KUMPIYANSA
TITULO: KUMPIYANSA ISINULAT NI: GLADZ AS GSG"
"Sa mundong puno ng kababalaghan, ito nga ba ay may katotohanan? o sadyang imahinasyon lamang?" Kilalanin natin si Matilda, isang mangkukulam. Naniniwala ka ba sa kulam? Gumagamit siya ng mga orasyon, itim na kandila at litrato.Isang tingin, bulong at dasal lang agad kang magkakasakit o mamamatay. Hindi naman siya gaanong masama. Palakaibigan siya, mabait at mapagmahal sa mga tao ngunit sa kabila nun may tinatago siyang sikreto. Iyon nga ang pagiging isang mangkukulam. Hindi naman niya ito madalas gamitin, pwera lang kung may kinagalitan siya o kaya ay may nanakit sa kaniyang damdamin. Pinamanahan siya ng lolo niya bago ito mawala, kwento niya sa akin kasi malapit ako na kaibigan niya. Nangyari ang lahat noong mamaalam ang lolo niya, hindi ito mamamatay hanggat hindi naisasalin sa kaniya ang kapangyarihang itim. Nag-iisang apo lang kasi siya kaya hindi niya ito matanggihan. Sabi naman ng lolo niya, proteksyon iyon sa mga kalaban o sa mga taong mapagsamantala sa kahinaan. Isang biyaya raw ito galing kay Sitan, ang diyos ng kanilang angkan. Tuwing gabi nag-aalay siya ng dasal para rito upang hindi magalit sa kaniya at sa iba pang kamag-anak. Masaya naman sa umpisa. Akala niya, pero nagbago iyon nang lagi na siyang nànanaginip kay Sitan, inuutusan siya nitong pumatay ng tao ngunit takot siyang sumubok. Alam niya kasing mali pa rin iyon. Pero isang araw, umibig siya sa isang binata sa kanilang nayon. Minahal niya ito nang lubusan. Ang pangalan ng kaniyang iniirog ay Joseph. Gwapo, matangkad, moreno at magaling kumanta. Napaibig siya rito dahil sa panghaharana sa kaniya. Gabi-gabi rin siyang inaalayan ng tula. Hindi pa niya nasasabi rito na may kakaiba sa kaniya, na hindi siya normal na tao. Takot siyang mawala ito ngunit ang takot na iyon ang naghatid rin sa kaniya sa kasamaan. Kasi natuklasan niyang niloloko siya ni Joseph nang madatnan niya ito sa palayan na nakikipaghalikan sa ibang babae. "Niloko mo ako! Paano mo nagawa sa akin 'to Joseph?""Pasensya na Matilda, masyado ka kasing pakipot! Kahit tayo na, di ko man lang mahawakan ang kamay mo. Kahit halik, wala." "Kaya ba naghanap ka ng iba? Kaya mas pinili mo siyang halikan? Akala ko ba iba ka sa lahat ng lalaki? Pare-pareho lang kayo! Mga tigang!" "Matilda, mahal kita pero mas mahal niya ako kaya patawarin mo sana ako." "Patawad? Ganoon lang ba iyon? Paano mo nasabi na mas mahal ka ng babaeng iyan?" Sabay turo sa babaeng nakapulupot kay Joseph. "Minahal kita! Akala ko wala ng kulang sa akin pero di ko inasahang ganiyan ka kababaw.""Matilda, maghiwalay na tayo." "Hindi! Ako ang nakikipaghiwalay sa 'yo. Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin. Magsama kayo ng babae mo!" "Hinabol pa siya ni Joseph, ngunit di na niya pinakinggan ang paliwanag nito." Habang nagkwekwento sa akin si Matilda, mabilis na umagos ang kaniyang luha."Ituloy mo! Anong nangyari pagkatapos nun, Matilda? Bakit ka umiiyak?"Kinagabihan, tinawag ko ang diyos na si Sitan, nagpatulong ako sa kaniya kung paano makapaghihiganti. Ang sabi niya, kumuha ako ng litrato at itim na kandila. Kunin ko rin ang sapin na may guhit ng tala.Palibutan ito ng kandila at umpisahan ang panalangin. Mabilis kong inilapat sa apoy ang litrato niya. "Ngayong gabi, lilisanin mo ang daigdig na ito!" Sabay halakhak. Kinabukasan, lumaganap ang balita na patay na nga ang kaniyang kasintahan. Natupok ang bahay nito sa di malamang dahilan. Tinanong siya ng kaniyang mga kapitbahay. "Matilda, alam mo na ba ang nangyari sa iyong kasintahan?" "Hindi po, ano po bang nangyari?""Patay na siya, lasug-lasog ang kaniyang katawan." Napaatras ako at nagkunwaring nanlulumo sa sarili kong pakana."Pupuntahan ko siya!""Sige, Matilda" sagot ni Aling Susan Tumakbo ako roon na lumuluha. Kahit ganoon, minahal ko naman talaga si Joseph. Pagdating ko roon, imbes na maawa, mas lalo akong nagalit. Nakita ko kasi si Erika. Nakayakap kay Joseph. Siya ang dahilan bulong ko sa isip. Mayamaya pa'y biglang lumakas ang hangin, nawala ang sindi ng mga kandilà. Tumakbo ang lahat ng naroroon. Maliban kay Erika."Ikaw ba? Ikaw ba ang pumatay kay Joseph?" "Paano kung sabihin ko sa 'yong Oo, may magagawa ka ba?""Wala kang puso, dàpat kang mamatay!" "Talaga? Tinitigan ko siya sa mata at di na siya nakagalaw pa, inihagis ko siya sa may pintuan dahilan upang mabagok ang kaniyang ulo. "Magsama kayo!" Nilisan ko na ang lugar na iyon. "Ang lungkot naman niyan, Matilda." "Ngayong alam mo na ang sikreto ko, ikaw naman ang susunod." "Anong ibig mong sabihin Matilda?" Kinuha ko ang isang manika na may pangalang Laura at tinusok ng karayom. "Paalam, kaibigan!."Nagsimula ulit akong mamuhay na para bang walang nangyari.Walang nakaka-alam sa tunay na ako dahil kung sino man ang makaalam ay siya na ang isusunod ko. Nakisalamuha ako sa iba't ibang tao sa bayan namin. Hanggang sa nakilala ko sila Betty at Alex nang minsang yayain ako sa isang piging.Nakita ko sobrang sweet silang dalawa at naiinggit ako sa mga pangyayaring iyon.Naalala ko na naman iyong taong minsan kong minahal at pinatay."Baka naman may asukal kayo diyan?" putol ko sa paglalampungan ng dalawa."Ikaw naman ate, maghanap ka nga diyan. Kita mo namang, abala kami dito.""Abala ba?" Tumaas ang kilay ko. Abala sa pakikipaglandian. Naibulong ko sa sarili.Maya-maya pa'y nakaisip na naman ako ng ideya. Kinuha ko ang basong kanina ay nilagukan nila. Sino kaya ang malalason?Si Betty o si Alex. Kapag nalason si Betty, mamamatay siya at maiiwan si Alex na nag-iisa.Kapag si Alex naman ang nalason, e di mas mabuti. May kaibigan na ulit akong babae.Napatango-tango na lang ako habang iniisip ang maitim kong balak.Kumuha ako ng tisyo at pinahid iyon sa isang baso.Binulong sa kawalan ang salitang, ABIDYAM! ABIDYAM! ang nasa isip ko ay magkakatotoo. Bigla na lang natumba si Betty. Hindi ko inaasahang siya ang mapupuruhan ng aking orasyon. "Babe, okay ka lang ba? nalasing ka ba?" pukaw ni Alex sa kasintahan.Isang pilyang ngiti ang aking pinakawalan. Hindi na iyan magigising.Kaya Alex, simula bukas ako na ang sasamahan mo. Bulong ko sa imahinasyon.Kinarga na ni Alex si Betty, nag-aalala sa nangyari sa dalaga.Bigla siyang nanlumo nung hinawakan niya ang pulso nito.Wala na ang kaniyang mahal. Kanina lang masaya pa sila pero binawi ng isang di-pangkaraniwang pangyayari.Bumalik siya sa piging, at hinanap kung sino ang nagbigay sa kanila ng wine. Baka nakakalason ito. Pero sa isip niya, uminom din naman siya..Paanong??Si Betty lang ang nalason. Paano niya ipapaliwanag sa magulang nito ang pagkamatay ni Betty. Nanlamig ang kaniyang pawis. Di niya alam kung ano ang kaniyang gagawin.Biglang lumapit sa kaniya si Matilda. "Gusto mo ba ng tulong?"Napatango na lang si Alex dahil di niya alam ang gagawin."Anong gagawin ko kay Betty?"Napahagulgol na ito na medyo hindi ikinatuwa ni Matilda."Ilibing natin siya sa likod ng aming bahay."Nabigla naman si Alex sa narinig.Ngunit..Kailangan malaman ng mga magulang ni Betty ang nangyari sa anak nila."Makukulong ka lang! Gusto mo ba iyon?""Hindi naman ako ang pumatay sa kaniya!""Pero ikaw ang huli niyang kasama. Kung ayaw mo, iiwan na kita rito sa labas.""Sandali lang!" Biglang napahinto si Matilda sa paglalakad."Tulungan mo ako, please." Iyon nga ang ginawa nila. Pinagtulungan nila na isilid sa isang sako si Betty.Sabay rin nila itong ibinaon sa likod ng bahay.Halos mabaliw si Alex gabi-gabi. Di siya makatulog. Ngunit dinamayan naman siya ni Matilda. Hindi niya alam na si Matilda ang may pakana ng lahat.Ilang taon pa ang lumipas, naging maayos na ang pagsasama ng dalawa.Wala ring naghanap sa bangkay ni Betty. Ang akala ng magulang nito ay nagtanan ang dalawa.Nagkaroon sila Alex at Matilda ng isang magandang anak.Kaya lang minsan, nahuli ni Matilda ang anak na may kinakausap ito na manika.Laking pagsisisi niya na namana ng anak ang kaniyang kapangyarihang itim.
Manginig sa SindakIsa akong dalaga na masayahin kahit nag-iisa. Hindi kasi ako sanay na may maraming kasama. Lagi akong nagkukulong sa kwarto. Kapag gusto kong lumabas, pumupunta lang ako sa pinsan kong si JL.Siya lang ang nakakaintindi sa akin, kaya panatag ang loob ko sa kaniya. Ako nga pala si Gigie.Matapang at walang kinatatakutan.Lumalabas ako sa kailaliman ng gabi, kahit na alam kong mapanganib sa labas. Wala namang nangyayari sa akin. Malawak ang bahay namin pero may kakaiba rito.Sa tuwing nag-iisa ako, madalas akong makinig ng radyo at nagbabasa ng libro.Minsan habang tumutugtog ang musika, hindi ko maiwasang magtaka kasi nag-iiba ang tunog, humihina, lumalakas pero wala namang tao.Naisip ko baka sira ang antenna kaya inayos ko.Bumalik na ulit sa dati at nagpatuloy na ako sa pagbabasa. Ilang saglit lang, pinatawag ako ng mama ng pinsan ko."Gie, samahan mo si JL kasi aalis ako papunta sa Baguio.""Yes, tita.." - sagot ko.Agad, agad akong tumakbo at iniwan ang radyo na nakabukas. Pagdating ko doon. Nanonood si JL ng movie. Kaya tumabi ako sa kaniya.Kwentuhan kami ng kwentuhan hanggang sa pumunta siya sa kusina para ipaghanda ako ng makakain.Ako na lang ang nanonood mag-isa nang may mapansin ako sa kwarto nila na tumatakbo.Ako: L may kasama ka ba dito?JL: Ikaw! Sino pa ba?Ako: may nakita kasi akong paa na patakbo sa kwarto mo!JL: (pinuntahan ang kwarto).Wala naman.Gutom ka lang. Oh, heto pagsaluhan natin.Inilahad niya ang cake at coke.Wow, ang sarap nàman niyan. Nagugutom lang siguro ako. Pero sa isip ko di pa rin mawala ang imahe ng paa na nakita ko. Duguan kasi iyon at may putik. Habang ini-imagine ko iyong kanina. Nasuka ako bigla sa harap pa talaga ng pinsan ko.Àno ka ba couz? Pangit ba ang lasa ng cake.Ako: Sorry, masarap nàman. May naalala lang ako.(Kumuha ng pamunas si JL at nagpalit ng damit).Nagpaalam muna ako para makapag-palit din ng damit."L babalik ako agad. Wait for me!!! e.pause mo muna iyang pinapanood natin." Sabay ngiti.Humakbang na ako pauwi kasi malapit lang iyong bahay nila sa amin, magkatabi lang.Nagulat ako ng pag-uwi ko. Nakapatay na ang radyo."Sino kaya ang gumalaw nito?"Wala namang tao. Sa isip ko, baka naubusan lang ng battery. Pumunta ako sa kwarto at nagbihis agad.Paglabas ko. Naaninag ko sa bintana na may tao sa kwarto ni JL.Nang lapitan ko ito, nanginig ako sa takot dahil sa tumambad sa aking pigura. Nakangisi ito at may pangil, itim ang katawan na aninag pa ng salamin sa bintana.Sinampal ko ang sarili sa pag-aakalang namamalikmata ako pero hindi! Nakamasid pa rin siya sa akin.Biglang naalala ko si JL. "Oh! My G. ang pinsan ko.Baka mapahamak siya!"Tumakbo ako. Pawis na pawis pero huli na nang dumating ako.Hawak na siya sa leeg ng lalaking maligno. Duguan na ang mga paa ni JL .Sumisigaw ng tulong pero di ako makagalaw sa kinatatayuan ko.Tuluyan na akong nahimatay at di alam ang nangyari.Sa pag-gising ko, naroon na ako sa isang kwarto.Hindi ko alam kung kanino. Nakita ko ang lalaking mala-Adonis ang mukha.Ako: sino ka? Nasaan ako? Hayop ka! Pinatay mo ang pinsan ko.Maligno: Dito ka na titira. Samahan mo ako at ikaw na ang aking Prinsesa."Hindi maaari!!! Kahit gwapo ka, wala akong paki!!!Gusto ko pa rin ang mundo ko kahit nag-iisa ako,kahit wala akong maraming kaibigan, kahit tahimik lang ako sa klase, kahit na pinatay mo na ang pinsan kong nakakaintindi sa akin, di pa rin ako sasama sa'yo! Isa kang maligno! Maligno! Alam kong nagbabalat kayo ka lang. Biglang namula ang kanyang mga mata at biglang kumawala ang malakas niyang tawa na nakakabingi.Tinakpan ko ang aking tenga para hindi marinig ang kaniyang boses. Hindi nga ako nagkamali, nagbago ulit ang kaniyang anyo, pero naging siya si JL. Halos lumuwa ang mga mata ko sa pagkagulat sa mga pangyayari. Hindi ko kayang itaboy ang pinsan ko. Sabi niya: oh, ngayon ? magagalit ka pa ba sa akin?.Wala akong makapang isasagot sa kaniya.Pinikit ko na lang ang aking mga mata. "Akala mo siguro ikaw lang ang may kapangyarihan."Nag-concentrate ako at inisip ko na bumalik siya sa kaniyang totoong anyo at iyon tinablan siya.Bumalik sa pagiging maligno. Maitim na maitim at puno ng putik ang paa. Mahahaba ang kuko. Hindi na yata ako makakalabas dito ng buhay kaya mas mabuti pa na ..."na àno? Anong gagawin mo?"Tinadyakan ko siya at patakbong lumabas,hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sa bawat madaanan ko, nakaharang siya.Napagod na ako at tuluyang natumba.Sigaw ako ng sigaw! "Lumayo ka sa akin. Ayoko dito at kahit sa panaginip ko hindi ako ang magiging Prinsesa mo. Wala akong gusto sa kahit kanino. Ayokong masaktan at maging tanga. Kaya pwede ba lumayo ka na. Mapapahugot ako nito ng wala sa oras!.tsk.tsk."Bigla nga ako nakakita ng sandata at ito'y hinugot ko at itinutok sa kaniya, kaya làng nang subukan ko siyang tagain, tumagos làng sa kaniya.Anong klaseng nilalang ka ba? Bakit di ka mawala?Tawa pa rin siya ng tawa na para bang wala siyang naririnig sa sinabi ko. Okay, okay! Wala na akong panama sa iyo. Tamaan ka sana ng kidlat.Bigla ngang lumakas ang kidlat at napatakbo siya.Ha-ha, duwag ka pala.Ngayon, alam ko na ang kahinaan mo pero ang tanong paano ako makakalabas dito.? Paano? Wala akong mahagilap na pinto. Gusto ko nang makatakas habang takot pa siya sa kidlat.Napapaluha na ako pero wala akong maaninag. "Parang kweba itong kinasadlakan ko pero infairness maganda iyong kwarto kanina. Kainis na buhay ito.Naalala ko may pasok pa bukas kailangan ko pa gumawa ng sandamakmak na assignments. Ilang araw na ba ako nandito? baka nag-exam na kami? Di pa rin ako nakaka-uwi.Makaka.uwi pa ba ako? Sa lagay kong 'to. I don't think so. Baliw na ako, kinakausap na ang sarili. " Bigla kong natanaw ang kaunting butas sa itaas. Paano ko kaya aakyatin iyon?Mag-iisip ako ng hagdan. Concentrate, concentrate!. Lumabas ang hagdan sa harap ko at dali-dali akong umakyat. Di pa ako nakakahakbang ng dalawa ng biglang may humila sa paa ko."Aray ko po!" Nakabalik na ang itim na maligno. Pilit kong kinapa ang hagdan pataas pero masyado siyang malakas. Duguan na ang mga binti ko sa talim ng kaniyang kuko na lumatay sa akin."Ang hapdi!" Buong lakas kong sinuntok ang mukha niya at tinadyak-tadyakan hanggang sa bitawan na niya ako.Nakalabas din ako sa maliit na butas na iyon.Halos gibain ko ang nasa taas makalabas lamang.Nakita ko ang sinag ng araw pero hindi ko alam kung nasaan ako.Walang katao-tao. Halos maglupasay na ako,ang sakit ng katawan ko. Nagugutom na rin.May nakita akong bayabas. Kinain ko lahat at ipinikit ang mga mata.Pagdilat ko, nahulog na ako sa kama.Sigaw ni inay ang nagpagising sa akin."Gumising ka na! Meron ka pang trabaho! Hindi ka na estudyante!."Laking tuwa ko at nakabalik na rin ako sa bahay.Oo nga pala, tapos na akong mag-aral at kailangan ko ng magtrabaho.Maliligo na ako. Pag punta ng banyo. Nakita kong may bahid ng dugo at putik ang paa ko.Hindi iyon panaginip, nangyari talaga pero buhay pa kaya ang pinsan ko? Part 2- Manginig Sa SindakNaligo at nagbihis na ako agad. Kahit mahapdi pa iyong paa ko sa kalmot ng maligno, excited pa rin akong magtrabaho. Pinuntahan ko agad si JL. Nag-aalala ako sa kaniya. Nagdoor bell ako at laking tuwa ko, na siya ang nagbukas. Isang guhit ng ngiti ang kaniyang pinakawalan. Bigla ko siyang niyakap. Namiss ko siya. Akala ko patay ka na, bulong ko sa kaniya.Sagot niya: sira ka talaga! Kahapon lang tayo nagkita, miss mo na ako agad. Sige sabay na tayo sa trabaho. "Natakot lang talaga ako.""Ikaw? Matatakot? Eh ikaw lang nàman ang kilala ko na pinakamatapang na babae.""Asus! nambola pa ang pinsan ko. Bolero!" Tawa lang kami nang tawa habang naglalakad. Di ko talaga lubos maisip na sa dami ng pinagdaanan ko, nakawala rin ako sa itim na iyon. Kaya lang, palapit na ako sa school nang bigla akong kabahan. May bata na nag-aabang sa akin.Nanlilisik ang mga mata at sigurado ako na ito ay patay na. Hindi siya nakikita ni JL, ako lang ang nakakakita sa bata. Patuloy akong pumasok at nag-ayos sa loob.Wala pa ang mga estudyante ko. Kailangan kong magpakatatag para sa kanila. Kahit ilan pang elemento ang magpakita sa akin. Di na ako matitinag pero bigla akong napasigaw dahil pagbukas ko sa bintana ay bumulaga sa akin ang matulis na kutsilyo na hawak ng bata."Huwag! huwag! maawa ka sa akin! ayaw mo ba sa akin? mabait nàman ako. Kahit kailan di ako nanakit ng ibang tao."Palapit siya nang palapit sa akin at paatras ako nang paatras hanggang sa makapa ko ang isang rosary at ipakita sa kaniyang harapan.Patuloy ang bata sa pagtawa at biglang dumating si JL, tumakbo papunta sa akin. Nawala na parang bula ang bata at ako nàman ay di na makapagsalita."Anong nangyari? sabi ni JL.""May bata kanina gusto akong patayin!""Saan? Sinong bata? isumbong natin sa magulang.""Hindi, hindi siya ordinaryong bata. Matagal na siyang patay."Nagimbal sa narinig ang pinsan ko, hindi makapaniwala."Kaya ko ito, okay na ako pinsan.Bumalik ka na.""O sige, tawagin mo lang ako kapag bumalik iyong batang iyon at lagot siya sa akin. Mapagmahal ako pero kapag sinaktan ka, ililibing ko siya ulit."Napangiti na lang ako sa sinabi niya."Loko ka talaga! sambit ko. Saan ka mamaya kakain?sabay na tayo.""Doon tayo sa ilalim ng kamyas. Malamig doon at nababalot ng hiwaga.""Tse! Balutin kita diyan.! doon na lang tayo sa?...."...... "Alam ko na! doon na lang tayo sa library kumain, para maiba nàman sabi ko kay JL." Maganda at malamig doon."Ok! Ikaw ang bahala kahit saan basta walang mumo ok na. ha-ha."Tawa siya nang tawa."Pag ikaw ang sinundan ng mga mumo, ako nàman ang tatawa sa'yo sambit ko.""Si pinsan, di na mabiro. Feeling ko, di nila ako susundan, kakapitan pa nila ako. Sa gwapo kong ito! Magsama-sama sila.Tatakbo lang ako."Hinampas ko na ng bag iyong pinsan ko."ikaw talaga over-confident, kung ako ang multo tatangayin na kita ng malakas na hangin."Siya: di ka talaga mabiro! Nagmumukha ka ng multo insan, mugto na ang mga mata mo itim na itim pa.Tanong ko lang Bampira ka ba?"Bakit naman?""Sa tingin ko nangangagat ka!""Gusto mo ikaw unahin ko?""Huwag po." Sabay takbo ng pinsan kong may topak. Mayamaya, pumunta na kami ng pinsan ko sa library. Pagpasok sa loob, ibang sensasyon ang naramdaman ko. Napakalamig at nakakabingi ang katahimikan."Gusto ko dito, walang istorbo,naibulalas ni JL.""Wala nàman talaga kasi nga library. Kain na tayo gutom na ako.""Sige, baka iba ang makain ko ngayon."Pangiti-ngiti pa si JL.Nagulat na lang kami nang biglang gumalaw ang ?.........Gumalaw ang mga aklat at nahulog! sobrang kaba ang naramdaman ko pero naalis din dahil may kasama nàman ako, biglang dumating si Jem Brylle, katrabaho ko at crush ko rin. Narinig pala niya ang kalabog sa library at bigla siyang napasugod."Anong nangyari dito?" tiim- bagang na tanong niya! Sabi ko: Wala may nahulog lang baka may daga dito. Pailing-iling si Brylle kasi ang daga makakagalaw ng almost 50 books."Ms.Gie, are you kidding me? wala nàman yatang magagawa ang daga.?"tawa pa siya nang tawa habang nakatutok sa akin ang kaniyang kamay."Ok fine. May maligno dito. Masaya ka na?"Tara JL, labas na tayo baka mapikon pa ako dito."Palabas na sana ako nang biglang hilahin ni Brylle ang kamay ko.."Ms.Gie, saan ka pupunta? I want you to be in my room now! May sasabihin ako sa'yo."Mabilis niya akong kinaladkad papunta sa room niya at naiwan si JL na nagtatanong?ako naman, no reaction. Natameme ako at curious sa sasabihin niya.Nasa loob na kami ng paupuin niya ako at hawakan ang aking dalawang pisngi na ngayon ay namumula na."Look Ms.Gie , matagal ko ng gustong sabihin 'to. Gusto kong sabihin na, tulungan mo akong mapalapit kay JL, gusto ko talaga siya girl."Biglang nagulat ako sa sa sinabi niya, akala ko pa naman ako ang gusto niya.Sa lalaki pala ang puso niya."So....ibig mong sabihin, hindi ka tunay na lalaki?"Brylle: Oo, secret lang muna natin huh? Huwag mo sasabihin sa iba. Ayoko na lumayo siya sa akin.Pinilit kong ngumiti sa pagkakataong iyon, hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nakita ko at nakausap siya ngayon? o magagalit ako sa sinabi niya?.Ang gwapo niya kasi para sabihing gusto niya ang pinsan kong maskulado rin.Panaginip ba ito? Binabangungot na ba ako? "Àno ba Gie! Matutulungan mo ba ako? Untag ni Brylle sa akin."Tulalang- tulala kasi ako, di ko alam ang isasagot.Sinabi ko na lang na: susubukan ko.Bigla akong niyakap ni Brylle."Thanks Girl. Aasahan ko, iyan."Lumabas na ako kaagad di ko kinaya iyong sinabi niya. Ang sakit."What? Huwag mong sabihin na naaapektuhan ka?huwag kang selfish.Mahal niya pinsan mo, pero mahal mo siya.Àno gagawin ko?"Manginig Sa Sindakni JC PierrieTama, may naisip na ako. Tutulungan ko siya pero ipapadama ko rin sa kaniya na ako dapat ang magustuhan niya, hindi ang pinsan ko.Ang tanong, "kaya ko ba siya ? na gawing lalaki? oh! No! Impossible."Brylle: ( sa utak, kailangan kong magpanggap na bakla para mapalapit kay Gie. Gusto ko siyang makasama, mahawakan at makausap man lang).Iisa lang ang aming pinagtatrabahuan pero madalang ko lang siyang makausap.Mabuti pa ang pinsan niya lagi niyang kasama.Kung hindi niya pinsan si JL, malamang matagal na akong nagselos sa lagay na ito.Nakakabading. Ngayon ko lang ito gagawin.Desperado na ako, ito lang ang naiisip kong paraan.Matatanggap kaya niya? I doubt it.Pailing-iling pa siya habang sinasabi iyon.Habang si JL nàman ay naguguluhan na rin, kasi may nararamdaman na siya para kay Gie.Alam niyang di siya pwedeng magkagusto dito.Umuwi na siya ng bahay ng madatnan niya ang mama at papa niya na nagtatalo. "Ayaw mo bang marinig ni JL ang katotohanan?"Sigaw ng mama niya.!"Anong katotohanan?"sabay napalingon sa kaniya ang kaniyang magulang."Anak, ito na siguro ang tamang panahon para malaman mo ang totoo. Hinahanap ka na ng iyong totoong ina."Bigla akong napaatras."Hindi! Hindi! Ikaw ang mama ko at kayo ang papa ko.""Hindi anak! Pasensya ka na at ngayon lang namin sinabi, hindi kami magka-anak ni Fred kaya pumunta kami sa bahay ampunan, nakita ka namin doon at agad na gumaan ang aming loob sa iyo."Maluha-luhang sabi ng kaniyang ina.Hindi malaman ni JL kung àno ang kaniyang mararamdaman sa mga oras na iyon, para siyang pinagkaitan ng katotohanan sa matagal na panahon. Umalis siya ng bahay na wala sa sarili at napadpad ang mga paa niya papunta sa bahay nila Gie.Kumatok siya sa pinto.Agad ko namang binuksan ito, tumambad sa akin ang luhaan kong pinsan.Bigla na lang niya akong niyakap at naramdaman ang sakit sa kaniyang kalooban."Anong problema mo?" bulong ko sa kaniya. Hinawakan ni JL ang balikat ko habang pinupunasan ko ang mga luha niya."Gie, makinig ka sa akin. Ikaw na lang ang mayroon ako. Huwag mo akong iiwan. Mag promise ka."Napatango na lang ako."Àno ka ba pinsan? Di kita iiwan. Ganoon tayo ka close.""Hindi!"seryosong sagot ni JL."hindi tayo magpinsan, di nila ako totoong anak."Bigla kong nabitawan si JL sa gulat ko.Bigla akong kinabahan. "Wala pa ring magbabago Gie! Promise mo iyan?."Napaluha na rin ako sa sinabi niya,bakit masaya pa ako na nalaman kong hindi ko siya totoong pinsan. Baliw ka talaga Gie. Wake up."Tuloy ka!" Iyon na lang ang nasambit ko.Kumuha ako ng tasa at ipinagtimpla ko si JL ng kape.Nang biglang nabitawan ko ang tasa ng tumunog ang radyo.Wala namang gumalaw dito. Nagtaka kami pareho, parang may kung sino ang nagpatugtog at alam niyo ba kung àno ang tugtog?It goes like this: As I look into your eyes, I see an angel in disguise sent from God above for me to love,to hold and idolize.As I hold your body near, I see this month through to a year.....at bigla itong nagbago ng lyrics.Tuwing titingin sa iyong mata, isang anghel ang nakikita, bigay ng maykapal upang mahalin, hawakan at damhin at noong marinig ang iyong tinig di maalis sa'king isip. Kung titigan ka oh! kay saya nitong damdamin ko.You treat me like a rose, you gave me rooms to grow, you shown the light of love on me and gave me air so I can breath, you open doors that close in a world where anything goes, you gave me strength so I stand tall.You treat me like a rose.JL: I love you Gie.Me:(nasindak sa sinabi niya)..what should I say? . Natulala ako sa sinabi ni JL. Habang siya ay nakahawak sa balikat ko. Niyugyog niya ito at nakabalik ako sa katauhan ko, este katinuan."Àno ulit sabi mo?" JL: I said , I LOVE YOU. Ikaw lang ang mahal ko.Kaya pala ganito ako sa 'yo. Ganito tayo! kasi di pala tayo totoong magpinsan."L hindi ko pa alam kung àno isasagot ko, naguguluhan pa ako. I have feelings for you too but not really like what you feel. Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na nila. Sigurado akong nag-aalala sila sa iyo.""Pwede bang dito na ako matulog?.Please!""Hindi! Magkita na lang tayo bukas."Tuluyan ko na siyang itinaboy, kasi di ako makahinga at makapag-isip nang maayos, ngayong alam ko na may gusto pala siya sa akin. Umuwi na si JL,pero di ako makatulog hanggang sa umaga na.Papasok na ako ng makasalubong ko si Brylle,kung titingnan, maayos ang porma niya, mabango at astig kaya di ko lubos maisip na bading siya.Paano ko nga pala siya tutulungan kung ang gusto niya ay gusto ako?Nakakalito.Brylle: Goodmorning. Bakit mag-isa ka lang?Nasaan ang kasama mo?Ako: Wala, mamaya pa iyon, may problema iyon.Brylle: Samahan na kita. Àno problema niya girl?Ako: Matinde. May tama yata.!Brylle: Kanino? Sa akin ba ? o sa'yo?Ako: Huh? Nagulat.(sa isip, sasabihin ko ba?). Joke lang, ikaw naman! Sabay tawa sa akin ni Brylle.Siraulo din pala ang isang ito.?Muntik na akong atakihin sa puso sa sinabi niya.May gusto ka pa ba kay JL? seryosong tanong ko kay Brylle. TINITIGAN lang ako ni Brylle at sinabing: wala na, may gusto na akong iba."Sino?" Malalaman mo rin kapag pumunta ka mamaya sa garden, nandoon siya. "Sige ba! Ipakilala mo ako.", nginitian ko lang si Brylle ng pilit kasi sa totoo lang, nagseselos ako." Sino ba iyong gusto niya? Màganda ba iyon? o gwapo?"Di ko maintindihan kung àno gusto ng mokong na ito.?Brylle: ( sa isip, ipàgtatapat ko na sa kaniya mamaya na siya iyong babaing gusto ko, na di talaga ako bakla. Torpe! Oo! pero babawi ako.)"Hoy! Àno iyang iniisip mo Brylle? siguro siya na nàman."Brylle: Siya nga.Dumating si JL."Gie andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap.Bakit kasama mo siya?" Itinuro si Brylle.Gie: Hindi nagkasabay lang kami. Sige una na ako. Nagtataka man, tiningnan ko na lang si Brylle.Kaya lang pagtingin ko. Wala na siyang ulo.Kinabahan ako."Brylle, huwag kang umalis, dito ka lang."JL: hayaan mo na siya."Brylle! Wait huwag kang umalis."Brylle: Bakit? Lumapit ako at bumulong, "baka may mangyari sa iyong masama."Sa puntong iyon si JL nàman ang nagsalita: ako na lang ang aalis, mukhang nakakaistorbo ako.Pero bigla kong hinawakan ang.... kamay niya."Huwag kang umalis. Mali ang iniisip mo. Worried lang ako sa nakikita ko. Mag-iingat ka Brylle."Tumango lang si Brylle at tuluyan ng umalis.Nakatitig na sa akin si JL."Bakit? Àno bang nakita mo?"Nakakakilabot, walang ulo si Brylle.Di ba bad sign iyon?"Guni- guni mo lang iyan, halika na nga at sabay na tayong kumain. Ngumiti na lang ako ng pilit at hinayaan ko na lang ang sarili ko na makasama siya.Kahit kinakabahan ay tuluyan na iyong naalis dahil comfortable kami sa isa't isa.Habang naglalakad, iniisip pa rin ni Brylle ang sinabi sa kanya ni Gie.Ang bait niya talaga, biglang nahagip siya ng kotse at bumulaga sa kalye.Isang babae ang nakabundol sa kaniya pero binalikan nàman siya at dinala sa ospital.Siya si Cheska."Oh no! Baka napatay ko siya. Sana hindi, ang gwapo niya para mamatay."Kinuha ni Cheska ang wallet ni Brylle.Tinawagan ang numerong nakalagay sa wallet.Tumunog ang cellphone ni Gie.Sinagot niya ito.Gie: may I know who's this?Sa kabilang linya: Girlfriend ka ba ni Brylle?Nandito ako sa ospital, malapit sa Bulacan.Malubha ang lagay niya.Di ko sinasadya.Gie: Anong nangyari.?"Nasagasaan ko siya."Nahulog ang cellphone na hawak ko. Nangiginig ang kamay ko.JL: Anong nangyari? "Si Brylle puntahan natin. Naaksidente.”Mabilis na sumakay kami ng jeep, patungo sa ospital kaya lang biglang nakatulog ang nagmamaneho, sumadsad ang jeep papunta sa pader ng bahay.Sugatan na ako at pati na rin si JL.Nasabi ko na lang: huwag mo akong iiwan.Nagdilim na ang paningin ko.Paggising ko, si Brylle na ang katabi ko."Paano ka nakarating dito? Di ba Naaksidente ka.?"Gie: isang buwan ka ng tulog. Magaling na ako."Nasaan si JL.?" tanong ko."Gie, I don't want to say this pero wala na siya.Iniligtas ka niya, dinala ka niya dito kahit mas malala ang sugat niya." Naglandas na ang mga luha ko."Hindi iyan totoo. He promise me na di niya ako iiwan." Brylle: Nandito ako. Huwag ka ng umiyak.Nasasaktan ako.