Drake Povs
After ng event sa kasal nila papa at ni tita ann, ay agad na rin kaming nagpaalam ni trixie sa kanila. Pumunta kami sa isang bar para ituloy ang plano na panlilibre sa akin ni trixie.
"Oh sagot ko na ito ha mag-relax ka ngayong gabi i-enjoy mo lang." Ngiting sabi sa akin trixie.
"Salamat sa libre ha sana maulit." Pagbibiro ko naman sa kanya.
"Oo naman basta ikaw." Agarang sabi nito.
Nag-order na kami ng maiinom ni trixie, pati pulutan at iba pa. Magandang bar ang napili niyang puntahan dito sa makati. Sobrang solid ng mga pailaw, tugtog, meron pang billiards at mga nagpo-pole dancing. Tuloy-tuloy ang inom namin ni trixie ng magulat ako nung nagsalita ang host or dj ng gabing iyon.
"Good evening everyone so i hope nag-e-enjoy kayo ngayon sa hype ng ating bar, so meron tayong special guest guys siya ang reyna ng pole dancing. Please welcome ang muling nagbabalik ang ating miss pole dancer walang iba kundi si trixie hernandez."
Nagpaalam muna sa akin si trixie upang pumunta doon sa stage. Nagulat ako na may talent din pala siya sa pagsayaw at hindi lang basta't sayaw dahil pole dancing ito. Agad naman akong tumango sa kanya at sumabay sa palakpakan ng mga tao para sa pagsuporta sa gagawin niya. Pinatugtog na ng dj ang music na para lang daw kay trixie. Nagpalakpakan ang mga tao at naghiyawan halatang kilalang-kilala dito si trixie.
Nag-umpisa ng sumayaw si trixie sa stage habang paikot-ikot siya sa pole. Sobrang sexy niyang tingnan at aminado ako malakas din talaga ang charisma niya. Habang sumasayaw siya doon ay napapalunok na lang ako ng alak na iniinom ko. Nakita ko siyang tumingin sa akin habang sumasayaw sadyang kaakit-akit ang mga titig na binigay niya sa akin. Hindi ko alam kung maiilang ba ako o ano.
Okay ang mga sayaw ni trixie ng hanggang sa may lumapit sa kanya sa stage at pinilit siyang yakapin. Napasigaw pa ito dahil sa ginawa ng lalaki. Napatayo ako agad sa kinauupuan ko at agad akong dumiretso sa stage. Ewan ko ba, pero hindi ko talaga ugaling makisawsaw sa ganyang problema pero iba si trixie siguro dahil sa kasama ko siya ngayon kaya kargo ko siya.
"Hi miss, payakap naman o napakaganda at napaka kinis mo." Wika ng isang lalaking lasing na nakadikit na kay trixie.
"Hoy bitawan mo nga siya kapag lasing umuwi na, hindi yung nang mamanyak ka pa." Bulyaw ko dito.
"Eh sira ulo ka pala eh, sino ka ba sa akala mo ha para makialam boyfriend ka ba niya? Ano bang pinagmamalaki mo?" Sigaw naman sa akin ng lasing na lalaki.
"Hindi ko kailangan sagutin ang mga tanong mo. Una sa lahat ng babastos ka ng babae, pangalawa wala kang pakialam sa relasyon namin nyan."
"Anak ng tokwa eh paano hindi babastusin iyan eh, ka bastos bastos naman." Sabi nito habang humahalakhak.
"Halika na miss huwag ka ng pakipot alam ko naman na gusto mo ring makatikim ng.."
Bago pa niya maituloy ang sasabihin niya kay trixie ay hindi ko na napigilan ang mga kamay ko, agad ko siyang nasuntok kaya agad din siyang natumba. Hindi ko alam kung ba't galit na galit ako, dumating na rin ang mga guards at bouncer sa club inawat nila kami at inilabas na ang lalaki.
Inawat na rin ako ni trixie at pinapunta na sa table namin.
"Hoy hindi mo naman kailangan gawin iyon." Wika nito.
"Eh binabastos ka na, hindi naman kita pwedeng pabayaan doon malamang ako ang kasama mo dito kaya kargado kita." Inis na sagot ko sa kanya.
"Salamat sa concern, pero sanay na ako sa ganyan sabi ko naman sayo ito ang trabaho ko kaya hindi na bago sa akin." Mahinahong sagot naman niya sa akin.
"Kahit na, ayoko sa ganun lalo na pag kasama ko yung ginaganun."
Natigilan ako sa pagsasalita ng bigla na lamang dumampi ang labi ni trixie sa aking labi. Sobrang lambot nito halatang alaga, halos hindi ako makagalaw para akong unti-unting nanigas sa kinauupuan ko. Hindi ako agad nakatugon sa halik niya dahil sa pagkabigla. Pero dahan-dahan na rin lumaban ang aking mga labi. Nagpalitan kami ng mga maiinit na halik sa sulok ng bar.
"Yan kumalma ka na, dahil pinag tangol mo ako kanina ayan ang price mo." Malambing na tinig nito.
"P-pasensya kana hindi ko na rin napigilan." Nauutal kong wika.
"Ano ka ba ako naman ang naunang nag-first move kaya wala ka dapat pigilan dahil ginusto ko iyon. Osya uminom na tayo baka hindi mo na ako makalimutan iyan." Tawang bigkas nito sa akin.
Ganito ba talaga lahat ng babaeng makikilala ko sa bar, magkakapare-parehas sila ng ugali para siyang si ann. Hindi ko tuloy maalis sa isipan ko ang una naming pagkikita ni ann.
"Hoy ganun ba kasarap yung halik ko kaya ka na tulala?" Saad nito.
"H-hah? May iniisip lang ako, pasensya na."
"Si ann na naman ba? Huwag ka na masyadong mag-isip. Tsaka may request sana ako?"
"Ano iyon?"
Dahan-dahang lumapit sa akin si trixie at ibinulong ang kanyang mga sasabihin. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang hininga, na minsan ko na ring maramdaman pero kay ann.
"Pwede bang huwag mo munang isipin ngayon si ann? Pwede bang sa akin ka muna mag-focus? At last pwede bang huwag kang mahihiya sa akin?" Mahinang sambit nito sa aking tenga.
Halos magsitayuan ang aking mga balahibo sa kanyang ginawa. Bakit tila nang aakit siya? Ang kaninang malamig na panahon ay biglang nag-init. Ramdam ko ang pamumula ko hindi dahil sa alak kundi dahil sa pagdikit niya sa akin.
"A-aah g-ganon ba? Oo naman wala namang problema doon. Pasensya ka na rin ha kasi kahit magkasama tayo lagi ko siyang nababanggit."
"Okay lang iyon, tsaka ang trabaho ko naman tulungan kang makalimutan siya tama?"
"Oo ganon na nga."
"So kung gusto mong mangyari iyan tulungan mo ako. Let's help each other. I will help you sa way na alam kong makakatulong. Basta magtiwala ka lang sa akin at huwag kang papalag." Malambing na sambit niya sa akin.
Hindi ko alam kung anong gustong mangyari ni trixie pero gusto kong magtiwala sa kanya. Dahil pakiramdam ko makakatulong talaga siya sa tuluyang pagkawala ng nararamdaman ko para kay ann. Wala naman sigurong masama kung mahuhulog ako sa kanya, single siya single ako. Baka ito talaga iyon.
Pinagmamasdan ko si trixie habang nag-iinom kami. Hindi talaga maikakaila ng napakaganda niya, makinis, maputi. Napapaisip tuloy ako kung sinong mas masarap sa kanila ni ann. Napangiti na lang ako sa mga iniisip ko. Bakit tila nagiging kaugali ko na si paulo?
"Can i taste it?" Mahinang tanong ko.
"Gusto mong tikman? Ang alin? The food na nasa lamesa or yung nasa harapan mo?"
Nagulantang ako sa sagot niya. Gusto ko lang naman sanang tikman yung pagkain pero bakit parang iba yung matitikman ko. Ayokong pairalin ang init ng katawan ko baka hindi ko mapigilan. Pero hindi talaga maalis sa isip ko na baka pwede ko rin namang tikman.
"Hindi ka na nakasagot? Okay ka lang ba? sabi ko sayo huwag kang mahihiya, magsabi ka kung anong gusto mo na baka makatulong sa pagmo-move on mo." Pagbasag nito sa katahimikan.
"Ikaw?" Agarang sagot ko.
Hindi ko alam pero baka dahil dala lang ito ng alak. Pero ramdam kong gusto ko talaga at kailangan ko.