Beka's point of view Pagdating ko sa bahay namin ay hindi ko maiwasan ang mapasimangot " Tuluyan na sanang malubog si Kokey para hindi sila maging masaya!" Inis na sambit ko. "Yang mukha mo anak, hindi ba good news?" Tanong ni Inay na lumapit sa akin. "Pipty-pipty Inay." "Anong pipty-pipty?" "Mamayang hapon na daw kami pupunta sa Manila, hindi ba kailangan ko ang mga gamit ko? pumunta ako sa mansion ng mga Del Mar. Ayun nakita kong nakakandong ang ex ni Sir Jace." "Hay naku anak, yung binigay mo hindi ko pa na susuot kunin mo nalang at kung damit lang ay marami tayo niyan mga luma nga lang." "Inay paano yung Diary ko?" "Huwag kang mag-alala ako na ang kakausap kay Mayordoma." "Pero Inay huwag mong babasahin, diary ko iyon." Sabi ko na sa mata ko tinignan. "Oo naman anak, ako pa.

