Antonia's POv Natigilan ako ng sinabi ni Brandon na nagselos siya kay kapitan, aba sa narinig ko ay mas mabuting araw-araw nang pumunta dito si Kapitan para magselos si Brandon. Pinigilan ko ang aking ngiti dahil naging seryoso ang kanyang mukha pagkatapos niyang sabihin na nagselos siya kay Kapitan. "Sino Siya?" Tanong ni Itay. "Brandon po, buntis na po si Antonia at magpapakasal na kami." Agad na sabi niya, ang tatay ko ay napatanga at nagulat. "Ate, may kasalan ng bayan bukas doon nalang kayo ikasal mas tipid pa." Sabat ng aking kapatid. "No, gusto kong engrande." Sagot ni Brandon. "Doon nalang tayo sa kasalan ng bayan masaya yun." Napatingin sa akin si Brandon at wala siyang nagawa. "Ang laki mong tao ah, anong trabaho mo?" Tanong ni Itay na tinignan muna ulo hanggang paa si Paa

