na hubad ako sa harapan mo."
"Binata din ako, anong ibig mong sabihin wala akong hiya? It's up to you kung ayaw mo. Basta pagkatapos kong maligo ay matutulog na tayo."
"Sir naman, alam naman ninyo na mababasa ako kung papaliguan kita at mababasa ako."
"Not my problem." Masungit na naman na sagot niya.
Wala na akong nagawa pa kundi nag hubad na talaga , pati ang panty at bra ko ay pinatanggal niya. Parang naiiyak ako sa hiya mabuti at hindi siya naka tingin sa katawan ko. Napapikit nalang ako ng alalayan ko siyang umalis sa kanyang wheelchair papunta sa upuan sa loob ng banyo. Dikit na dikit kasi ang mga hubad naming katawan lalo na at sobrang higpit ang yakap niya sa akin.
Habang pinapaliguan ko sya ay naliligo na din ako. Hindi naman siya nakatingin sa katawan pero binilisan ko parin ang aking pagligo.
"Sit on my lap para masabun ko ang iyong likod."
"Sir okay na kahit huwag nalang po."
"Kaya pala ang dami mong libag sa likuran mo dahil hindi ka nag hihilod." Sabi niya na napailing. Umupo nalang ako sa mga hita niya, hindi ko naman alam na may libag pala sa aking likuran. Hinilod at sinabun niya ang aking likod. Pagkatapos ng ilang minuto ay tapos na kami kaya nakahinga na ako ng maluwag dahil parang nag-iinit ang katawan ko sa paghaplos ni Sir sa aking likod kahit na walang malisya sa kanya.