Beka's POV Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami at kasama pa namin si Ate Virginia. Napangiti ako dahil parang kapatid lang ako ng Ate Bing. Siya ang driver at nasa tabi naman niya ako na normal na kinakausap lang. Paminsan-minsan ay sumasabat din si Ate Virginia. Nanlaki ang aking mga mata sa nakikita ko sa labas. Ang tataas na building at ang gaganda pa. "Ang ganda ano Beka, ganyan din ako noon pero nang tumagal na dito sa Manila ay hinahanap ko na ang probinsya namin." "Nandito din sa manila nagtratrabaho ang kaibigan ko kaya lang hindi ko alam kung nasaan siya. Pareho naman kami na walang celphone, hinihintay ko lang ang sulat niya sa bahay." "Malawak ang syudad, pero kung malaman mo ang Address ay sasamahan kita." Sabi ni Ate na nakangiti pa. Swerte ko dahil ang bait ni A

