“OH!” sabi ni Mommy. “May kailangan lang akong kausapin. I almost forgot. Diyan muna kayong dalawa.” Iniwan kami ni Mommy. Halos tawagin ko siya pabalik dahil pakiramdam ko ay excuse niya lang na may kakausapin siya para makawala sa awkward na sitwasyong ito. “Anong ginagawa mo?” tanong ko, iritado. Nagkibit-balikat siya. “Working. I’m your new bodyguard—” “Cut the chase, Luciel. Hindi mo kailangan ng trabahong ito kaya bakit ikaw ang naaandito?” Tinitigan niya lamang ako. There’s no humor in his eyes, kaya nakakasigurado ako na…hindi siya naandito para makipagbiruan. “Is this part of my interview?” Umangat nang kaunti ang gilid ng kanyang labi ngunit hindi ito tumuloy sa ngiti. Inirapan ko na lamang siya at nilagpasan. Hinanap ko si Mommy dahil kailangan ko siyang makausap. Nakita

