Chapter 6

1006 Words
Beka's pov Halos ayokong nang bumangon dahil sa lambot ng kama at masarap sa balat ang kunot. Pero nasaan ang mga manok ng mga kapitbahay namin na laging nanggigising sa akin. Natigilan ako at napamulat sa aking mga mata. "Are you up?" Tanong niya na sobrang lapit ng kanyang mukha. Naka unan na ako sa kanyang unan at nakayakap pa sa kanya. "Nako po Sorry Sir." Agad na sambit ko at lumayo sa kanya. "Kanina pa kita ginigising naiihi na ako." Sabi niya pero hindi na pasigaw. Mabilis akong bumaba sa kama at inalalayan siyang umupo sa kanyang wheelchair. Pagkatapos ay itinulak ko na ang wheelchair papunta sa banyo. Gaya ng dati ay ako parin ang humawak kay Kokey. "I want to take a shower." Sabi niya pagkatapos niyang umihi. Diyos ko. nilalamig pa ako at hindi pa ako handang mabasa. "Sir, pwede bang magkape muna tayo bago maligo para mainitan ang sikmura ko. Hindi sanay ako sanay na maligo agad pagka gising." "I want to take a shower." ang sagot niya kaya wala na akong nagawa pa. "On the heater here, press that button." Sabay turo niya sa puting bilog. Basta ko nalang pindot ang kanyang itinuro pagkatapos ay hinubaran ko na siya. Ilang saglit lang ay ramdam ko na umiinit ang banyo. May heater pala bakit hindi niya sinabi kahapon. "Sir, sana naman sinabi ninyo kahapon nilamig po ako." Hindi ko naiwasan na sambit ko. "Nagtanong ka ba?" Masungit na tanong niya. "Hindi ko naman alam ang heater wala yan sa bahay namin." "So kasalanan ko na nilamig ka?" "Ah eh hindi naman Sir, kasalanan ko." Binuksan ko na muna ang shower at nang okay na ang timpla ng tubig ay pinasok ko na si Sir. Basa na naman ako at habang pinapaliguan ko siya. Gaya ng dati ay ginawa ko lahat dahil tahimik lang siya na nakatingin sa akin. Parang niilang na ako sa titig niya. "Sir, huwag mo akong titigan naiilang ako." "Lumpo na nga ako gusto mo pa akong maging bulag." Masungit na sagot niya. "Hindi naman sa ganun sir." Sabi ko na hinawi ang kanyang mga itlog para masabunan habang si Kokey ay parang nasasakal. "Bakit hindi ka nalang maghubad? nakikita ko din naman ang mga dibdib mo." Nagulat ako sa kanyang sinabi at nang mapatingin ako sa dibdib ko ay nakikita na nga niya ang mga ito dahil luma na ang neckline ng aking pantulog na t-shirt. Mabilis kong inayos "Ayoko nga sir." Sagot ko na napasimangot na. "Ni hindi nga ako nalilibugan sa maliit mong dede." "Grabe ka naman Sir, bata pa ako Syempre hindi pa yan developed.,Ikaw nga matanda ka na ang tt mo parang 3 inches lang si Kokey lang ang mataba." Inis nang sagot ko dahil minaliit niya ang dede ko. "F*ck my d*ck is not awake." Pamurang sagot niya. "Who the f*ck is Kokey?" Napayuko nalang ako dahil ang dami na naman niyang mura. Hindi ko na siya sinagot pa dahil parang galit na. Nauna naman siyang nagmaliit ng dede eh di minaliit ko din ang tt niya. Mabilis ko siyang binihisan at pagkatapos ay dinala ko na sa kusina habang basang-basa ako. "Sir, pwede bang maligo na rin ako malamig kasi dito." Mahinang paalam ko. "No." Masungit na sagot niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na nabahing at kumalat ang aking laway sa kanyang plato. "F*ck!" Malakas niyang mura. "Palitan ko nalang Sir." Sabat ni Lola Rosing na halatang awang-awa sa akin. "Go." Inis na sabi niya at patakbo na akong pumunta sa kwarto namin. Mabilis lang akong naligo, hindi ko na binasa ulit ang aking buhok dahil matatagalan lang ako. Nang tapos na ako ay mabilis akong pumunta sa kusina, kumakain parin si Sir. Tumabi na ako sa kanya "Sir pwede po bang mag timpla ako ng aking kape?" "No." Masungit na sagot niya. "Sorry na po Sir kung nasabi ko na maliit ang tt mo." Mahinang pagkasabi ko para hindi marinig ng iba. "My d*ck is 10 inches if awake." "Wow talaga Sir ang laki naman nun." Sambit ko kahit wala naman akong pakialam kahit pa bente pulgada ang tt niya. Ano naman ngayon sa akin. "Go make your coffee." Sabi na niya kaya mabilis akong nagtimpla ng aking kape at tumabi ulit sa kanya. "Eat now, lalabas tayo pagkatapos kong kumain." Sa sinabi niya ay wala na akong patumpik-tumpik pa. Naglagay na ako ng pagkain sa plato ko at mabilis na kumain. Busog na busog tuloy ako nang papalabas na kami sa mansion. "Saan tayo pupunta Sir?" "Libutin ang bahay." Napahinga nalang ako ng malalim dahil mapapagod pala akong maglakad. Itinulak ko na ang kanyang wheelchair at maraming kaming nalampasan na nag tratrabaho na bumati sa kanya. Ni isa ay wala siyang binati pabalik. Nakarating kami sa mga tanim nila na rambutan at nakatam ako. "Sir, pwedeng kumain ng Rambutan?" Paalam ko at tumango siya. Mababa lang ito kaya ang dami kong nakuha. Umupo na ako sa tabi ni Sir at nag-umpisa nang kumain. "Hmmm ang tamis." Masayang sambit ko at pagtingin ko sa kanya ay masama ang tingin sa akin. "Really, mas inuna mong pakainin ang sarili mo kaysa sa akin?" "Sir, hindi ko naman alam na gusto mo. Eh di sana sinabi ninyo." balik na sagot ko. "F*ck!" Mura niya ulit kaya agad ko siyang pinagbalatan ng rambutan. "No need saiyo nalang." Sagot niya na parang batang nag tatampo. "Sige na Sir, masarap o kagatin mo." Sabay lagay ko sa kanyang labi at kinagat naman niya ito. Mukhang nasarapan din si Sir dahil ako na lang ang taga balat, ang bilis niyang kumain at hindi na ako naka subo pa. "F*ck don't move." Biglang sambit niya. "Bakit Sir?" "There's a snake." Ani niya at napatingin ako kung saan siya nakatingin. May malaking ahas nga at busog na busog. "Sir." kinakabahan na sambit ko at parang mahihimatay na ako sa takot ng dumaan mismo ang ahas sa mga paa ko. Sa takot ko ay kumandog ako kay Sir at wala na akong pakialam pa kung magalit siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD