Minsan ko na ring nabistahan na parang namomroblema si Sato. Naiintindihan ko kung bakit niya pinipilit ito. Sigurado, gusto lang na tanggapin siya ng mga bata o kaya'y kahit bigyan lang ng pagkakataon na makabonding ang mga 'to at mas makilala siya. Ganoon ba ang galit sa'kin ng Mama niya para kahit sa mga apo na lang ay pagbigyan ang mga 'to? Hindi salat sa pagmamahal ang mga bata, binibigay ko lahat... lahat ng pwedeng suporta at pagmamahal. Ganoon din si Nanay, but they're still young and I'm sure they won't get satisfied at anything. Habang tumatagal mas tumataas ang intensyon na mahanap iyong satisfaction na nauuwi rin sa pagkalimot at maghahanap uli ng panibago. "Kakausapin ko si Luna, ipapasama ko sina Mama dito." Pilit nito habang nakasakay kami sa sasakyan nito. Hinaplos ko an

