Andito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa cafeteria kumakain. Boring ng araw ko ngayon.
"Guyss!" Napatingin kaming lahat kay nica ng magsalita siya. "Next week na ang bakasyon natin ng 7 days. So anong balak niyo?!" Nica asked.
"Oo nga pala no! Anong balak natin?!" Jaime said.
"Hmm... Ako gusto ko sanang mag travel kasama kayo yung tipong magsasaya tayo ganon kaso wala pa akong maisip na pwede nating puntahan eh" Liza said.
Tahimik lang ako habang naguusap sila. Bahala sila basta kung saan sila dun din ako.
"Alam ko na. Diba merong rest house sila cloey sa palawan dun nalang kaya tayo. Maganda dun at pwede pa tayong mag swimming. Gosh.. Exciting.." Nica said.
"Huy! Cloey. Kanina ka pa tahimik Jan? Iniisip mo si jeric no. Uyy sabi na eh. Nagwapuhan ka rin sa kanya eh. Aminin mo na kasi." Pang-aasar ni Jaime. Tinignan ko lang siya ng masama pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Shut up jaime. why would I like that guy?"
Tinaasan ako ng kilay ni Jaime at ngumisi. "Ang sabi ko nagagwapuhan ka rin sa kanya. Hindi ko sinabing nagkakagusto ka! Haler. Iba ang meaning ng nagagwapuhan sa nag kakagusto no!" She said.
"Ewan ko sayo. Basta kahit ano man ang sabihin mo never lang ang sagot ko"
"Huh? Ganyan na ba ang epekto ni jeric sayo? Ang layo ng sinasabi mo eh." Nica said.
"Ewan ko sa inyo! Ang dami niyong alam!"
Inirapan ko lang sila at sumipsip na sa binili kong frappe kanina.
"Hays.. By the way cloey. Alam mo naman ang pinaguusapan namin kanina diba? About sa vacation next week! Narinig mo naman ata diba?" Nica said.
"So?! Anong balak niyo?!"
"Uhmm.. Dun tayo mag vacation sa palawan. May rest house naman kayo dun eh." Nica said.
"Oh. Okay!"
"So? Pumapayag ka?" Jaime said. Tumango lang ako sa tinanong ni Jaime. Kaya nag apir silang tatlo.
"Kaso lang! Apat lang tayo! Boring naman non."
"Oo nga no. Wait. Alam ko na isama natin si Kid!" Jaime said. "Kaso lang baka mabored siya. Siya lang kasi ang lalaki eh."
"Edi isama rin natin si kuya drix at ate camille." Nica said. "Tsaka si ano!"
"Mukhang kilala ko na ang sinasabi niyo! Hindi niyo kailangan mag kindatan Jan."
"Okay lang ba sayo cloey?" Liza said.
"Oo naman! Hindi naman big deal yun eh!"
"Yun naman pala eh. Atlis makakapag bonding kayong dalawa at makakapag usap pa kayo. Exciting!!" Liza said.
"Ang corny niyo!"
*****
Jeric POVS.
"Huy mga bro! Next week na ang bakasyon ng 7 days ah. Anong balak niyo? Jeric anong balak natin" Sam said.
"Hindi ko alam. Bahala kayo jan!"
"Hayss. Bakit ba ang tahimik mo? Iniisip mo nanaman ba si crush mo yiee.." Pang-aasar ni Lloyd.
"Bakit ko naman siya iisipin? Crush ko lang siya hindi ko pa siya Mahal!"
"Sus. Kunyare ka pa. Bakit kasi ang torpe mo? Matagal mo na siyang gusto diba? Mga one year ka na rin nagpapaka torpe sa kanya. Baka mamaya maunahan ka pa ng iba Jan!" Sam said.
"Oo nga naman bro! Tama na pagiging torpe mo. Alam naman namin na nag dadalawang isip ka pa eh. Kasi nga maldita si cloey! Pero kilala namin si cloey. May pinag dadaanan kasi yun kaya ganon." Lloyd said.
"Hays.. Wala naman akong pake kung ano ang ugali niya eh. Basta crush ko siya. Tsaka nahihiya akong umamin sa kanya no."
"Alam naman namin yun. Pero try mo pa din! Lakasan mo lang ang loob mo!" Sam said.
"Hays.. Bahala na!"
"Don't worry bro. Andito kami ni sam para sayo. Kaibigan mo kami simula bata pa. Kaya kilala ka na namin." Lloyd said.
Ano ba kasing meron ka Cloey Hernandez. Bakit ako nagkagusto sayo. Hays.. Nakakatorpe kasi eh. Baka ma reject mo lang ako kapag umamin ako.
"Darating din tayo Jan! Hintayin niyo lang."
Jeric POVS.
Ito nanaman ako. Nakatingin sa kanya mula sa malayo. Iniisip kung paano ako aamin sa kanya baka kasi ireject niya ako eh.
Mahigit isang linggo na din akong ganito. Titingin sa kanya mula sa malayo. Papanoorin ang mga tawa niya na sobrang ganda.
"Buong isang week mong Hindi makikita si cloey. Hindi ka pa ba aamin?" Sam said.
"Hindi ko alam bro. Okay na sa aking makita siya mula sa malayo."
"Hayss.. Torpe talaga.." Pagpaparinig ni Sam.
Nakatingin lang ako sa kanya ng bigla siyang napalingon sakin at at.. f**k. Totoo ba yun? Nginitian niya ako?
"Huy jeric. Bakit napatulala ka Jan." Lloyd said.
"Bro. Nginitian niya ako. Best memories."
"Oh edi congrats." Sam said.
"Hi!" Napalingon kaming tatlo dahil sa nag salita.
"Oh mga kaibigan ni cloey! Pansinin mo naman!" Bulong sa akin ni Lloyd. Siniko ko siya sa tagiliran kaya natawa siya.
"Hi! Bakit nga pala kayo andito?"
Ngumiti sakin ang isang babaeng kulot ang buhok kaya nginitian ko din siya pabalik. "Uhmm.. I'm Danica and ito nga pala si Jaime at Liza mga kaibigan kami ni cloey. Diba ikaw si jeric?" She said.
"Yeah! And ito ang mga kaibigan ko si Sam at si Lloyd."
"Please to meet you girls!" Sam and Lloyd said. Tss.. Mga play boy talaga.
"Ow.. Saktong-sakto. Uhmm by the way pwedeng makiupo nakakapagod kasing magsalita kapag nakatayo eh!" Nica said.
"Oo naman!"
Naupo lang sila sa bakanteng pwesto at ngumiti bago nag salita. "Uhmm.. Can I asked you?" Nica said. Tumango lang ako.
"Uhmm.. Kasi ano! Diba next week na ang seven days vacation natin. Itatanong sana namin kung meron na kayong balak next week!" Nica said.
Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni sam kaya Hinayaan ko na.
"Wala pa kaming balak. Baka nga sa bahay lang kami eh." Sam said.
"Wala pa! So. Balak sana namin kayong imbitahan na sumama samin. Natanong na namin ito kay cloey. Pumayag naman siya." Nica said.
"Teka! Saan ba kayo? Magbabakasyon?" Lloyd asked.
"Uhmm. Dun kami sa Palawan. Don't worry madami naman tayo. Kasama natin yung kapatid ni cloey,yung kapatid ko tsaka yung girlfriend niya. Hindi kayo maboboring." She said.
"Tsaka may matitirhan naman tayo dun. Malaki ang rest house nila cloey dun." Liza said.
"Ang yaman talaga ng crush mo bro!" Bulong sa akin ni Sam. Siniko ko naman siya para manahimik.
"Papayag ba kayo o hindi? Okay lang naman sakin kung Hindi." Napalingon kaming lahat sa nag salita.
Totoo ba tong nakikita ko. Si cloey nasa harapan ko na. s**t. Nakakahiya.
"Titignan mo lang ba ako?!" She said.
"H-hindi. Uhmm.."
"Tss.. Nauutal ka pa.. I know naman na maganda ako eh." She said.
"Aray! Ang kati naman!" Napatingin kaming lahat kay jaime. "May langgam kasing kumagat sakin. Kasi nilalanggam na kami dahil sa sobrang sweet niyo eh."
"Ang corny!" Cloey said. Umupo sa tabi ko si cloey. Hindi ako makagalaw para akong naistatwa.
"Ano papayag ba kayo o Hindi?" Cloey said. "Hey! Painom ah!" She said. Hindi na ako nakasagot dahil nadikit na niya ang labi niya sa straw. Natawa nalang tuloy yung mga kaibigan niya.
"Oo naman.. Payag kami kaso ang problema namin ay sa ticket nga lang." Sam said.
Ticket problema niya? Ang yaman-yaman walang pambili ng ticket.
"Don't worry. Private plain ang gagamitin natin." Cloey said.
Napanganga naman ang mga kaibigan ko bago nag salita. "Nino?"they said.
"Namin!" Cloey said.
"Okay cleared na yun ah. Bukas na tayo aalis. Ayusin niyo na ang mga gamit niyo pag uwe niyo sa bahay niyo. Ciao."Nica said. At umalis na sila. Pero naiwan si cloey.
"Hey Jeric. Later samahan mo ko!" She said.
"Saan naman?!"
"Mag shopping. Ayaw mo? My treat. Don't worry." She said. Napatango naman ako dahil sa sinabi niya.
"Hintayin kita sa parking lot ah. Bye. See you later." She said. Ngumiti siya samin kaya nginitian din namin siya.
Pagkaalis ni cloey. Pinag babatukan ako ng mga kaibigan ko. Mga buang talaga eh. Sa wakas makakasama ko siya ng isang linggo.
Hindi ko na siya matitignan mula sa malayo. Kundi sa malapit na. Mabait pala siya. Baka nga tama ang mga kaibigan ko. Maldita siya dahil may pinagdadaanan siya kaya kailangan Kong alamin yun. Baka makatulong ako sa kanya.
*****