Beka's point of view
Ang sabi ng mayordoma sa mansion ay stay in daw ako kaya nag impake na agad ako ng aking mga gamit dahil mamayang hapon daw ay darating na ang aalagaan ko.
"Anak, tandaan mo. Masungit ang mga Del Mar. Kung mabulyawan ko o mapagalitan ay mag sorry ko nalang o di kaya ay umuwi ka nalang sa bahay at tulungan mo akong magtinda."
"Nananakit ba sila Inay?"
"Hindi ko pa naman nakita anak pero mahilig silang sumigaw. Ang mabait lang sa kanila ay ang Don pero namatay na."
"Isa lang ba talaga ang anak nila Nay?"
"Oo anak, si Sir Jace lang. Tahimik naman na binata yun pero naninigaw din kung may hindi siya nagustuhan. Sinasabi ko saiyo, kapag hindi mo kaya ay magpa-alam ka nalang at umuwi ka dito sa bahay. Mabubuhay naman siguro tayo sa pagtitinda ko.
Napahinga ako ng malalim, sayang din naman kasi ang limang libo sa isang buwan. Libre na daw lahat, kaya neto ko na ang limang libo. Kahit dalawang taon lang ako mag trabaho at ang pera na maiipon ko ay gagamitin ko papuntang manila. Doon ako makipagsapalaran, hindi naman ako siguro papabayaan ni Tonya.
Pagkatapos kong nag empake ng aking mga damit ay kumain na muna kami ng pananghalian ni Inay.
"Anak, bilisan mong kumain mas maganda na mauna kang makarating sa mansion kaysa kay Sir Jace." Sabi ni Inay kaya binilisan kong kumain.
"Ihahatid mo ba ako Inay?"
"Oo anak." Malungkot na sagot niya.
Pagkatapos naming kumain ay mabilis na akong nag hugas ng aming pinagkainan at saktong dumating ang tricycle na inarkila ni Inay.
Si Kuya na mismo ang nag ayos ng aking mga bag at ilang saglit lang ay umalis na kami. Maraming bilin si Inay sa akin, mga bilin niya kagabi na inulit na naman niya.
Isang beses palang ako nakapunta sa mga mansion ng mga Del Mar. Mas gumanda pa pala lalo ito. Bumaba na kami at tinulungan ako ni Inay na buhatin ang aking mga gamit.
"Ito na ba ang anak ninyo ng yumao mong asawa? aba ang laki at ang ganda niyang bata."
"Opo Mayordoma, si Beka po."
Ngumiti sa akin ang mayordoma, mukhang mabait naman ito kaya ngumiti din ako.
"Samahan na kita sa maging kwarto mo."
"Pwede ba akong sumama mayordoma?" Tanong ni Inay na halatang malaki ang paggalang sa mayordoma ng mansion.
"Oo naman, tayo na."
Pumasok na kami sa loob ng bahay at agad kong inalis ang suot kong tsinelas dahil pwede ka nang manalamin sa linis ng sahig. Habang sinusundan ko sina Inay ay lumibot ang aking mga mata sa loob ng mansion. Sobrang ganda at linis talaga na parang nakakatakot na hawakan ang mga naka display na gamit dahil baka masira.
Ang dami nilang kasambahay at naka uniporme pa.
"Nay naka uniporme din ba kayo noon?" Bulong ko kay Inay.
"Oo anak, nagpapalit ako kung uuwi na."
Ilang saglit at pumasok na kami sa isang kwarto na may mga double deck na higaan.
"Anim kayo rito may sarili na rin kayong banyo. Beka, doon ka sa baba." Sabay turo sa aking hihigaan.
Napangiti naman akong inilagay ang aking mga gamit sa isang kabinet habang nag-uusap si Inay at ang mayordoma.
"Anak, alis na ako. Yung mga bilin ko." Mahigpit akong yumakap sa kanya at tuluyan na siyang umalis."
"Isang oras pa ang hihintayin natin bago dumating si Sir, mag meryenda ka na dahil pag dumating na siya ay baka pati pag-inom ng tubig ay wala ka nang oras."
"Sige po Mayordoma salamat po, ang bait po ninyo." Nginitian lang niya ako at sinabi niyang sundan ko siya sa kusina. Nadatnan ko na ang ilang kasambahay na nag memerienda.
"Hi po." Bati ko, may ilan nag bumati pabalik at ilan din ang parang hindi ako narinig. Umupo nalang ako, pag-upo ko ay pinakuha na ako ng tinapay at may juice na rin.
