Chapter 4

1638 Words
Beka's Pov Napayakap at inayos ko ang aking unan dahil parang hindi ito pantay. "Hey Wake up!" Dinig ko, napangiti ako dahil nag eenglish si Inay. "Inay antok pa ako, ang lamig hmmmm" Sambit ko na mas humigpit ang pagkayakap ko sa aking unan. Dinig na dinig ko ang sunod-sunod na pagmumura at kinabahan na ako ng mapagtanto kong lalaki ito. "Patay!" Mahinang sambit ko nalang at mabilis na napa-upo. "S_sorry po Sir, sorry po." Ani ko na napaluhod na sa kanya at parang sando na dinadasalan ko na. "You are drooling on my short!" Sigaw niya na pulang-pula ang mukha. Baka kung malapit lang ako sa kanya ay nasampal na ako o kung naigagalaw lang niya ang kanyang mga paa ay sinipa na niya ako. "Po!" Sambit ko na napatingin sa short niya. Basa ito at sa gitna pa ng kanyang Kwan." "Sorry po Sir, palitan ko nalang po ang short ninyo." Sagot ko na mabilis umalis sa kama at kumuha ng bago niyang short. Mabilis kong naibaba ang kanyang short, hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanyang brief. Tumagos din ang laway ko dito. Napakagat labi ako dahil bakit ba ako nag laway habang natutulog. "Sir, Sorry po. May tumagos ang laway ko aa brief ninyo." Naiiyak na sambit ko. "Paliguan mo nalang ako, f*ck your gross." Sabi niya na diring-diri. Bumaba ako ulit sa kama niya at inalalayan ko siyang umupo sa kanyang wheelchair. Mabigat si Sir kaya napahigpit ang yakap sa malaki niyang katawan. Nang paupuin ko na siya ay umatras ang wheelchair kaya muntik ko na siyang mabitawan mabuti at nakahawak siya sa kama. "F*ck!" Mura niya ulit. "Sorry po." Sabi ko ulit na isang kamay ko na ang humawak sa wheelchair at naka alalay sa kanyang pag-upo. Sumakit ang aking likod dahil sobrang bigat niya. "Aray ko." Ani ni na napahawak sa aking likuran habang siya ay naka titig sa akin. "Ay sorry po." Sabi ko ulit na pumunta na sa kanyang likuran at itinulak na papunta sa banyo. Pagpasok namin ay napangiwi ako dahil hindi ko alam kung paano paliguan si Sir. "Sir, paano kita paliguan?" Natatakot na tanong ko. "That's your problem." Seryosong sagot niya. Mahirap pala mag-alaga ng lumpo. Paano nalang kung araw-araw siyang maligo. May nakita akong upuan sa loob ng banyo baka ipapa upo ko siya doon. Malaki ang babasagin pintuan kaya sigurado akong makakapasok ang wheelchair. Napangiti ako dahil sumakto ang wheelchair, itinabi ko ito sa upuan. Ni locked ko na muna ang wheelchair "Sir, ililipat kita sa upuan." Sabi ko na hinawakan na siya. Humawak siya sa aking baywang habang ako ay napayakap na sa malaki niyang katawan. Diosko kung araw-araw ko itong gagawin ay baka magka almuranas na ako sa bigat niya. "Sir magbilang ako ng tatlo ah, 1 2 3 ummmmm!" Napapikit akong ibinigay lahat ang aking lakas. Hanggang sa napa upo ko na siya. Parang mawawalan na ako ng malay sa bigat niya. Hingal na hingal ako habang siya ay seryoso lang na nakatingin sa akin na parang hinihintay ang susunod kong gagawin. First half day ko palang ay parang susuko na ako. Hinubad ko na ang kanyang damit at maraming pilat akong nakita sa kanyang katawan. "Sir, kaya ba ninyong sabunan ang katawan ninyo?" Mahinang tanong ko. "No." Masungit na sagot niya. May mga kamay naman siya na kaya niyang igalaw. Napahinga nalang ako ng malalim dahil wala akong karapan na magsalita sa titig siya sa akin, nakakatakot. Siguradong mababasa na ako nito, binuksan ko ang tubig at napasigaw siya. "F*ckkkk the water is too cold!" Galit na sambit niya. Nataranta naman ako at pinihit ang tubig. "Arayyy ang init!" Reklamo dahil sa akin na naka harap ang shower. Mabilis kong pinatay ang tubig. Parang napaso ang mukha sa init ng tubig na lumabas sa shower. "St*pid!" Sambit niya na inabot ang tubig at siya na mismo ang nag bukas. Naiiyak na ako ng tinuruan niya ako kung paano timplahin ang tubig. Malay ko ba eh tabo ang gamit namin sa TV ko lang naman nakikita ang ganitong paliguan. "Take off my underwear." Utos niya. "S_sir eh di makikita ko na ang birdie mo." Sagot ko na kinakabahan at basang-basa na ako. "Take it off now!" Bulyaw niya kaya mabilis kong hinawakan ang garter ng kanyang brief. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata habang nahihirapan akong ibaba ito. Nang nasa hita na niya at hindi ko talaga ibinukas ang aking mga mata. Mahirap na baka makakita ako ng bumulaga sa akin. Pagkaalis ko ay mabilis akong tumayo at agad na pumunta sa kanyang likuran kaya siya na ang na babasa ng tubig. Wala akong kapatid na lalaki nag-iisa lang akong anak ni Inay kaya hindi ko alam kung paano mag paligo ng lalaki. Naglagay nalang akong shampoo agad ng kanyang ulo pagkatapos ay binanlawan ko. Sinabunan ko na din ang kanyang katawan pati kilikili niyang mabuhok. Napapatanong tuloy ako sa aking sarili kung paanong malaki ang kanyang katawan eeh pati maligo ay ayaw niyang gawin. Ang problema ko ngayon ay ang kalahati niyang katawan. "Sir, tapos na po." Sabi ko. "So naliligo ka na hindi mo nililinasan ang kaselan mo?" "P_pooo!" Gulat na sambit ko sa tanong niya. "Sir, alangan naman na ako ang maglilinis diyan. Pwedeng ako nalang sa mga hita mo at ikaw ang mag linis sa birdie mo. Naiigagalaw mo naman ang kamay mo hindi ba?" "Bakit pa kita kinuha kung ako lang din pala ang gagawa?" "S_sir naman po babae po ako at dalaga." Sagot ko na nilalamig na rin dahil sa kanya naka tama ang tubig. "Clean me now." Utos niya at naiiyak na akong pumunta sa kanyang harapan. Lumuhod na ako at ako na mismo ang naghiwalay sa kanyang mga paa. Wala na ang virgin eyes ko nakita na ang kanyang pagong. Ganito pala ang tt niya ang liit parang tatlong pulgada lang ata pero ang mga itlog niya bilog na bilog. "Tititigan mo na lang ba?" "Ay S_sooorry po Sir." Sagot ko na mabilis kinuha ang sabon at sinabunan ko na. Hindi ko maiwasan ang mailang dahil nakatitig pa siya sa akin habang sinasabunan ko ang singit niya. Ang kapal ng bulbul ni Sir halos hindi na makita ang kanyang pagong. Parang natatawa ako sa aking iniisip kaya agad akong napayuko. Sana naman po kung tumae siya ay siya na ang maglinis ng kanyang pwet parang hindi ko ata kaya na. Mabilis kong sinabuan ang kanyang pang-ibabang katawan. Hilod doon at kung saan-saan na ako humilod. Tapos na ko sya pinaliguan kaya agad kong tinuyo ang kanyang katawan. Kumuha na muna ako ng roba at nang okay na ay mabilis kong kinuha ang wheelchair. "Sir, paano yan mababasa ka ulit pero hindi naman po siguro basang-basa." Sabi ko na inalalayan siyang ilagay sa kanyang wheelchair. "Hooh!" Hindi ko maiwasan na sambit ko. Mauubos ang lakas ko sa amo ko na ito. Piniga ko ang aking suot na damit para hindi tumulo sa sahig. Pagkatapos ay inilabas ko na siya sa kwarto at hindi ko maiwasan ang manginig dahil sobrang lamig ng kwarto niya. "Go change." "Ipahiga ko lang po kayo sa kama ninyo Sir." Sabi at pagkatabi ko sa wheelchair sa kanyang kama ay nagulat ako dahil siya na mismo ang lumundo sa kanyang kama. Kaya naman niya pala kung gamit niya ang kanyang dalawang kamay. Pinahirapan pa ako ng tudo. Mag rereklamo sana ako pero pinigilan ko nalang ang aking bunga-nga. Mahirap nang masigawan ulit. Patakbo na akong pumunta sa aking kwarto " Bakit basang-basa ka Beka?" Tanong ng aming mayordoma. "Pinaliguan ko po si Sir Mayordoma!" Sigaw ko at napailing siya. Mabilis ang aking kilos na naligo ng mabilisan at ipinusod ang aking buhok. Pagkatapos ay nag bihis na ako at nag jacket pa dahil lalamigin ako sa kwarto ni Sir. Nag okay na ang lahat ay mabilis ako ulit na tumakbo at nalampasan ko ang mga kasama sa bahay. "Malapit ng mag dinner Beka, mga sampong minuto na lang handa na ang mesa." "Opo, mayordoma. Sige lilipad na ako." Sagot ko at nagtawanan sila. Binilisan kong tumakbo at pagdating ko sa kwarto ni Sir ay hingal na hingal ako. Habang siya ay naka relax lang na nanunuod ng tv. "Sir, mag pajama na po ba kayo o mag short ulit?" Tanong ko, lumingon lang siya sa akin at pagkatapos ay ibinalik ang kanyang mga mata sa TV. Kumuha nalang ako ng pantulog niya dahil ang hirap niyang bihisan. Lumapit na ako sa kanya at inalis ko na ang kanyang roba. "Sorry Sir, hindi na ako nagpa-alam na hubaran kayo." Sabi ko dahil nakatitig na naman siya sa akin. Nahalata kong nakailang sorry na ako kay Sir mula ng dumating siya. Pagkatapos ko siyang bihisan ay pinaupo ko na naman siya sa kanyang wheelchair para kumain na. Mabuti nalang at dito sa baba ang kwarto ni Sir dahil kung sa pangalawang palapag ay hindi ko na alam kung paano ko siya iakyat at ibaba. Dinala ko na siya sa kusina at dalawa nalang ang tao. Angmayordoma at ang isang nag huhugas ng pinggan. Ang daming ulam, kaya niya kayang ubusin lahat ng mga ito. "Sir, aalis po ba ako o dito lang sa tabi mo?" Mahinang tanong ko sa kanya. "What is your job?" Pabalik na tanong niya. "Oo nga po pala." Sagot ko na umupo sa kanyang tabi. Siya na mismo ang pumili ng kanyang kakainin, lahat kami ay tahimik habang siya ay kumakain. Paminsan-minsan ay may inaabot ako at pinaghimay ko din siya ng isda. Ang sarap ng buhay ni Sir pero alam ko na masungit lang siya dahil hindi siya nakakalakad. Nang kumakain na siya ng prutas ay hindi ko na naman mapigilan ang aking mga mata na pumikit. Kahit ilang beses kong kinurot ang aking hita ay inaatok na talaga ako. "Hmmm" Sambit ko at nakatulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD