CHAPTER 16

1277 Words
Drake Pov's Konting araw na lang malapit na ang kasal nila papa at ni ann, hindi ko alam kung paano ako magpapakita doon ng maayos. Lumipas na ang ilang mga buwan pero hindi ko pa din siya nakakalimutan. This past few days, weeks and months sobrang ginugol ko ang sarili ko sa trabaho. Nagpakalunod ako para makalimutan ang lahat pero hindi pala ganun kadali iyon. "Pare ang dami mo atang iniisip, kinakabahan ka ba sa araw ng kasal nila tita ann at ni tito?" Kalabit sa akin ni paulo. "Oo eh hindi ko nga alam paano magiging maayos yung pagbabalik ko. Yung tipong wala ng magiging bakas ng nakaraan namin." Saad ko sa kanya "Ganito na lang may suggestion ako eh bakit ayaw mo kayang maghanap ng girlfriend for hire. That day lang naman or hanggang sa tuluyan kang maka-move on. Hindi na biro iyan pare ilang buwan na ang lumipas." Saan naman ako maghahanap ng girlfriend for hire. May mga ganung babae ba talaga na kayang makipagsapalaran dahil sa pera. Napabuntong hininga na lang ako sa mga sinabi ni paulo. Pinag-iisipan ko lahat ng mga gagawin ko pagdating ng araw ng kasal nila. "Sige susubukan kong maghanap baka sakaling makatulong yung suggestion mo." Agad kong sambit sa kanya. "Ano ka ba pare i got you, may kilala ako." "Ikaw talaga hindi ka pa rin nagbabago, pag iyan nalaman ni lei." "Baliw hindi naman to para sa akin para sa'yo ito, anyways naging customer ako nito noon. Kung naaalala mo kung saan kayo unang nag-meet up ni ann nung kasama pa natin sila rio doon din siya nagtatrabaho. Trixie ang pangalan nun." Wika ni paulo. "Trixie? Trixie ano? Sure ka ba diyan baka palpak iyan ah?" "Anong tingin mo sa akin pumipili ng mga babaeng palpak, trixie hernandez iyan ang buong pangalan. Tsaka matic pasok sa standard mo iyon. Hindi mapagkakamalang hindi totoo mong girlfriend. Oh eto number niya i-text mo na lang tapos sabihin mo kaibigan mo ako mabilis niya akong makikilala." Paliwanag ni paulo sabay abot sa number ni trixie. Nagpaalam na muna si paolo upang umalis dahil magkikita pa daw sila ni lei. I try to contact trixie number and yes sumagot naman ito. Alam kong mali ang gagawin ko pero ito na siguro ang sagot para tuluyang makalimot ako and besides bayad naman lahat ng transaction na gagawin namin ni trixie. Hindi lang ako ang makikinabang siya din. (Phone Call) "Hello?" "Yes hello who is this? where did you get my number?" Malamig na tinig sa kabilang linya. "Yes is this miss trixie hernandez?" "Yes and who are you? Bakit ka napatawag ano pong kailangan nila?" "Kaibigan ako ni paolo binigay niya ang number mo sa akin, may iaalok sana akong business sayo. Fix ang bayad." Saad ko dito. "Ah paulo, i see. Okay sige magme-meet up ba tayo or ako na lang ang pupunta sa place mo?" Agaran niyang tanong sa akin. --------- Nag-meet up kami ni trixie sa isang coffee shop pasadong 8:00 in the morning. Mas gusto kong makipag-usap ng umaga para maayos ang lahat kasi pag gabi na nandun na naman ang pagod. Baka wala ring mapuntahan ang pag-uusap namin kung ganun. Bumukas na ang pinto ng coffee shop at nakita kong pumasok ang isang babae, balingkinitan ang katawan, maputi, matangkad at higit sa lahat malakas ang appeal. Agad naman itong lumapit sa akin at napagtanto ko na siya na nga si trixie. "Hi are you drake?" "Yes and you are trixie right?" Agad naman siyang tumango at naupo na sa kanyang upuan. Hindi na ako nagpa ligoy-ligoy pa at sinabi na sa kanya ang kailangan ko. Mabilis kausap si trixie at maayos nakakaintindi siya sa mga sitwasyon na sinasabi ko. "Yun lang pala eh sure sige payag ako." Nakangiting sambit niya sa akin "Salamat ah." "Wala iyon kaibigan ka naman ng customer ko before na si paolo, so kailan ang start?" "Hindi ko nga alam paano tayo mag-uumpisa