Chapter 3

1207 Words
Andito ako ngayon sa parking lot. Inaantay si Jeric. Ang bagal niyang lumabas shopping na shopping na ako eh. "Ang bagal mo naman lumabas. Kanina pa ako dito eh!" "Sorry. Late na kaming pinalabas ng prof namin eh." He said. "Okay lang! Let's go?" Tumango lang siya at pumasok na rin sa loob ng kotse. Nasa front seat siya ako naman nasa driver seat. "Thank you!" "H-huh?" He said. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Tsaka binalik ulit sa kalsada ang tingin. "Sabi ko salamat kasi sinamahan mo kong mag shopping tsaka pumayag kayong sumama samin." "Ah wala yun!" He said. Nakarating na kami sa mall na pagaari rin namin. Malaki naman kasi talaga ang kayamanan ng mga Hernandez eh. "Magandang hapon po ma'am!" Guard said. Ngumiti naman ako sa kanya tsaka kami pumasok sa loob. "Sa inyo din itong mall diba?" He asked. "Yes! sa amin din ito!" "Sobrang yaman talaga ng mga Hernandez" He said. "Mayaman nga pero wala naman time sa mga anak!" "Sorry!" He said. "Wala yun. Tara ibibili muna kita ng sayo!" "H-huh? Hindi na. Tsaka nakakahiya" He said. "Anong nakakahiya. Hindi kaya no! Basta ako ang bahala." Hinila ko na siya papunta sa bench at namili dun. Naghanap din ako ng para sakin. Siya naman ang namili ng para sa kanya. Nahihiya daw kasi siya eh. Nang matapos kaming mamili dun binayaran ko na iyon at lumabas na kami ng bench. Kung saan-saan na kami namili. Masaya kasama si Jeric. Napapatawa niya ako at sumasabay siya sa mga trip ko. Hanggang sa makaramdam kami ng gutom. Nag McDonald nalang kami kasi mas bet ko pa sa mga fast food kesa sa mga restaurant. Matapos kaming mag shopping at kumain hinatid ko na siya sa kanila. "Thankyou sa time jeric ah. Bukas maaga tayong aalis. Susunduin ka namin dito." "O-okay! Uhmm.. Cloey! May gusto sana akong sabihin sayo." He said. "Ano yun?" "Uhmm.. Thank you din. Sige na. Mag iingat ka sa pagmamaneho ah. See you tommorow!" He said. "Okay!" Nag wave lang ako sa kanya at pinaandar na ang kotse ko. Napaka weird niya kanina. Ewan ko ba kung bakit. Bahala na bukas. Andito na kami ngayon sa van ni Kid. Wala sila daddy ngayon nasa london dahil may business meeting sila dun. Kaya kami lang ang naiwan ni kid sa bahay. Kasama ang mga kasambahay at si Mr.Yu ang butler. Nasa bandang likuran ako si kid naman nasa may harapan mas gusto daw niya dun eh. Bumaba na ako ng makarating na kami kila Nica. Kasama na daw nila si Liza at Jaime. Dun daw kasi natulog si liza at Jaime. Ang daya nga eh di ako ininform. "Good morning cloey.. Kamusta tulog?" Nica said. "Wala okay lang. Kumain na ba kayo?" "Hindi pa eh. Ang aga mo naman kasing manundo. Sino ba naman kasi ang taong makakakain kapag alas-kwatro ng umaga susunduin tss.." She said. Natawa nalang ako dahil sa sinabi niya. Pinaandar na ang van ng mailagay na ng driver ang mga gamit sa likod. Sunod naman kaming nagpunta kila jeric. Magkakasama na rin daw kasi sila ang Sabi Jeric. Dun din daw kasi natulog si Sam at Lloyd eh. "Goodmorning everyone!" Natawa naman kaming lahat dahil sa sigaw ni Lloyd. Magkatabi si Lloyd at Sam sa kabilang upuan. Pinatabi ko naman sa akin si Jeric. Nahihiya pa ngang tumabi sakin eh. Ang weird talaga niya kapag magkasama kami. Nakarating na kami sa airport at nag aabang na ang private plane namin. Naunang bumaba si Kid kasama ang girlfriend niya. Yes kasama rin namin ang girlfriend niya. Sumunod naman si kuya Drix at ate camille. Sumunod naman sa kanila si Sam at Lloyd. Then si Liza,Jaime,Nica at bumaba na din kami ni jeric. Sumakay na kami ng private plane. After 30 minutes of waiting pinaandar na din ng piloto ang eroplano.Isa-isa kami ng upuan Pero nasa kaliwa ko si Jeric at nakaupo sa seat. Tumingin ako sa bintana. Ang ganda ng baba. Makikita mo sa baba ang ganda ng palawan. Ang kulay asul na tubig. Sobrang ganda talaga dito sa Palawan. Nang makababa na kami ng eroplano ay dumeretso kami sa guest house namin dito sa Palawan. "Wow! Cloey! Lalong gumanda at lumaki ang guest house niyo ah." Nica said. "Last week kasi pinaayos ni daddy ang guest house na to. Tara na!" "Akin na tulungan na kita jan sa maleta mo!" Pag piprisinta ni jeric. "Hindi na may dala ka rin eh. Baka mabigatan ka! Ako nalang!" "Okay lang sanay naman ako eh. Basta ikaw!" He said. "Hindi promise kaya ko na ito!" Pinipilit niyang kunin sakin pero inilalayo ko sa kanya. Ang kulit niya talaga. "Tsk. Akin na. Wag ka ng makulit!" He said. "Kaya ko na to promise." Tinaasan niya ako ng kilay at ngumisi. Bigla niyang kinuha ang Maleta ko kaya muntik na matumba. Buti ay nasalo ako ni jeric. Napatitig ako sa mata niya. Ang ganda ng mata niya at ng pilikmata niya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Kapag nakatitig ako Kay jeric biglang titibok ng sobrang lakas ang puso ko. "Ehem!" Napatingin kami ni jeric kay sam ng tumikhim siya "Masyado kayong sweet. Ang sakit sa mata!" He said. Napatingin ako sa position namin ni Jeric kaya agad akong napabitaw sa kanya. "Feel na feel mo ah!" Bulong ni jeric sa tenga ko. Kaya pinalo ko siya sa balikat at inirapan pero tumawa lang si jeric. Ibinigay ko sa kanya ang Maleta na bitbit ko tsaka nag lakad na papasok ng bahay. Nakakainis. Bakit biglang may ganong effect ang puso ko. Sa sobrang bilis ng t***k kulang na lang eh ang lumabas na ang puso ko. "Welcome po Ms.Cloey!" Sabi ng isang maid dito. Maid lang ang meron dito hindi na naglagay si daddy ng butler kasi guest house lang naman daw to eh. "Guys.. Nag pahanda ako ng pag kain. Kumain muna tayo bago kayo mag saya at mamasyal. Then mamayang gabi mag party tayo dito sa bahay. Sa rooftop gaganapin ang night party. Ayos na din lahat. Aakyat nalang tayo dun mamaya." Kumain na kami sa dining hall. Puro masasarap ang pinaluto ko. May carbonara,spaghetti,chicken at Madami pang iba. Nag pa bake din ako ng cake para sa Dessert. Jeric POVS. "It's time for the party-party guys!!" Sigaw ni Sam at Lloyd ang kulit talaga nila. Sila lagi ang nagsisimula ng ingay at kulitan eh. Nagsa-sayaw lang sila Sam at ang iba naming kasama pero sa isa ako naka focus. Anong problema niya bakit hindi siya nakikipag kulitan samin. Ngayon ko lang nakitang ganyan ang mood ni cloey. Tahimik at umiinom lang ng wine. Napatigil ako ng makitang wala na si cloey sa pwesto niya kanina. Nasaan na yun. Hinanap ko si cloey kahit saan. Lumabas ako ng bahay ay hinanap si cloey. Nakita ko siyang nakaupo sa may buhangin at nakayuko. May problema siya at kailangan niya ng karamay. Hinubad ko ang jacket na suot ko at ipinatong iyon sa likod niya. Naupo lang ako sa tabi niya at pinagmamasdan siya. Ngayon ko lang nakita cloey na ganito. May problema siya kaya iba ang ugali niya sa school. Ang cloey na mataray at maldita sa school may lungkot pala na nararamdaman. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD