DRAKE POV'S
Nag simula ng maging busy ang lahat dahil papalapit na ang araw ng kasal ni papa at ni ann. Ako naman patuloy lang sa pag aadjust sa mga pina plano ko. Hindi madali ang mga nangyayari lalo na ang mga mangyayari. Lagi ko na lang iniisip ang kapakanan ni papa at isinasantabi na ang nararamdaman kay ann, tutal hindi naman sigurado ang lahat sa aming dalawa.
"Anak, may problema ba? Ilang araw ka ng matamlay at napapadalas ata ang pag punta mo kay paulo. Hindi ka na masyadong nakakauwi dito sa bahay." takang tanong ni papa.
Paano ko sasabihin na oo merong problema, na tila hindi ko kaya ang balak namin ni paulo na pag alis at pag iwas kay ann. Paano ko sasabihin na hindi ko kaya pero kailangan dahil mas mahalaga si papa.
Bumuntong hininga muna ako tyaka marahang sumagot "Okay lang ako dad, busy lang talaga this past few days." sambit ko.
Ngumiti naman ng bahagya si papa at kinwento ang kanilang balak na venue, foods, theme ng wedding sa akin. Gusto kong maging masaya para sa kanya kasi ngayon ko lang nakita ang excitement sa mukha nya, huli ko itong nasilayan nung andito pa si mama. Asan ka na kaya ma?.
"Anak, mamaya pala aalis ako saglit ha wag ka munang umalis at walang kasama ang tita ann mo dito. May mga bibilhin lang ako isasama ko naman ang bodyguard natin at isang yaya para maka asikaso at maka buhat ng mga bibilhin ko."
Tumango na lamang ako kay papa. Ilang oras na ang lumipas at nag hahanda ng umalis si papa. Nakita ko pa kung paano sya magpa alam kay ann. Kung alam nya lang siguro ang nangyayari sa amin ni ann, mahahalikan nya pa kaya iyon ng ganon? Matatawag nya pa kaya akong anak.
Pag ka alis ni papa ay agad akong tumungo sa aking kwarto, hindi pwedeng maiwan kaming mag kasama ni ann sa iisang lugar ng bahay na ito. Ayokong matukso muli huli na yung mga nangyari sa amin. Ngunit bago pa man ako maka akyat ng hagdan ay agad nyang hinawakan ang braso ko.
"Drake, iniiwasan mo ba ako?" tanong ni ann sabay himas sa braso at hawak sa kamay ko.
Ibang init ang umakyat sa katawan ko sa bawat haplos nito bakit may kasamang ganon. Sa haplos palang nya tila naninindig na ang mga balahibo ko
"Hindi naman. Bat kita iiwasan? Busy lang talaga ako sa mga projects na binubuo namin ni paulo." malamig kong sambit sa kanya.
"Edi kung hindi mo ko iniiwasan, pwede ba akong sumama sa yo sa itaas?"
Ayan na naman ang mga malalambing nyang tinig na tila nanunukso at parang kahit anong gawin ko ay papayag ng agaran ang katawan ko.
"Hindi ann. Gusto kong magpahinga." sabay kalas sa kanyang pagkaka hawak. Binilisan ko ang pag akyat ko ngunit makulit si ann. Tama nga si Lei ibang klase ang kulit nito lalo na pag gusto nya. Ganon nya ba ako ka gusto? Bakit umabot pa sa ganto?
"Drake teka."
"Ann, tita, stepmom! Pwede ba tigilan na natin to. Hindi ko na kaya, mababaliw na ako sa kaka isip." bulyaw ko sa kanya.
Hindi ko na mapigilan kailangan kong gumawa ng aksyon bago pa may mangyari na naman sa amin. Kita ko ang bakas ng pag ka gulat ng kanyang mukha. Alam kong hindi nya lubos maisip na masisigawan ko sya. Ayoko man pero pasensya na kailangan.
"Ano bang problema mo Drake? Okay naman tayo nung nakaraan ah. Dumating lang ang tita marcela mo nagkaka ganyan kana." agadang sagot ni ann na naka kunot na ang mukha.
"Ann hindi mo maiintindihan." sabay lakad patungo sa aking kwarto. Naka sunod lang sya sakin at sumasagot pa din na parang mag asawa kami sa lagay ngayon.
"Anong hindi ko maiintindihan drake? Kung pinaliwanag mo diba? Edi lilinaw!" bulyaw nito.
"Ann c'mon! Lets stop this f*****g nonsense! Wala ng patutunguhan to lumabas ka na ng kwarto ko. Now!"
Napa buntong hininga sya sa mga nasambit ko. Ayaw kong saktan ka pero eto na lang ang way para walang mangyari sa atin.
"f*****g nonsense? So wala lang lahat sayo? Lahat ng ginawa natin wala lang yun! What the f**k drake! How stupid you are!" mangiyak ngiyak nyang sagot.
Parang dinudurog ang puso ko ng marinig ko ang nanginginig nyang tono. Malambot din pala sya. Pero anong magagawa ko.
"Stupid? Ann sa tingin mo ba tama ang ginagawa natin? Na gawin natin ang dapat na ginagawa nyo ni papa? Ann hindi ako si papa! Kayo ni papa ang gumawa nyan. Tantanan mo na ko ann! Dapat nung una pa lang hindi na ako nagpa dala sa pang aakit mo e! Nung una pa lang sana hindi na kita kinilala!."
Agad na nag walk out si ann. Napa sobra ba ang mga sinasabi ko? Wala e hindi ko na mapigilan. Pasensya ka na ann. Gusto kita pero mahal ka ng papa ko at mahal ko ang pamilyang to.
--------------
(KINABUKASAN)
"O ano drake handa ka na? Kausapin na natin ang papa mo." sambit ni paulo.
"Pau nagka sagutan kami ni ann kahapon. Nagka initan."
"Huh? Dahil ba sa pag iwas mo?"
"Oo pare."
"Kailangan mong gawin yun drake para din naman sa inyong lahat yun. Maiintindihan ka din ni ann. Kalma lang pre matatapos din to. Tara na." pagpapalakas ng loob ni Paulo.
Agad na kaming tumungo ni paulo sa bahay upang kausapin na si papa. Pagkapasok namin ay nasilayan ko pa si ann, nagka tinginan kami pero umiwas sya ng biglaan.
"Oh paulo, naparito ka?" tanong ni papa.
"Goodmorning uncle, a-ah e-eh may sasabihin sana kami ni drake." ika naman ni paulo
"Oh sige teka lang. Ann halika dito at kakausapin nila tayo." pagtawag ni papa kay ann.
Grabe sa lahat ng desisyon kasama na talaga si ann. Kaya tama talaga tong gagawin ko. Agad namang naupo si ann sa tabi ni papa, hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil alam kong nasaktan ko sya.
"Ano ulit ang sinasabi nyo paulo, anak?"
"Dad, mawawala ako dito mga ilang bwan lang naman may aasikasuhin lang kaming bagong business ni paulo." sabay abot sa papers na hawak namin as proof.
Matagal na katahimikan ang bumalot sa bahay. Tinitingnan ni papa ang papers na hawak namin. Kalaunan ay pumayag din naman sya, pagdating sa business hindi nya ako pinipigilan. Alam ko naman yun respeto na lang kaya nag pa alam ako.
"Makaka punta naman ako sa kasal nyo ni t-tita ann kaya wag kayong masyadong mag isip." sabay sulyap kay ann.
"O sige, basta dumalaw dalaw ka ha wag mo akong kakalimutan. Baka pag balik mo nyan aba may dala ka ng asawa ha." pagbibiro ni papa.
"Business tapos asawa?" sagot ni ann.
Nagulat kami sa pag sagot nya na kahit si papa ay nagulat din.
"Ano ka ba sweety, binata na yang anak ko kaya okay lang yan."
"Kayo talaga, hindi naman business lang talaga to. Tyaka kung may napupusuan na akong babae papa dadalhin ko dito at ipapakilala ko sa inyo." ika ko.
Agad na kaming nag ayos ng gamit ni paulo nagpa sama na ako sa kanya at baka mamaya e may pumigil pa sa akin at di pa matuloy ang binabalak ko.
"Tila ka maglalayas ang dami mo namang dala." sambit ni paulo.
"Matatagalan ako pare hindi to kakayanin ng 3months siguro 4 to 5months, o kaya saktong kasal na nila ako babalik." marahan kong sagot.
Natapos na kaming mag asikaso ni paulo at nagpa alam na kay papa at kay ann.
"Uncle, ate ann mauuna napo kami ni drake salamat po uli." sambit ni paulo.
"Iingatan mo ang anak ko ha paulo."
"Tito naman hindi ko naman ipapahamak si drake akong bahala." tawang sagot ni paulo sabay labas na sa pinto. Niiyakap ko na si papa at nag pa alam.
"Dad mauuna na ko mag iingat kayo dito."
"Hindi ka ba mag papa alam sa tita mo?" sagot ni papa.
Lumapit ako kay ann at yumakap. Di maikakaila na mami miss ko sya. Kakalas na sana ako ng bigla syang bumulong.
"Bakit mo to ginagawa sa akin drake."