DRAKE POV'S
Natulala si tita marcela sa mga sinabi ko. Ang kaninang naka kunot nyang mukha dahil sa kanyang nakita na nakayakap ako kay ann ay biglang nag iba.
"Drake hijo."
"Tita, tyaka na natin pag usapan andyan na si papa."
"T-teka po ano pong pinaguusapan nyo?" takang tanong naman ni Ann.
Hindi ko na sinagot si ann dahil pababa na si papa. Napaka galing ng aking ama sa pagtatago sa nararamdaman nya. Ano pa kayang mga tinatago nya. Bakit ganito ang mga nasa paligid ko? Pakiramdam ko madami akong di alam sa pamamahay na to.
"Oh? Bakit parang namatayan kayo dyan anong nangyari?." pagtatakang tanong papa.
Ngumiti lamang ako kay papa at inaya na munang kumain, samantala sila tita marcela at ann naman ay naiwang nakatingin sa amin.
"Hija, pag pasensyahan mo na ang reaction ko kanina ha. Hindi lang ako sanay na clingy si drake sa ibang babae. Mukhang nakuha mo talaga ang loob ng pamangkin ko. Natutuwa ako at andyan ka para umalalay." saad ni tita marcela.
"Pwede ko ho bang malaman kung anong nangyari?."
"Si drake na mismo ang magsasabi sayo. Sa ngayon asikasuhin nyo nalang ng mabuti muna ang papa nya."
------------
Nag pa alam na sa amin si tita at may mga aasikasuhin pa sya inalalayan na namin sya ni papa palabas. Samantalang si ann naman ay naiwan sa kusina. Pagka alis ni tita marcela ay inaya ko si papa sa aming garden upang kausapin. Kailangan kong ilabas ang nararamdaman ko dahil kung hindi lalo lang bibigat to.
"Ano ba kasing nangyayari sayo anak?" takang tanong ni papa.
"Maupo muna tayo pa."
"May gusto ka bang sabihin sa akin anak? May problema ka ba?."
"Dad, narinig ko ang lahat."
"Ang alin?." pagmamaang maangan ni papa.
Hanggat sa kaya nya talagang itago, itatago nya. Kahit nahihirapan na sya isinasantabi nya. Naisip ko tuloy na napakasama kong anak dahil sa ginagawa namin ni Ann na pagtataksil sa kanya.
"Kayo ho ni tita marcela, narinig ko ang usapan nyo kanina sa taas."
"Pasensya ka anak, h-hindi ko naman gustong itago yun sayo. Pero ginawa ko yun para sa kapakanan mo. Wag mo sanang isipin na hindi ko iniisip ang mararamdaman mo." mangiyak ngiyak na paliwanag ni papa.
Hindi na ako naka sagot at niyakap na lang si papa. Wala ng lumalabas na paliwanag sa utak ko kundi puro lungkot na lang. Pinatahan ako agad ni papa, tila ako bata na hini hele ng isang tatay sa kanlungan nya.
"Ano ka ba wag kang umiyak dyan, para ka namang di binata eh. Tyaka malakas pa ako anak kumalma ka. Halika na sa loob at baka nag aantay na ang tita ann mo duon." pag aaya ni papa
Tumangi muna akong sumama dahil pupuntahan ko si paulo. Pumayag naman si papa at nauna ng pumunta sa loob. Nakita ko namang nakamasid lang sa amin si ann. Agad na akong tumungo sa lugar ni paulo malapit lang ito kaya madalas ako na nasa bahay nya.
"Pau??." sigaw ko sa labas.
Agad namang nag bukas ang pinto at laking gulat ko ng bumungad si Lei na naka twalya lang. Napa takip agad ako ng aking mata samantalang si Lei naman ay tawa ng tawa
"Wag ka na ngang magkunware drake, alam ko namang nakita mo na yung kay ate. Pumasok ka na. Si paulo nag shower lang saglit." pang aasar ni Lei.
"Kelan ka pa nandito?."
"Nung nakaraan lang."
"Nagsasama na kayo??"
"Oo, pwede siguro ata HAHAHAHA." pilyong sagot ni Lei.
Inabutan nya ako ng maiinom na beer. Mukhang naturuan na sya ni paulo ng kung anong ibibigay sa akin kapag andito ako Maya maya pa ay nakalabas na din si paulo.
"Oh drake andito ka pala, inasikaso ka ba ng mabuti ng misis ko?." naka ngising tanong paulo.
Misis amp. Kelan pa nag seryoso ang mokong na to. Pero sana talaga lahat walang problema pag dating sa pagmamahal. Pano naman ako na ang problema ay ang sariling ama.
"Misis amp, tantanan moko."
"So ano ngang problema, alam kong meron."
"Si dad pau, may sakit sa puso. May narinig akong limang bwan pero hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun." malungkot kong saad sabay inom sa beer na hawak ko.
"Chill lang bro, malalagpasan mo din yan lahat. So anong plano mo? About kay dad mo?."
"Hindi kay dad, kay ann." mahinahon kong sagot.
"Kay ate?." singit ni Lei.
Saglitan kaming natahimik lahat. Pati si Lei na kanina ay naglilinis lang napa upo na din sa tabi ni paulo upang makinig. May karapatan naman sya kasi ate nya ang pinag uusapan.
"Balak ko ng tigilan muna ang ginagawa namin ni Ann. Para din naman to sa kanila. Una kay papa ayokong lalong lumala ang nararamdaman nya kapag nalaman nya ang ginagawa namin ng mapapangasawa nya, pangalawa kay ann para hindi na mahati ang pagmamahal nya samin ni papa."
"Kung alam mo lang talaga drake." saad ni Lei.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Lei sapagkat focus ako sa beer at sa pag iisip kay papa.
"So anong balak mo? Dimo na kakausapin si ate ann?." tanong naman ni paulo
"Kinareer mo na talaga ang pagtawag ng ate kay ann noh?."
"Oo tapos pag naging kayo ikaw kuya namin ni Lei HAHAHAHA." pagbibiro ni paulo
Kung magiging kami nga sana. Kaso hindi pwede at mukhang malabo.
"Ano na nga kasing balak mo drake? Baka may maitulong ako."
"Iiwas na ako. Normal na pakikisama na lang as stepson."
"Kaya mo kayang iwasan ang ate ko? Kilala ko si ate drake, pag gusto nya. Gusto nya." madiing sagot ni Lei.
Tama si lei, iba ang kamandag ni ann. Ang hirap nyang iwasan lalo na pag sya na ang kumilos ibang klase syang babae. Pero kailangan kong isipin si papa, hindi ako pwedeng magpa daig dito.
"Lilipat muna ako sa apartment namin."
"E-eh? Anong sasabihin ni tito nyan pag umalis ka?"
"Ewan ko pau, diko na din alam."
"Ganto nalang sabihin na lang natin na nagpapa tulong ako sa isang project mawawala ka like 3 months to 5 months hanggang sa maka move forward ka kay ann. What do you think bro?" pag susuggest ni paulo.
Kaya ba talaga kitang kalimutan kahit lumayo ako? Mawawala kaba talaga sa isip ko.
"Pwede, sige subukan natin. Lei makiki usap sana ako na wag na sanang makadating to sa ate mo. Ayoko din namang mag isip sya." pakiusap ko kay Lei.
Agad naman syang tumango alam ko naman na naiintindihan din ako ni Lei, dahil sa sitwasyon ko at ng ate nya. Alam ko din namang kahit papaano ayaw nyang mapahamak ang ate nya.
Nag asikaso na kami ni paulo ng mga ihahandang papeles na ipapakita kay dad para kung sakaling maghanap sya ng proof is meron kaming hawak.
"So ano drake after 2 days punta na tayo?"
"Tayo? Sasamahan moko?." takang tanong ko
"Malamang alangan namang iwanan kita don, tyaka balita ko si Lei dun na din titira sa inyo eh after wedding nila ate ann at ni tito."
Hindi naman ako nagtaka kasi bakit hindi, mag isa nalang sa buhay si Lei at alam kong dalawa nalang silang nag tutulungan ng ate nya.
"Ganon ba, buti naman para kahit papaano hindi malungkot ang ate mo." saad ko kay Lei.
"Drake maiintindihan mo din ang lahat. At alam ko balang araw sasabihin din sayo ni ate." sagot naman ni Lei.
Kung ano man yung sasabihin sakin ni Ann aantayin ko sa ngayon siguro ang iisipin ko muna ay ang pag kalas ng connection sa kanya at pag alis ng nararamdaman namin sa isat isa. Alam kong mahirap to pero kailangan namin lalo na ako kayanin ang lahat ng to. Dahil kung hindi kawawa kaming lahat.