Beka's POV
Parang naamoy ko ang masasarap na pagkain kaya ako ay napa lunok ng sunod-sunod.
"Beka, hoy gising na!" Dinig ko na parang may nagtatawanan. Pagmulat ko ay ang mga kasambahay sa Mansion na tumatawang kumain.
Inayos ko ang aking pag-upo at kinabahan dahil wala na si Sir sa tabi ko.
"Si Sir?"
"Nasa sala, hay naku Beka antukin ka pala. Kahit minumura ka na ni Sir ay ang sarap parin ng tulog mo. Kumain ka na at isang oras nang nag hihintay saiyo si Sir."
Mabilis akong kumain, hindi ko na ninamnam pa ang pagkain isinusubo ko. Deretsong lunok nalang at muntik pa akong mabulunan ng tinawag na niya ako. Agad akong tumayo at hindi na ako uminom ng tubig. Kita ko sa mga mata ng mayordoma na awang-awa siya sa akin. Ang mga ibang kasambahay naman ay parang wala lang sa kanila.
"Kung magutom ka mamaya ay may pagkain akong ititira saiyo." Bulong ng mayordoma sa akin. Nagpasalamat ako at mabilis nang tumakbo papunta sa sala.
"Sir." Tawag ko at hindi siya tumingin sa akin.
"What the f*ck you waiting for, ipasok mo na ako sa kwarto ko. Kanina pa ako nag hihintay sa iyo!" Galit na sigaw niya, naiiyak akong pumunta sa kanyang likuran at tahimik na itinulak siya. Ang gwapo nga niya pero ang sama naman ng ugali.
Pumasok na kami sa kanyang kwarto at siya na mismo ang lumundo sa kanyang kama.
"Massage my legs." Seryosong sabi niya, hindi ako marunong magmasahe pero lumundo parin ako sa kama para masahiin ang kanyang mga paa.
Ipinatong ko ang kanyang paa sa aking hita at sinimulan na masahiin habang siya ay nanunuod ng tv. Nang inabot ko ang kanyang hita at nanlaki ang aking mga mata dahil ang paa niya ay nasa dede ko na.
"I don't feel anything so it doesn't matter." Sabi niya lang habang ang d*nggot ko naman ay naninigas na.
Tumahimik nalang ako at pinagpatuloy ang pagmamasahe sa kanya hanggang sa nakatulog na siya. Dahan-dahan akong umalis sa kama at gumawa ng stretching dahil nangawit ang aking likuran kasama na ang aking batok.
Kinumutan ko na siya at pinatay na rin ang television. Pagkatapos ay napatingin ako sa orasan alas nwebe na pala ng gabi. Lumabas na muna ako at pagdating ko sa kusina ay nadatnan ko pa ang mayordoma.
"Tulog na ba si Sir?"
"Opo Mayordoma." Sagot ko na napahilot sa aking batok.
"Marami pang natira na pagkain, Lola Rosing nalang ang itawag mo sa akin Beka."
"Sige nga po Lola, nabitin ako kanina eh." Sagot ko na kumuha ng pagkain sa refrigerator. Tinuruan niya ako kung paano gamitin ang microwave pagkatapos ay umupo na ako at kumain na.
"Kumusta ang unang araw mo na alagaan si Sir Jace?"
"Mahirap po, kung hindi ko lang kailangan ng pera ay umuwi na ako kanina pa. Hobby niya po niya ata ang manigaw."
"Pagpasensiyahan mo nalang siya Beka. Ganun na talaga ang ugali niya na mas lumalala pa ng isa na siyang lumpo. Siya nga pala bakit ang bilis mong nakatulog?"
"Eh,ganito na po talaga ako Lola noon pa."
"Kaya naman pala ayaw ng nanay mo na mag stay in dahil saiyo, abay dapat ka niyang bantayan dahil ang ganda mo na bata."
"Salamat po Lola, siya nga po pala sabi ni Sir sa kwarto niya ako matutulog pero sa upuan po doon."
"Bakit daw?"
"Baka daw po iihi siya." Sagot ko at napahinga nalang siya ng malalim.
"O sige na, ako na ang bahala dito. Kunin mo na ang kumot at unan mo sa inyong kwarto. Huwag mong kalimutan na magdala ng damit mo."
"Nakakahiya naman po, hugasan ko lang ang plato ko."
"Ako na Beka para maka tulog ka ng maaga paano kung ilang beses ka niyang gisingin?"
Nagpasalamat ako kay Lola at patakbo ng pumunta sa kwarto namin. Pagpasok ko ay nanunuod pa ang mga kasama ko. Tahimik kong kinuha ang aking ilang damit at ang aking kumot at unan.
"Hoy Beka saan ka matutulog?"
"Sa kwarto daw ni Sir."
"Hindi ba impotent si Sir?"
"Huh! sa sofa ako matutulog."
"Ah ganun ba, akala ko katabi mo siya. Gwapo si Sir pero ang sungit."
"Oo nga eh, pero ito ang trabaho ko eh. Sige aalis na ako."
Lumabas na ako sa kwarto, wala na si Lolo Rosing sa kusina at patay na rin ang ilaw. Sa edad niya ay dapat nagpapahinga nalang siya.
Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, mahimbing pa ang tulog ni Sir. Inilagay ko na ang mga gamit ko sa upuan at umupo na muna. Kinuha ko ang aking diary at isinulat ko lahat ng nangyari sa akin. Pati sama ng loob ko ay isinulat ko din. Pagkatapos ay isiniksik ko na ang aking diary sa loob ng punda ng aking unan. Pagkatapos ay humiga na ako at nagkumot agad dahil ang lamig ng kwarto ni Sir.
"Hey, I want to use the toilet." Dinig ko na sabi niya kaya mabilis akong tumayo at pinuntahan siya.
Inilapit ko ang kanyang wheelchair at inalalayan ko siyang umupo pagakatapos ay agad ko nang itinulak ang wheelchair niya.
Pagpasok namin ay inutusan niya akong sipilyuhin ko na muna siya. Naalala ko hindi pa pala ako nagsipilyo.
"Sir, may extra ba kayong sipilyo?" Mahinang tanong ko dahil hindi ko nadala ang sipilyo ko sa bahay.
"Check it if there's an extra." Sabi niya, nakahinga ako ng maluwag dahil parang bumait ang boses niya. Okay pala kung naka tulog ang amo ko bumabait ang boses.
Tinulungan ko na muna siyang umihi at napangiwi ako dahil ako talaga ang humawak sa pagong niya na bahagyang lumaki. Malaki pala ang ulo ng tt ni Sir at ang pula pa."
"Hey I am done!" Medyo napalakas na sambit niya kaya nataranta akong itinaas nag brief niya habang naka upo.
"F*ck clean it first!"
"Po, mababasa po kayo." Sabi ko na kinuha ang hose.
"Just get a tissue and wipe it down."
"Ah opo Sir." Sabi ko na ibinababa ulit ang brief niya. Kumuha ako ng tissue at padampi-dampi na pinunasan ang ulo ng kanyang tt na parang ulo ni Kokey.
Pagkatapos ay itinaas ko na ang kanyang brief at tinulungan ko din na maiangat niya ang kanyang pang-upo tas sumunod ang kanyang pajama.
Naghugas na ako ng aking kamay at inihatid ko na muna siya sa kanyang kama. Pagkahiga niya ay sinabi niyang sa kama niya daw ako matutulog.
"Po, bakit po Sir?"
"Para hindi ko na kailangan ang sumigaw dahil parang baboy kang matulog baka maiihi ako mamaya."
"Pero Sir, hindi po maganda na magkatabi tayo."
"If you are thinking that I will touch you that will not going to happen. Baka ikaw pa ang mang molestiya sa akin."
"Ay hindi naman po ako manyak Sir." Agad na sagot ko. Wala na akong nagawa pa kundi kunin ang aking unan at kumot. Ang pwesto ay sa tabi ng pader. "Sige sir mag hanap lang po ako ng toothbrush." Paalam ko at pumunta na sa banyo.
Binuksan ko ang isang malaking kabinet at nakita kong marami siyang extra na toothbrush. Sa dami ay pwede nang pang sari-sari store. Kumuha ako ng isa pero ang problema ay iisang kulay lang.
"Bahala na." Sambit ko at binuksan na ito at nagsipilyo na rin. Nang tapos na ako ay inilagay ko sa baso ang ginamit ko na sipilyo malayo sa sipilyo ni Sir para hindi kami magkapalit.
Lumabas na ako at nadatnan kong gising pa siya. Dahan-dahan akong lumundo sa kama at humiga malayo sa kanya. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na pinatay na niya ang ilaw malapit sa tabi niya.
Tahimik ang kwarto at sobrang dilim. Kinuha ko ang aking unan at niyakap ito. Iisang unan kasi ang mayroon ako. Ipinikit ko na ang aking mga mata at mabilis na nakatulog. "Hmmm" Mahinang ungol ko dahil ang sarap yumakap ang unan.