Third Person Nanatili ang ilang saglit na katamikan sa pagitan nina Kaizer at Elaine, walang gusto na maunang magsalita sa kanila dahil kapwa silang kinakabahan sa kung ano ang iisipin ng isa’t isa. Hanggang sa hindi na nakayanan ng binata ang katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa, kaya bumuntonghininga siya upang makuha ang atensyon ni Elaine. “Come on, Ely, we shouldn’t waste our time here. I will bring you home, baka nag-aalala na sa ’yo si Louis,” usal ni Kaizer dahilan upang mas lalong makaramdam si Elaine ng kalungkutan sa nasaksihan niya. Napakamot na lamang ng ulo si Elaine dahil ayaw niyang sumama kay Kaizer. Ayaw niya kasing umuwi kaagad lalo na’t nakita niya si Louis na may kasamang ibang babae. “A-Ano kasi,” nauutal na sambit ni Elaine. Gusto niyang ipaliwanag kun

