ISINAKAY na namin si Fatima sa kotse matapos niyang magpakalasing. Hindi na rin naman ako mag-e-enjoy kung sakali mang magtagal pa kami sa bar dahil sa dalawang dahilan: una ay lasing na lasing na si Fatima at pangalawa ay dahil iniisip ko ang mga sinabi ni Luciel. Hindi ko pa rin makalimutan ang lungkot sa mata niya habang nakatitig sa akin. Hindi mabura sa isipan ko na tila ba nahihirapan siya sa kung ano mang pinagdadaanan niya. Sa backseat ng kotse ko isinakay si Fatima. Thank goodness, kasama ko si Luciel dahil hindi ko talaga alam paano ko maiuuwi sa kanila si Fatima. Sa front seat na ako naupo at pinagbuksan din ako ni Luciel ng pinto. Nahihiya akong tumingin at magtaray sa kanya ngayon matapos ang mga sinabi niya. How can he say that? Paano niya rin ako natititigan ng ganoon ku

