Elaine Maaga akong nagising dahil ngayong araw gaganapin ang competition na gaganapin sa St. Montesseri Gym. Kasalukuyan akong kumakain ng umagahan na niluto ni Blaire habang kasabay ko si Louis na abala sa pagbabasa ng diyaryo. Wala ni isa sa aming dalawa ang gustong basagin ang katahimikan. Sabagay, ginagawa lang naman namin ang pagpapanggap na ito dahil malapit na ang kasal namin kaya kailangang makumbinsi namin ang mga tao na masaya kami sa isa’t isa. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya nabaling ang tingin sa akin ni Louis. Noah is calling… Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tawag dahil alam ko namang magagalit siya oras na marinig niyang kausap ko si Noah, pero baka importante ito kaya wala akong nagawa kundi pindutin na lamang ang

