Drake Pov's
Nagdaan ang mga araw na magkasama kami ni trixie. Actually the work that i offer to her is very fun and interesting. Sobrang saya niyang kasama, sobrang kalmado, sobrang mabait pa.
"So ano drake bukas na yung kasal nila handa ka na ba talaga?" Mahinahong tanong sa akin ni trixie.
"Actually hindi pa, pero kailangan kong maging handa." Sagot ko naman sa kanya.
May magagawa pa ba ako, bukas na yung kasal nila, hindi naman mag-a-adjust yung wedding nila para sa akin. So i need to put all of my efforts sa ginagawa namin ni trixie.
"So ano? c'mon shopping na tayo." Yaya ko kay trixie.
"Yes ready na din ako let's go."
Nagpunta muna kami ng mall ni trixie upang mamili ng mga susuotin at nang ireregalo sa kasal nila. Hindi naman pwedeng pumunta kami doon ng wala kaming dala or hindi kami handa. We spend our time sa mall, halos maikot na namin yung buong lugar. Kumain kami and nilibre ko na din si trixie ng sine.
Habang naglalakad-lakad kami sa mall ay nakasalubong namin si paulo at si lei. Halatang nagulat si lei nang makita ako na may kasamang iba.
"Uy drake, aba nagde-date na rin kayo ah akala ko ba." Pagbibiro ni paulo
Agad ko siyang tinabig dahil halatang nagtataka na si lei. Hindi naman niya pwedeng malaman na planado lang ang lahat malamang malalaman ito ng ate niya. Agad naman kaming nagkatitigan ni paolo at nakita ko namang na gets niya ang pinupunto ko.
"Ah oo si trixie nga pala." Agaran kong sabi sa kanila.
"Trixie si lei nga pala, lei si trixie nga pala. Girlfriend ni drake." Ika ni paulo.
"May girlfriend ka na pala, nakakagulat ha. Ang tagal mong nawala sa bahay." Sambit naman ni lei.
Nagkakilala si lei at si trixie magaling din naman makisama ang kapatid ni ann, kaya hindi kami nagkaproblema doon ni paulo at ni trixie. Konting pag-uusap at coffee ang ginawa naming apat after namin gawin iyon ay sabay na rin kaming nagpaalam sa isa't isa.
Nag-drive na ako pauwi sa bahay together with trixie, inaya ko na rin siya na sa bahay na siya magpahinga kasi anong oras na rin. Pumayag naman siya doon dahil ayaw niya pang umuwi sa kanila gawa ng nangyari sa pamilya niya.
Doon ko siya pinatulog sa guest room para kumportable siya, hindi naman pwedeng magsama kami sa iisang kwarto kasi biro lang ang lahat ng ginagawa namin. Hindi naman talaga kami, lahat ng to planado.
"Salamat sa pagpapatulog mo sa akin dito ngayon ha, osya magpapahinga na ako drake ikaw din." Wika nito sabay himas sa likod ko.
Tumango lamang ako kay trixie at pinagmasdan na siyang umakyat papuntang guest room. Ang paghaplos niya sa likod ko ay nakapagpaalala sa akin kay ann.
Nilingon pa ako ni trixie sabay ngiti, ngayon ko lang na-realize na maganda din naman pala siya. At hindi na ako magtataka kung bakit wala pa siyang kasintahan dahil mas inuuna niya ngayon ang kanyang ina. Agad na rin akong nagpahinga sa aking kwarto para mapaghandaan na ang babalakin namin bukas.
Kinabukasan
"Ready ka na ba talaga? If Hindi kaya pwede naman tayong umuwi." Pag-aalalang sambit sa akin ni trixie.
"Kaya ko ito. Kakayanin, no choice na din naman trix salamat sa pag-aalala mo." Wika ko sa kanya.
"Ano ka ba hindi ka naman na iba sa akin kaya concern lang din ako sa mararamdaman mo. Alam mo mas mabuti siguro kung after the wedding na lang tayo pumunta baka hindi ka makapag-focus eh." Pagsa-suggest niya sa akin.
Pumayag naman ako sa gusto ni trixie kasi tama naman siya. Baka hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko kapag nakita ko na silang dalawa sa harap ng altar.
Nagmuni-muni muna kami at nagkape ni trixie, at maya-maya pa ay bumyahe na rin kami papunta sa venue. Pagkadating namin sa venue ay wala pang katao-tao, ang nandoon pa lang ay ang host at ang mga nag-aayos ng foods, venue and table.
"Hello sir kayo po ang anak ni sir leo?" tanong sa akin ng assistant doon.
"Yes ako nga, anyways may pakiusap sana ako, diba later is magme-message lahat ng kamag-anak pwede bang ihuli mo ako?" Tanong ko sa kanya.
Agad namang pumayag ang assistant doon dahil wala naman daw itong problema. Pumunta muna ako sa cigarettes area para makapag yosi kailangan kong makahinga kasi unti-unti na akong binabalot ng lungkot at kaba.
Sinundan ako doon ni trixie nagyo-yosi din kasi siya. Ang dami nilang pagkakapareha ni ann kaya hindi ko rin talaga minsan maiwasan na maisip siya.
"Okay ka lang ba, hinga ka muna. After this event inom tayo sagot ko na." Pagpapalakas ng loob niya sa akin.
"Thank you ah kasi hindi mo ako iniwan hanggang dito." Agadang sagot ko sa kanya
"Nga pala trixie, after this anong balak mo saan ka na mag-work?" Tanong ko sa kanya
"Ewan ko. Baka bumalik ako sa dati kong trabaho yun lang naman sa tingin kong mas mabilis akong kumita." Wika niya sabay hithit ng kanyang yosi.
Nag-isip akong mabuti kung ano ang pwede kong maitulong kay trixie. Dahil hindi naman biro ang ginawa niya para sa akin. Naisipan kung alukin sya na maging secretary ko. Pumayag naman siya dito at malaki ang pasasalamat niya sa akin. Hindi naman na iba sa akin sa trixie since nakasama ko sya ng mga ilang weeks.
Dumating na ang oras ng event na silayan ko ng muli si ann at si papa. Sobrang ganda ni ann sa suot niya, bagay din pala sa kanya ang kulay puti. Masaya akong makita ang mga ngiti niya, may konting sakit lang na hindi ako ang dahilan nito kung hindi ang aking papa.
Bakit kasi sa dinami-dami ng pwedeng maging stepmom ko ay ang babaeng natipuhan ko pa. Isa-isa ng bumati ang mga kamag-anak namin galing ibang bansa at ang kapatid ni ann. Dumating na din ang oras na nag-a-announce na ang host para sa huling magme-message at ako iyon.
Nairaos ko naman ang pagme-message sa kanila. Pero parang sasabog ang puso ko ng titigan ako ni ann, alam kong nagulat siya dahil sa pagbabalik ko at sa kasama ko. Isinama ko si trixie habang nagme-message ako kahit hindi naman siya magsasalita. Kailangan ko kasi ng makakapitan kapag nanghina ang tuhod ko at sa tingin ko si trixie iyon.
After kung magbigay ng message para sa bagong kasal ay agad din kaming lumapit sa kanila para mapakilala ko na rin si trixie. Tinapik-tapik pa ako ni trixie para mawala ang kaba na nararamdaman ko.
Nang makalapit na kami kila papa ay agad ko na rin siyang pinakilala agad ko na din silang binati hindi ko na rin masyado pinatagal ang usapan dahil naiilang na talaga ako. Agad na din akong nagpaalam upang ayusin ang mga regalo na dala namin. Nakita ko pa si ann na nagpaalam din upang pumunta sa restroom. Hindi ko alam kung umiiwas ba siya sa akin oh talagang nagulat lang siya sa mga nangyari.
Wala naman talaga tayong magagawa diyan parehas tayong nagmahal sa maling paraan, maling oras, maling panahon. Nagpatuloy lang ang party masaya ang mga naging kaganapan, pinakilala ko na din si trixie sa iba pa naming mga angkan.
Wala talaga sa plano ko na ipakilala siya sa iba naming kamag-anak. Hindi ko din alam dala siguro ng kaba ko kaya nagawa ko ito. Buti na lang at sumabay sa akin si trixie hindi niya ako hinayaang mailang.
Sobrang jolly niya sa harap ng mga kamag-anak namin, napapangiti na lang din ako sa mga ginagawa niya. At nakita ko naman na nagustuhan siya ng mga kamag-anak namin at ni papa. Ngunit ang mukha ni ann hindi na maipinta. Gustuhin ko mang lapitan at kausapin siya hindi pwede dahil alam kong lalamunin lang ako ng pagmamahal na bawal para sa kanya.