kasi ngayon ko lang talaga ito gagawin." Nahihiya kong sambit sa kanya. "Alam ko, hindi ka kagaya ni paulo na hayok sa babae. Sige ako ng bahala siguro let's start sa pagkakakilala. Syempre kailangan kong alamin ang mga gusto mo at kailangan mong alamin ang mga gusto ko. Hindi naman pwedeng haharap tayo doon sa pamilya mo na wala tayong alam sa isa't isa, ay pagka ganun talagang mahuhuli ka agad." Paliwanag nito sa akin. Maliban sa mabilis siyang kausap at maayos magaling din siyang mag-isip. Parang lagi siyang sanay magplano parang nagawa niya na ito before. Inumpisahan na namin ni trixie ang kilalanin ang isa't isa dumaan ang mga araw na lagi kaming magkatext. Madalas na din kaming lumalabas. Aminado akong masayang kasama sa trixie, pero against ako sa trabaho niya. Bayarang babae si trixie, pero never kong kinwestyon ito. Ayokong makialam kasi hindi ko naman alam yung pinagdadaanan niya. (Text message) "Hi Drake nasaan ka?" "Nasa bahay lang ako bakit?" "Can i come, kailangan ko lang ng kausap may konting problema lang." "Sure, magsabi ka na lang kapag nandiyan ka na." -------- Nagkamabutihan kami ni trixie bilang magkaibigan, sa tuwing may problema siya lumalapit siya sa akin ganun din ako sa kanya. Pasado 9:00pm na ng inaantay ko si trixie na makarating dito sa bahay. Sanay na sanay na talaga siyang bumyahe ng gabi na sa tingin ko sobrang delikado dahil babae siya. Ilang minuto pa lang ay nakarating na si trixie, mukha siyang binagsakan ng langit at lupa sa kanyang itsura. Parang nalugi sa negosyo parang nanakawan. "Pasok ka, okay ka lang ba anong nangyari sa'yo?" Agadan kong tanong sa kanya. Bigla naman akong niyakap ni trixie at narinig ko ang kanyang paghikbi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero naaawa ako sa kanya, naramdam kong hindi niya gusto ang sitwasyon na ito pero napipilitan siya. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Nang tumahan na si trixie agad ko siyang niyaya sa loob at pinainom ko muna ng tubig para mahimasmasan. "Pasensya ka na drake, kailangan ko lang talaga ng masasandalan ngayon sobrang bigat na kasi ng dinadala ko." Saad nito sa akin. "Ano ka ba wala iyon. Ano ba kasing nangyari bakit parang ang laki ng problema mo?" Tanong ko sa kanya. "Si papa kasi, tuluyan na kaming iniwan. Ayon sumama sa ibang babae hindi na daw kaya ang buhay, kaya ayun naghanap ng mas mayaman kaysa kay nanay, akalain mo iyon akala ko talaga dati, babae lang ang gumagawa noon pero hindi pala. Kaya alam mo kung bakit naging ganito yung trabaho ko gusto kong itawid si mama sa ganitong buhay. Ako ang nagsasakripisyo para sa amin tapos yung magaling kong ama walang ginawa kundi pambababae." Mangiyak ngiyak nitong kwento. Habang nagkukwento sa akin si trixie ay bigla kong naalala si mama, mayaman naman si papa pero bakit kaya siya nawala ano kayang dahilan niya. kaya siguro magaan ang loob ko kay trixie kasi parehas kami ng pinagdadaanan. "Tutulungan kita, kayo. Wag ka ng umiyak diyan, kumain ka na ba? Magluluto ako para naman umaliwalas yung mukha mo." Masayang sambit ko sa kanya. "Salamat drake alam mo ang swerte ng magiging girlfriend mo maalaga ka tsaka mabilis ka ring makaintindi." Malambing nitong tono sa akin. "Maswerte nga sana, kaso yung natitipuhan ko naman kapamilya ko mali, magiging kapamilya ko palang." "Yun nga lang ang problema marami pa namang iba diyan. Makaka-move on ka din tiwala lang. Tsaka kung gusto mo talagang maka-move on kailangan mo ring tulungan yung sarili mo." Tama si trixie hindi ako makaka-move forward kung hindi ko tutulungan ang sarili ko. Ilan na silang tumutulong sa akin pero ito pa din ako nakakulong sa maling pagmamahal, maling alaala, maling babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD