CHAPTER 11

1245 Words
Ann Pov's "Bakit nya ba to sa akin ginagawa? Bakit sya umiiwas" himutok ko kay Lei. Napa buntong hininga na lang sa akin ang kapatid ko. Walang makasagot ng mga tanong ko kung ano ba talaga ang nangyayari kay drake. "Ate, wag ka ng masyadong mag isip. Hindi kita nakilalang ganyan. Tyaka diba may goal ka dito, ayun na lang muna ang pagtuunan mo." sambit ni lei. Siguro nga tama ang kapatid ko. Bakit naman ako magpapadala sa pagbabago ng biglaan ni drake e hindi naman sya ang pakay ko dito. Dumaan ang mga araw na sing lamig ng yelo ang pagitan ni drake. Pagkatapos ng mga maiinit na gabi na nahagkan nya ako ay kabaliktaran naman iyon ng nangyayari ngayon. Agad na akong umuwi pagkatapos kong kausapin si lei about sa nararamdaman ko. Pagkalabas ko ng pinto ay nakita ko si paulo. "Ate ann." tawag nya sa akin. Agad naman akong tumugon sa kanya dahil mukhang seryoso ang kanyang pagmumukha. "Ano yun paulo? May problema ba?" "Wala naman ate." saad nito. "Tungkol ba ito kay drake? Bakit?" "a-a e kasi ate ano eh." pag aalinlangan na sagot ni paulo. Nanahimik ako saglit upang bumwelo, hindi ko alam kung maganda ba o masamang balita ang bitbit sakin ni paulo "Ate, pag pasensyahan mo na si paulo ha. Kung nanlalamig man sya sayo ngayon. Gusto lang maka hinga ng kaibigan ko kasi sobrang gulo na ng mga nangyayari sa inyo." paliwanag ni paulo sabay paalam sakin. Napa buntong hininga na lang ako. Ano ba kasi tong pinasok kong gulo, bakit naiiba na ang plano. Ang gusto ko lang naman maka ahon sa hirap pero bakit parang nalulugmok ako sa isang pagmamahal at tawag ng laman sa anak pa mismo ng target ko. Agad na akong umuwi sa bahay para makapag pahinga at nakita ko sa garahe si drake na nagyo yosi. Hindi ko na sya kinibo dahil alam ko naman na ganon din ang gagawin nya. Papasok na sana ako ng pinto ng bigla nya akong alukin ng sigarilyo. "Ann? Yosi?" alok nya. Tinangap ko ito, kasi sino ba naman ako para tangihan sya. Sya pa din ang anak ng kinakasama ko. Nanatili lang ang katahimikan sa aming dalawa ng hanggang sa mag salita na sya. "Ann, pasensya ka na nung nakaraan." "Huh? Saan." "Sa mga nasabi ko, at sa pag sigaw ko sayo." mahinahong sabi nya sabay hithit sa kanyang sigarilyo. "Wala yun drake, naiintindihan ko naman. Kung hindi mo na talaga gusto ang mga nangyayari, pwede naman nating itigil." "Hindi ganon kadali ann na matigil to. Naumpisahan na eh. At alam ko na alam mo na hindi na lang to basta s*x between sating dalawa? Tama." Agad akong nagulantang sa tanong nya. Tama ba ang iniisip ko iisa lang ba talaga ang nararamdaman namin. "H-huh? A-anong pinagsasabi mo?" nangangatal kong sagot. Agad nya akong hinarap at tinitigan sa mata. Malamlam ang kanyang mga tingin at halatang may halong pagtataka. "Ann, maganda ka naman, may katawan ka. Tila ka dyosa, sa totoo lang nakaka adik ka. Pero may gumugulo lang talaga sa isipan ko." "Hmmm, ano naman yun?" "Ann tapatin mo ko. Bakit si papa pa? Mahal mo ba talaga sya? Kasi kung mahal mo sya ano ako sayo? Bakit nangyari to satin? At paano?" sunod sunod na tanong ni drake. Hindi ko naman pwedeng sabihing dahil lang sa yaman kaya ko pinasok ang buhay na to. Sobrang hirap magpaliwanag kung hindi maiintindihan. "Bakit ang papa mo? Matagal ko na syang kilala drake. Matagal na din ang relasyon namin. Kung mahal ko sya? Oo mahal ko drake. Ano ka sakin? Hindi ko din alam at sa huling tanong mo na bakit at paano, kasi parehas nating ginusto." agad kong sambit sa kanya. Hindi naka sagot agad si drake sa mga sinabi ko. Hindi ko alam kung may mali ba o ano. Ang alam ko lang kailangan kong magpangap dahil iniisip ko ang kapakanan namin ni Lei. Paano kung malaman mo ang totoo, lahat ng pinaghirapan ko at ni lei mawawala. "Ganun ba." mahinang sagot ni drake habang humihithit ng sigarilyo. "Kung mahal mo talaga ang papa, layuan mo ako. Kasi alam mo ann kung ako ang sasagot ng mga tanong ko, ano ka sakin? Mahalaga ka para sakin. Bakit nangyari to kasi oo ginusto ko, at gugustuhin at handa kong magustuhan pa lalo kasi mahal kita. Pero magkaiba tayo, hindi tayo iisa ng nararamdaman. Ngayon malinaw na ang lahat." agadang sagot nya sabay alis. Naiwan akong nag iisang nagyoyosi. Lalo lang akong naguluhan sa mga sinambit nya. Bakit ba kasi napunta ako sa sitwasyong pinag gigitnaan ako ng pera at pag mamahal. ------------------------- KINABUKASAN (KRING KRING) "H-hello? Sino to?." sagot ko sa tawag. "Teh si Lei to. Andyan ka ba? Kagigising mo lang? Madam na madam ha! Halika dito ate coffee tayo may sasabihin ako about kay drake." Agad akong napabalikwas sa higaan, nakita ko pang tulog pa ang papa ni drake. Nag ayos lang ako saglit at nagpunta na sa malapit na coffee shop. "Ano yun lei, ang aga aga eh nambubulabog ka!" sigaw ko sa kanya. "Teh, wala tayo sa bahay may ibang tao talaga. Umupo ka muna dyan mag kape ka." pang aawat nya sa akin. "Ano nga kasi?" iritable kong sagot. "Excited teh?! Kamustahin mo kaya muna ang pinaka maganda mong kapatid noh? Pag si drake talaga ang usapan napaka bilis mo." sabay irap na saad nito. Humigop muna ako ng kape para magising pa lalo. Pinapasakit lalo ng kapatid kong to ang ulo ko, papupuntahin agad kesyo may sasabihin pero eto kami nakatunganga. "Lei? Ilang kape pa ba uubusin natin bago ka mag kwento? Yung totoo." asar kong tanong sa kanya. "Eh kasi nga teh si drake nasa bahay kanina ni paulo. Ayun napag usapan nila na aalis na si drake sa bahay nyo, kesyo ayaw ka na daw nya mahirapan at maguluhan kaya aalis sya." paliwanag ni lei sabay higop sa kape. "San daw sya pupunta?" "Apartment daw ata? Ewan may binili ata or kay paulo yun. Wala naman silang nasabi na exact location ng bagong titirhan ni drake eh." "Kelan daw ang alis?" "Ngayon din ata after magpa alam kay kuya sa papa nya. Mamaya pupunta sila dyan sa bahay nyo para kausapin na ang papa nya. Inupdate na kita kasi baka magulat ka para alam mo ang reaction na gagawin mo mamaya." "Bat naman ako magugulat? Kala ko naman kung ano na lei." sambit ko sa kanya. "Nako teh! Tantanan mo ko alam ko naman na hindi lang basta s*x ang nangyari sa inyo! Alam kong nakuha ng lalaking yun yang puso mo. Eh mabilis ka ma fall nuh gagawen? Marupok ka pa! Diba 2 in 1 dati ka bang kape?" pagbibiro ni lei. "Ikaw minsan, ang sarap mong sakalin eh noh? Buti na lang kapatid kita. Bilisan mo na yang kape mo at umuwi ka na. Mauuna na din ako baka gising na ang papa nila." "Teh ano pala pangalan ng papa ni drake? Papa ka ng papa eh anak ka ba? Charot!" pagbibiro ni lei. "Leonardo Monteverde, in short Leo." "Hala batang bata may asim pa, naks teh magaling ba yan?." takang tanong ni Lei. "Lei tantanan mo na ako mauuna na ako bahala ka dyan. Kumuha ka pa ng kape baka kulang pa." agad kong sagot sa kanya sabay alis. Saan ka pupunta? Ano talagang binabalak mo drake. Manlalamig, aamin na mahal ako tapos ngayon aalis ka? Lalo mo lang ginulo ang nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD