"Dad! Ayoko. Bakit ba masyado kayong over protective sakin. Wala naman mangyayari sakin. Hays.. Basta ayoko ng body guard tapos."
Ito na naman ako nakikipag bangayan sa daddy ko. Paano ba naman kasi gusto niyang pabantayan ako sa mga body guard niya. Ewan ko ba kung bakit. Wala naman mangyayare sakin na masama.
"Cloey! Para rin naman sa kaligtasan mo to eh. Ikaw ang tiga-pagmana ng Hernandez Company Inc. at ng mga ari-arian ng Hernandez. Kaya kailangan mo ng body guard na magbabantay sayo at ito rin ang kagustuhan ng mga lola at lolo mo at ng lahat ng Hernandez family. Iyon ang kagustuhan nila. Kaya sumunod ka nalang cloey. Okay!" Dad said.
"Why? Ako lang ba ang nag iisang apo? Anjan naman si Ryde na anak nila tita vicky at Tito henry. Anjan din si Bench na anak naman nila Tito simon at tita kendra. Anjan din si Kid. Balang araw hahawak din naman siya ng ari-arian natin ah?!"
"Sila Ryder at Bench ay may mga sariling kumpanya at ari-arian. Ang kapatid mo naman masyado pang bata para humawak ng ari-arian at ikaw ang pinaka matanda sa kanila kaya ikaw ang napili ng Lola at lolo mo. Anak makinig ka naman kahit ngayon lang. Pakiusap!" Dad said.
"I.Don't.Care. Basta ayoko ng mga body guards daddy. Okay! Aalis na po ako. Malalate na ako"
"Cloey!!" Rinig Kong tawag ni daddy sakin. Pero nag dirediretso pa rin ako. Walang mangyayare kung paptatagalin ko pa ang usapan namin in daddy. Mababadtrip lang ako.
Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar ng sobrang bilis. Bakit ba lagi nalang si daddy at mommy ang nasusunod. Hindi ba pwedeng kahit ako rin naman sundin nila.
Masyado silang over protective sakin. Sa sobrang pag protective nila sakin nasasakal na ako. Ano naman kung ako ang tiga-pagmana. Hindi iyon sapat na dahilan para protektahan nila ako tsaka kaya ko na ang sarili ko. Nasa tamang edad na ako. Pero ang kapatid kong lalaki bata pa. Matured lang magisip. Hays.. Kainis talaga..
Andito na ako sa school at kasalukuyan na naglalakad sa hallway ng may nakabunggo sakin at natapon sa damit ko ang dala niyang tubig. Nakakapang init ng ulo. Bakit ba ang daming tanga tanga at lampa ang nag enrolled dito.
Tumingin ako sa damit ko at tinignan ko din ang babae ng masama dahil sa ginawa niya sakin.
"S-sorry cloey! Hindi ko sinasadya!" she said. Tinignan ko lang siya ng nakakamatay na Tingin.
"Cloey! Andito ka na pala sa school pero hindi ka manlang ng text samin ni danica. Nag punta kami sa inyo at ang sabi ng butler niyo maaga ka daw uma--patay. A-anong nangyare?" rinig kong sabi ni liza pero nakatitig pa rin ako ng masama sa babae na nasa harap ko.
"S-sorry talaga cloey! Hindi ko sinasadya. Wag mo kong ipatanggal dito sa school please.." she said.
"Ano ba kasi ang gina--" Nica said.
"Bakit pa kailangan ng pulis at ng mga batas kung makukuha lang naman ang lahat sa salitang sorry."
"Oo nga girl! Bakit kasi Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!" Jaime said.
"S-sorry talaga cloey. Pupunasan ko nalang!" she said. Naglabas siya ng panyo galing sa bulsa ng pantalon niya. Pupunasan na sana niya ang damit ko ng itulak ko siya kaya hindi niya napunasan.
Narinig ko pa ang pag daing niya. Bago ko siya lapitan sa binagsakan niya.
"That is your warning no.1 from the daughter of the school owner. Kapag inulit mo nanaman yun Hindi ko na papalagpasin. Pick up your bag and book then leave infront of me."
Tumango siya ng mabilis at tumayo na tsaka tumakbo kung saan siya papatungo. Tumayo na din ako sa pagkakaupo.
Narinig kong pumalakpak ang mga kaibigan ko habang sinasabi ang salitang 'bravo' at 'queen cloey'
"That is your warning no.1. From the daughter of the school owner. Bravo ka girl" Liza said.
"Natatakot tuloy ako na baka magka warning no.1 din ako kapag sinaktan ko tong si cloey!" Nica said.
"Oo nga girl!" Jaime said. At tumawa na silang tatlo. Tinalikuran ko na sila at nauna ng maglakad.
Kahit kailan talaga mahilig mang-asar ang mga yun. Nakakainis.
"Tinanong mo ba kung bakit kailangan mo yun?" Liza said.
Andito kami ngayon sa cafeteria at kasalukuyang kumakain ng mga binili namin. Sinabi ko kasi sa kanila ang naging dahilan ng pag alis ko ng maaga sa bahay.
"Hindi! Dahil ang sabi lang nila sakin ay para daw sa kaligtasan ko yun dahil ako ang tiga-pagmana ng ari-arian namin. Ewan ko. Nakakabadtrip lang talaga sa bahay. Laging yun kasi ang sinasabi nila sakin. Hindi na nga kami nakakapag bonding dahil puro sila trabaho kaya madalas kami nalang ni kid ang nagba-bonding."
"Mahirap talaga kapag mayayaman eh no. Laging pamilya natin ang nasusunod. Hindi nila tayo pinag-dedesisyon sa gusto natin. Ganyan din sila mommy at daddy kay kuya drix eh. Laging bantay sarado siya sa mga body guard ni daddy at ang mas kinakatakutan pa ni kuya eh yung ipakasal siya ni daddy at mommy sa taong Hindi naman niya Mahal. Kawawa si ate camille nun kapag nag kataon. Di pa kasi namin alam kung sino eh." Nica said.
"Ganon naman talaga sa business eh. Kapag galing ka sa mayayaman at may business na pamilya. Sila talaga ang mag dedesisyon para sa future mo. Ipagkakasundo ka nila sa lalaki o babaeng galing din sa mayayaman na pamilya kahit di mo naman iyon gusto. Dahil makakatulong iyon sa business. Ganon din naman ako eh. Pero okay lang naman sakin. Para rin naman sa kumpanya eh." Jaime said.
"Alam niyo girl pare-parehas lang tayo ng sitwasyon no. Well galing tayo sa mayayaman na pamilya eh. Ganon talaga!" Liza said.
"Ikaw cloey? Paano kung ipakasal ka rin nila Tito sa di mo naman Mahal at ang dahilan nila ay para sa kumpanya? Anong gagawin mo?" Nica asked.
"Hindi mangyayare yun. Dahil di nila makokontrol ang buhay ko!" Tumayo ako at kinuha ang bag ko sa upuan. "Tara na! Next subject na!"
Tumayo na din sila at sumunod sa akin pero bago palang kami makaalis ng cafeteria. Meron nanamang natapon sa damit ko. Hindi na tubig. Juice naman.
"O.M.G. Warning no.2 from the daughter of the school owner." Rinig kong sabi ni nica.
Napatingin naman ako sa nagtapon sa akin. Arghh.. Lagi nalang bang may matatapon sa damit ko. Nakakainis na.
"Ikaw nanaman?! Pangalawa na to ah. Kanina sa hallway tinapunan mo ako ng tubig. Ngayon dito sa cafeteria at mas malala juice na ang natapon mo sa damit ko. Sinasadya mo ba talaga ang bungguin at tapunan ako?!"
"S-sorry cloey! Hindi ko sinasad-"
"Hindi mo nanaman sinasadya?! Laging yan nalang ba ang dahilan mo sa tuwing tatapunan mo ako?! Alam mo nakakainis ka na! Gusto mo ba talaga mawala dito sa school?!"
"S-sorry talaga cloey!!" She said.
"I don't need your f*****g sorry b***h. Diba sabi ko sayo kapag inulit mo nanaman Hindi ko na papalagpasin to!"
Kinuha ko ang baso ng juice sa ibang mesa. "Ngayon! Ikaw naman!" Binuhos ko sa ulo niya ang baso na may laman na juice. "Masarap ba?! Pwes isa pa!"
Kinuha ko naman ang juice na natira ni nica at ibinuhos ulit sa kanya. "Ayan! Bagay sayo. Mukha ka ng basang sisiw. Hmm.. Kulang pa. Wait.."
Kinuha ko naman ang natirang mga juice naming tatlo nila jaime at liza. Pero ibubuhos ko na sana iyon ng may pumigil sa kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Let me go. Sino ka ba? Hero ka ba netong babae nato?!" Tinaasan niya lang ako ng kilay at kinuha ang baso sa kamay ko gamit ang kabila niyang kamay.
"Hindi niya ako hero at wala akong pake sa ibang tao. Ayoko lang nakikita na may inaapi na istudyante. Lalo na kung ikaw ang nang aapi." He said.
"Wala ka palang pake eh. Bakit nangengealam ka?! That woman she needs to experience what she did to me. Kaya bitawan mo ako!"
"Maganda ka nga pero maldita ka naman. Walang lumalaban sayo dahil dala mo ang apelyido ng may-ari ng school na to" he said.
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya. Nang iinsulto ba tong lalaki na to. Hindi niya ako kilala pero ang lakas niyang magsalita na maldita ako.
"Thankyou. Dahil sinabihan mo ko ng maganda. pero wala kang pakealam kung ganito ako. Dahil wala kang alam sa buhay ko at wala rin akong pake kung apelyido ko man ang hernandez. Kaya pwede ba wag kang feeling hero"
"I'm not a hero by the way. Istudyante lang ako dito. And juice lang yang natapon sayo Hindi mo ikamamatay yan." He said. At umalis na siya kasama ang babae. Pero huminto siya at lumingon sakin.
"By the way! Hindi ako sinuka?! Iniri ako ng mama ko. Jeric De Guzman ang pangalan ko. Nice meeting you beautiful but full of angryness in your heart." He said sabay kindat.
"Grrr... f**k you! I don't care your name stupid. Ahhhh...!!!!"
"Don't shout cloey! Nakakahiya ka!" Liza said.
"I don't f*****g care. Sisiguraduhin Kong magbabayad ang lalaki na yun sa pang iinsulto niya sakin!"
"Ang gwapo ng lalaki na yun jaime! OMG." Nica shout.
"Gwapo?! In your dreams. Hindi siya gwapo. Mukha siyang unggoy."
"Sus! Kunyari ka pa cloey. Kahit mag sinungaling ka Jan. Halata pa rin sayong nagwapuhan ka sa lalaki na yun." Nica said.
"Shut up nica. I don't care Tss.."
Tuluyan na akong lumabas ng cafeteria at Hindi na sila inantay pa. Nakakabadtrip talaga... Magbabayad talaga siya sa pang iinsulto niya sakin.
*****