Elaine's Point of View Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin habang hawak-hawak ni Kaizer ang kamay ko. Patungo na kami sa loob ng kanyang dalang sasakyan na nakaparada malapit sa gate nina Noah. “May ginawa ba sa 'yo ang mokong na 'yon? Sabihin mo lang habang narito pa tayo dahil babanatan ko talaga siya kahit nasa loob pa siya ng mansion na 'yan,” nag-aalalang wika ni Kaizer habang tinitingnan ang mga braso ko upang masigurado na wala akong anumang sugat o galos. Nang masigurado niyang wala ay nakahinga siya nang maluwag. “Huwag kang mag-aalala, kaibigan ko si Noah at mabuti siyang tao,” sambit ko at pilit na ngumiti sa kanya. “T...t-ungkol pala sa sinabi mo,” dugtong ko nang tumingin ako sa labas ng bintana para hindi niya makita ang namumulang pisngi ko. “Totoo ang sinabi