"Isang oras nalang ay darating na si Sir Jace. Gawin ninyong mabuti ang inyong trabho para hindi kayo mapagalitan. Kung ano ang trabahong naka toka sa inyo ay iyon lang ang inyong gagawin. Para kung may pumalpak ay yun lang ang mapapagalitan." Seryosong sabi ng mayordoma at sumabay na din siyang mag merienda. "Pagkatapos mo diyan ay magpalit ka na rin ng iyong damit. Ang uniporme mo ay nasa isang drawer lang baka nakita mo na kaninang inilalagay mo na ang mga gamit mo."
"Opo, nakita ko na po kanina."Agad na sagot ko at binilisan kong lunukin ang aking kinakain. Nang tapos na ako ay agad kong hinugasan ang aking baso at nagpa-alam nang magpalit.
Mabilis kong isinuot ang uniporme ko at medyo napangiwi dahil lagpas tuhod ko ito. Nakapanty lang ako at baka konting hangin lang ay masisilipan na ako. "Bahala na." Sambit ko na lumabas na.
Lahat sila ay nakatingin sa aking hita.
"Mayordoma, mukhang maiksi po ata ang uniporme ko." Nahihiyang sambit ko.
"Hindi ko naman kasi akalain na matangkad ka, akala ko gaya mo din ang Nanay mo ng taas. Sa kanya iyan eh."
"Mayordoma, lumapag na po ang chopper. Yung alalay po si Sir dapat mag-abang na!"
"Beka sundan mo si Roy bilisss!" Nataranta akong tumakbo at sinundan ang lalaki. Tumakbo din ito kaya hinabol ko na hawak-hawak ang laylayan ng aking damit.
"Wow." Sambit ko na nakatingin sa helicopter na bagong lapag. Ito ang unang beses na makita ko ng malapitan ang isang helicopter.
Sinenyasan akong lumapit kaya lumapit ako. Hawak ko parin ang laylayan ang aking damit dahil ang lakas ng hangin galing sa helicopter. Bakit naman kasi dress ang umiporme nila. Hindi nalang pantalon.
Unang bumaba ang isang wheelchair at ilang saglit lang ay may pignagtulungan na silang ibaba na lalaki.
"Hoy yung wheelchair hawakan mo!" Sigaw ni Kuya Roy.
Nataranta akong hinawakan ang wheel hair, isang kamay ko lang ang gamit ko dahil ang isa ay naka hawak sa harapan ng damit ko. Kung may tao sa likod ko ay sigurado akong kita na niya ang pwet ko.
"Ilapit mo dito!" Sigaw ulit Kuya Roy kaya dalawang kamay ko na ang humawak sa wheelchair at inipit ko nalang ang harap ko sa wheel chair.
Napalunok ako sa lalaking buhat nila. Ang laking tao at ang gwapo. Napatanga akong nakatitig sa kanya hanggang sa paupuin na nila ito sa wheelchair na hawak ko.
"The f*ck you waiting for moved!" Bulyaw niya sa akin kaya mabilis kong itinulak ang wheelchair. Narinig ko ang pagpito ng mga lalaki sa likod ko at naiiyak na ako sa hiya.
"Why are you crying God D*mnmit!" Sigaw niya na huminto ako dahil hinawakan ko ang laylayan ng uniporme ko.
"Sir, nalilipad po kasi ng hangin ang damit ko. Nakita na nina Kuya Roy ang panty ko." Sabi ko at bigla niya akong hinila mula sa kanyang harapan. Nabitawan ko ang laylayan ng damit ko sa gulat ko at napapikit nalang ako ng maramdaman ko ulit ang hangin sa aking pwet.
Mabilis kong ibinalik ang kamay ko sa damit mo pero Alam kong huli na ang lahat nakita na ni Sir ang panty ko.
"Royyy!" Sigaw ni Sir at inutusan niya na siya nalang ang magtulak sa wheelchair. Agad akong sumunod pero ramdam ko na sa akin naka tingin si Kuya Roy.
Pagpasok namin sa bahay ay agad binati si Sir ng mga kasambahay na nakapila.
"Bakit maiksi ang damit nito?" Agad na tanong niya sa mayordoma na walang paggalang.
"Sir, sa nanay po niya ang kanyang uniporme na suot, hindi ko naman po alam na matangkad pala siya."
"Stupid, hindi mo man lang tinanong ang taas niya?" Galit na bulyaw ni Sir sa mayordoma. Lahat kami ay naka yuko at awang-awa sa matanda nang sinisigawan niya.
"You, dalhin mo ako sa kwarto ko at ikaw Roy don't be a manyak!" Bulyaw din niya kay Kuya Roy.
Mabilis kong itinulak ang wheelchair pero ang problema ko ay hindi ko alam kung saan ang kwarto niya.
