Third Person Ilang oras na simula nang magmukmok si Elaine sa silid nang iwan siya roon ni Louis nang mag-isa. Hindi niya lubos maisip kung ano ba ang nagawa niyang mali upang hindi suklian ng binata ang kaniyang nararamdaman para dito. Walang tigil ang pagbagsak ng mga luha ni Elaine habang sinusubukan niyang hanapin ang pangalan ni Venice sa contact list niya para makapaglabas ng hinaing mula sa sinabi sa kaniya ni Louis. Buong akala talaga noon ni Elaine ay kay Kaizer lamang siya mahuhulog, kaya inihanda niya ang sarili na masaktan dahil sigurado siyang hanggang kaibigan lamang siya nito kung ituring, ngunit mas malala pa pala ang mararanasan niya kay Louis. Gusto niyang magtungo sa isang lugar kung saan mare-relax muna ang isip niya kahit ngayong gabi lang. “Hello, Ela, napatawag

