Jace's POV Naging simple man ang kasal namin ni Beka pero masaya parin ako dahil asawa ko na talaga siya. Agad kong pinaumpisahan ang kanyang clinic sa tabi lang ng mansion. Sinabi ko na sa bayan pero ayaw niya. Kung halimbawa daw na may baby na kami ay gusto parin niyang nasa tabi niya ang mga anak namin. Ngayon nagsimula ulit siyang mag-aral ng medicina pero online ito at kung may mga practical exam ay sa Medical school gagawin. Lumipas ang isang buwan ay nakakalakad na rin ako pero hindi padin pwede na tumakbo ako ng mabilis dahil pagagalitan ako ng aking asawa. "Mahal, tulong!" Dinig niya na sigaw niya sa banyo kaya mabilis akong tumakbo. Nadatnan ko siyang naka upo sa sahig. "Love bakit?" "Nahihilo ako." Sagot niya kaya mabilis ko siyang dinaluhan. Tumawag na din ako ng ambulan