"Sir, kadarating ko lang kanina. Nasaan po ang kwarto mo?" Nanginginig na tanong ko.
"Turn left." Utos niya, sa nerbiyos ko ay nag turn right ako.
"F*ck!" malakas na mura niya na nag echo-echo na sa loob ng bahay.
"S_sorry po Sir na nerbiyos ako." Naiiyak nang sabi ko at ibinuwelta ko ang kanyang wheelchair pa left. Sa tangkad niya na naka upo ay amoy na amoy ko ang kanyang buhok. Napasingot tuloy ako na hindi ko na mamalayan. Mabuti at hindi niya ako sinigawan.
"Here." Sabi niya sa nakabukas na kwarto. " Dalhin mo ako sa kama ko." Sabi niya ulit kaya nilapit ko ang wheelchair sa kama.
Pagkatapos ay pumunta ako sa kanyang harapan at inalalayan ko siyang umupo sa kanyang kama. Napalunok ako dahil dama ko ang mainit niyang palad sa baywang ko. Konti nalang ay muntik na kaming nag lips to lips. Mabuti nalang talaga at matangkad ako at sanay din akong magbuhat ng mabibigat kaya naka yanan kong paupuin siya sa kanyang kama.
"What's your name and your age?" Seryosong tanong niya.
"Beka, 18 po sir." Kinakabahan na sagot ko.
"You know already your Job?"
"Opo Sir."
"Tell me." Sagot niya na nakatingin sa akin.
"Sabi po ni Inay ay dapat nasa tabi lang po ninyo ako para kung may iutos kayo ay magagawa ko agad."
"What else?"
"Lahat po ng gamit ninyo ay ako ang mag-aasikaso."
"What else?"
"Yun lang po ang sinabi ni Inay Sir."
"You have to massage my lower part of my body every night and assist me in the bathroom."
"Po?" Ako po ang magpapaligo sa inyo?" Tanong ko kung tama ang pagka intindi ko sa English niya.
"Why do you think I can bathe by myself?" Masungit na patanong niya at natahimik ako.
"Sir paano po kung eebak at iihi kayo?"
"What do you think the answer is?" Masungit ulit na tanong niya.
"Sir paano kung sa gabi naiihi kayo at nasa kwarto ako?"
"Sleep in my room."
"Po!" Gulat na sambit ko.
"Do you see that couch? diyan ka matutulog."
"Ah okay po sir." Sagot ko at ipinasok na ng ilang kasambahay ang gamit ni Sir.
Parang natatakot sila na gaya ko dahil pagkapasok nila sa maleta ni Sir ay agad din silang lumabas.
"Sir, aayusin ko na po ang mga gamit mo." Paalam ko. Hindi niya ako sinagot, tinignan lang niya ako at ipinikit niya ang kanyang mga mata kaya umalis na ako at isa-isang inihanger ang kanyang mga damit. Mabuti nalang at nakikinig ako kay Inay sa pag-aayos ng damit kaya malinis at maayos kong inilagay sa malaking kabinet niya ang kanyang mga gamit.
Inilagay ko na sa gilid ang mga maleta at nagulat ako ng nagsalita siya.
"Massage my legs." utos niya kaya mabilis akong lumapit sa kanya at umupo sa side ng kanyang kama. Hinila ko ang damit ko pababa dahil pag-upo ko ay umangat ito. Mabuti at nakapikit ang mga mata ni Sir.
Naka short lang siya kaya minasahe ko na ang kanyang malalaking hita. Mabuti at kahit hindi siya nakakalakad ay patay parin ang mga ito.
Sumakit ang balikat at likod ko kaya inayos ko ang aking pagka upo. Sa pagitan ng mga hita na niya akong lumuhod at nakababa ang aking pwet sa kama.
Mukhang tulog na siya kaya malaya kong natitigan ang kanyang gwapong mukha. Ang pula ng kanyang mga labi at mas mahaba pa ata ang pilik mata niya sa akin. Tas ang ilong niya ay parang Bombay katangos. Ang gwapo pala ni Sir Jace, kahit mas matanda siya sa akin ng sampung taon ay hindi halata.
Itinuon ko na ang pagmamasahe sa kanyang kanyang hita, halos isang oras ko nang minasahe pero hindi pa niya ako pinapahinto.
"Sir, okay na po ba?" mahinag tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Patuloy ko siyang minasahe hanggang sa umabot na ako sa kanyang mga paa. Isang oras din ako sa kanyang paa.
Mabuti nalang at nag merienda ako kanina kundi hindi ay gutom na gutom na ako ngayon.
Tumaas ulit ang aking mga palad sa hita niya habang ang mga mata ko na ay hindi ko mapigilan na pumikit.