Ann Pov's
Dumating na ang araw na tuluyan ng nag pa alam sa amin si drake. Nagbiro pa ang kanyang ama na baka pag balik nya may bitbit na daw syang asawa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong maging malungkot, mag alala o ano ba.
"Tama na ang kaka isip ann, hindi na maganda ang naidudulot nito sayo." Bulong ko sa aking sarili.
"Ano yung sweety?" Takang tanong naman ni Leo, ang papa ni drake.
"A-ah w-wala yun, so nasan na nga tayo?" Agadang tanong ko.
"Sabi ko mamasyal na muna tayo at mamili ng mga bagong gamit mo. Lalo na para sa kasal natin, kunting buwan na lang ang aantayin magiging Monteverde ka na." Ngiting sagot naman ni leo.
Tuluyan na kaming iniwan ni drake. Umalis na sya sa bahay kagaya ng kanyang pagpapa alam sa kanyang papa. Hindi ko naman sya pwedeng pigilan dahil para saan pa? May karapatan ba ako?
Wala naman talagang problema kay leo, may itsura pa din naman ito kung pagmamasdan mo ng maigi. Saan ba mamamana ni drake ang kakisigan nya malamang sa kanyang ama. Pero matanda na ito nagiging kuba na din sya dala ng kanyang edad. Halos kung magkasama kami madalas na napagkakamalan na papa o tito ko sya. Pinagsasawalang bahala ko na lang yun kasi lahat naman ng hingiin ko o kahit di ko kailangan ibinibigay nya. Pagdating sa pera wala na akong hihilingin pa kay leo. Siguro duon na lang sa kailangan ko bilang babae.
Mas mabuting ituon ko na lang muna kay leo ang atensyon ko wala naman akong magagawa kundi yun lang. Hindi pwedeng magpaka lugmok ako ng dahil lang sa pag alis sa poder namin ni drake. Andyan pa si lei hindi pwedeng magpa dala ako sa bugso ng damdamin ko.
"Sweety, mukhang bagay sayo to? Red is your color talaga. Lalong nakikita ang kagandahan mo." Masayang sambit ni leo.
"Sir kukunin nyo na po ba iyan para sa pamangkin nyo?" Masayang bati ng saleslady.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Halata namang walang alam ang sales lady pero ang mukha ni leo hindi na maipinta. Agad nyang tinawag ang kanyang assistant at pinabili ang mga dress na pinili nya para sa akin. Hindi na din nya kinausap ang sales lady at inaya na akong maglakad lakad pa
"Pasensya kana sweety ha, lagi tayong nakaka engkwentro ng ganon." Mahinang wika nito.
"Ano ka ba wala lang sakin yun."
"Maupo muna tayo dito." Pag aaya nya.
Umupo muna kami sa isang bench habang inaantay ang mga pinamili nya sa kanyang assistant. Naka titig lamang sa akin si leo, tila matutunaw ako sa kanyang ginagawa.
"May g-gusto ka bang sabihin babe?" Takang tanong ko sa kanya.
"Hmmmm bakit ako ang napili mo?" Straight to the point na tanong nito.
"Kailangan mo pa bang itanong yan, syempre kasi ikaw. Wala ng paliwanag dun mahal ko." Agaran kong sagot sa kanya sabay sandal sa balikat nya.
"Alam mo babe, sobrang hirap ng buhay baka iniisip mo ng dahil sa pera kaya kinakasama kita. Nagkakamali ka kung ganon man. Mabait ka at komportable ako sayo. Kaya pinili kita pero alam mo iniisip ko yung kapatid ko na naiwan ko kung asan na ba sya at kung okay lang ba." Dugtong kong panlalambing kay leo.
"Ganon ba? Asan ba ang kapatid mo bakit hindi mo patirahin sa bahay. Tayong dalawa lang naman ang andon." Wika nya.
Nabuhayan ako sa sinabi leo. Sobrang bait nyang lalaki medyo may pagka tanga lang talaga sya. Pero ganon talaga kailangan nya ng pagmamahal kaya nya ginagawa to.
"Talaga ba babe payag kang tumira sa atin ang kapatid ko?" Excited kong tanong sa kanya.
"Oo naman tyaka para may kasama ka din kapag may mga lakad ako lalo na ngayon wala na si drake sa bahay." Ika nya.
"Salamat babe ha the best ka talaga." Sabay halik ko sa pisngi nya.
"Wala yun, alam mo naman na gagawin ko ang lahat para sayo."
Sobrang na touch ako kay leo. May mga araw na di ko sya matitigan na tila diring diri ako pero kapag ganito ang mood parang gusto ko syang seryosohin napipigilan lang talaga ako ng pagmamahal sa anak nya. Kung hindi nya lang siguro anak si drake may pag asa pang mahulog ang loob ko sa kanya. Tadhana nga naman sadyang mapag biro.
Agad na kaming umuwi pagkatapos namin mamili sakto namang nakaluto na si ate emily ang katulong nila leo. Nag hapunan na kami at nag usap pa ng mga mangyayari sa kasal.
Kring kring...
"Teka babe ha, sagutin ko lang to yung kapatid ko tumatawag."
"Sige lang sweety, kung kaya na nya pumunta ngayon dito papuntahin mo na din." Ika naman nya.
-------------
"Hello lei? Asaan ka?"
"Hello ate andito kela paulo bakit? Tumawag ako kasi nag txt ka kanina pero lei lang sabi mo. Akala ko tuloy napano ka na." Sambit naman sa kabilang linya ni lei.
"Lei makaka lipat ka na dito."
"Talaga ba ate? Paano? Kinausap mo si kuya Leo?" Takang tanong naman nito
"Wag ka ng masyadong madaming tanong magmadali ka na at pumunta dito para makilala ka na din ni leo. Umayos ka ha!" Mahinang bulyaw ko sa kanya.
---------------
Agad na akong bumalik sa lamesa upang ituloy ang aking pagkain at pina alalahanan ko na din si leo na ngayon ang punta ni lei. Tumango naman sya habang ngumungumuya.
Maya maya lamang ay biglang nag ring na ang doorbell andyan na si lei. Pinagbuksan agad ito ni ate emily. Nagulantang ako sa nakita ko kasi napaka disenteng tingnan ni lei halos di ko sya makilala sa suot nya tila sya galing ng probinsya sa hitsura nya.
"Lei?"
"Ate, hello pasensya na ngayon lang nakarating." Wika nito habang bitbit ang isang maleta.
Hindi ko sya nakilala dahil naka long sleeves, pantalon at sapatos sya. Wala din syang suot na makapal na make up. Hindi ganto ang itsura nya, nakasanayan kong laging putok ang labi nya sa kulay pula na lipstick kahit gabi. Habang pinagmamasdan ko ang itsura ni lei, hindi maalis sa isipan kk na bata pa talaga ang kapatid ko. Napilitan lang syang pasukin ang di dapat pasukin para mabuhay kaming dalawa. Bigla na lang akong napayakap sa kanya.
"Ate, okay ka lang ba?" Tanong nito.
"Okay lang ako, payakap lang saglit. Pasensya ka na lei ha kung kailangan mong pagdaanan lahat ng napagdaanan mo." Mangiyak ngiyak kong sambit sa kanya.
"Ate ngayon mo ba talaga gagawin yan?" Bulong nito.
Napa kalas ako ng yakap kay lei, ang bilis ko talagang madala ng damdamin ko. Agad namang lumapit si leo sa amin habang pinupunasan ko ang luha ko.
"Sweety okay ka lang ba? Bakit ngayon mo lang kasi nabangit ang about sa kapatid mo? E di sana noon pa kayo nagsama?" Alalang tanong nito.
"What's your name hija?" Tanong nito kay lei.
"A-ah L-lei po sir. Magandang gabi po." Sambit naman ng kapatid ko
"Ano ka ba call me kuya or anything you want. Wag lang sir." Tawang sagot ni leo.
Inaya na kami ni leo sa kainan at pinahainan nya na din si lei upang maka kain. Pinatahan na nya din ako dahil sobra na akong nagiging emotional.
"Wag ka ng umiyak dyan sweety, ganto na lang dahil kakakita nyo lang ulit. I will order you guys beer and foods mag bonding kayo dito enjoy your night ladies." Ika ni leo.
"Salamat po kuya ha." Agadang sagot naman ni lei.
"Nako nag abala ka pa babe, pero salamat ha. Salamat sa pag intindi sa nararamdaman ko. Pag pasensyahan nyo na din naging emotional lang bigla." Sagot ko.
"Wala yun, wag na kayo mag isip masyado basta mamaya idedeliver na yun dito kindly wait for it na lang ha."
"Eh kayo po hindi nyo po ba kami sasamahan ni ate?" Tanong naman ni lei.
"Nako lei magpapahinga na yang kuya leo mo at hindi na nya kakayaning makihalubilo pa pagdating sa alak." Paliwanag ko naman kay lei
Agad ng nagpaalam si leo kay lei upang magpahinga, pinahatid ko naman na sya kay ate emily, at inayos na namin ni lei ang lamesa at naupo na lamang sa sofa habang inaantay ang mga delivery na inorder ni leo.